Chapter 7

1 0 0
                                    

Sciara POV

Napadaing ako sa sakit ng bumagsak ako habang nagtre training. Sa edad na siyam na taong gulang ay dinala ako sa lugar na ito. Kakapasok ko palang sa organisasyon at 'eto agad ang pinagawa sakin. Napatingin ako sa kamay na nakalahad sa akin pataas sa mukha niya, nakangiti siyang nakatingin sa akin.

"Are you okay? Lemme help you"

Inalalayan niya akong tumayo at pinagpagan ang damit ko. Nakatitig lamang ako sa kanya. Sa tingin ko ay magka edad lamang kami.

"Salamat" nakangiting wika ko.

Napatitig naman siya sa mata ko. Halata sa mukha niya ang pagtataka. Siguro ay dahil magkaiba ang kulay ng mga mata ko. Ang kaliwang mata ko ay may kulay na violet at brown naman sa kanan.

"Ang astig naman ng mga mata mo! Pero bat ganon? Wala man lang kabuhay buhay" namamangha at may halong pagtatakang sabi niya habang nakatingin sa mata ko.

"Hindi ka ba natatakot sa akin? Halimaw raw ako kasi ganto mata ko"

"Hindi no! Ang astig nga e. By the way, I'm Haisley Swander. Let's be friends!" masiglang sabi niya at inilahad ang kanang kamay niya.

"I'm Kiara Flecker. Nice to meet you and I would love to be your friend" nakangiting sabi ko at tinanggap ang nakalahad na kanang kamay.

"Kiara! Tara na! Kakain na tayo" masiglang sabi ni Haisley. May hawak hawak pa siyang kwek-kwek at fishball. May nakasabit din na towel sa balikat niya.

Ibinaba ko naman ang hawak kong espada at nakangiting lumapit sakaniya.

"Saktong sakto. Nagugutom na ako" sabi ko sabay tusok sa kwek-kwek.

"Yah! Mag punas ka nga muna ng pawis!" iritang sabi niya na nagpatawa sa akin.

"Oo na po. Ang arte ha" natatawang sabi ko at inabot ang towel na nasa balikat niya.

"Ang dugyot mo talaga!"

"Dugyot pala ha" kunwaring bantang sabi ko at niyakap siya para dumikit ang pawis ko. Alam ko na malakas ang kiliti niya sa bewang kaya kiniliti ko siya sa parteng iyon dahilan para dumagungdong ang tawa niya sa training room.

"Kiara! Tara sparring tayo" yaya ni Haisley habang may hawak din siyang espada.

"Sige tara!"

Limang taon na ang nakalilipas simula ng maging magkaibigan kami ni Haisley. Nasa edad na kami para sumabak sa mga mission kaya nagtre training kami ng maigi para lumakas.

" Kiara! Stay alive okay?" paalala niya habang nasa misyon kami.

Heto ang una naming pagsasama sa iisang misyon. Nagtatago kami sa isang puno habang pinagmamatyagan ang isang opisyal na nakikipag palitan ng droga.

"Noted! You should also stay alive. Kain tayo after neto"

"Puro talaga pagkain nasa isip mo pero sige!" nakangiting sabi niya at tinakpan na ang bibig senyales na aatake na kami.

"Haisley! Ano sabi sayo ng nurse? Ayos ka lang ba? " nag-aalalang tanong ko sakaniya.

Nakaabang ako sa kaniya sa harap ng infirmary dahil nabaril siya ng bala habang nasa misyon.

" Ayos lang ako. Wag kang mag-alala, daplis lang 'to" nakangiting sabi niya at ginulo ang buhok ko. Napahinga naman ako ng maluwag at tinitigan lamang ang nakangiti niyang mukha.

"Nag failed ako sa mission ko" malungkot na sabi ni Haisley habang nakatanaw sa iba naming kasamahan na nagtre training.

"Ayos lang yon Haisley. Marami pa namang mga misyon"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HiraethWhere stories live. Discover now