Sana POV.
Napagdesisyonan ko na kakausapin ko siya. I need to talk to her.
Pagkabukas ko pa lang ang pinto ng kwarto ko ay nasalubong ko siya papunta sa binigay na kwarto sa kanya dito sa bahay. Nagulat pa ako at nagtinginan kaming dalawa. Lalampasan na sana niya ako ng hawakan ko siya sa kanyang kamay.
"Bakit? Sana Unnie??"- masakit dahil tinatawag na niya ulit akong Sana Unnie ganun naman talaga diba kapatid ko siya..
"Can we talk?"- sabi ko at tumango naman siya bilang pagsang ayon.
Hinila ko naman siya sa beranda at doon ko gustong mag-usap kami ng masinsinan.
Dahyun Pov.
Ang masasabi ko lang ngayon ay napaka-akward ng atmosphere naming dalawa ni Sana Unnie. Hinila kase ako ni Sana Unnie dito sa veranda ng kanilang bahay which is dito na kami titira ni Mom.
Alam kung same lang kami ng pinagdadaanan ngayon. Pumayat na rin siya at may eyebags same as me na pareho kaming hindi nakakatulog sa Gabi.
Bakit kase nagyari ito sa amin. Sana hindi ko na lang siya naging kapatid. Mahirap mang tangapin pero kailangan. Sobrang sakit sa damdamin at kirot sa puso ko. Ayoko muna sanang makita siya pero hindi maiiwasan iyon dahil pareho na kaming nakatira sa iisang bahay. Pinangarap nga naming magkaroon ng sarili naming bahay in the future bilang mag-asawa. Pero hindi sa ganitong sitwasyon na bilang magkapatid kami. Nagising ang diwa ko ng magsalita siya.
"Kumusta ka na? Pinababayaan mo na ata ang sarili mo?"- sabi niya at lalapit na sana pero pinigilan ko at tumigil na man siya. Ayokong lumapit siya sa akin baka di ko mapigilan ang sarili kong mayakap at mahalikan siya.
"Ok naman ako Sana Unnie. Ikaw sana ang tatanungin ko ng ganyan"- sabi ko at tumingin sa kanya. Masaya ako't nakita ko siya sa ilang araw ng di ako nagpapakita sa kanya.
"Alam mong hindi ako Ok!! Dahyun. Ayoko ng ganito. Hindi ako makapaniwalang magkapatid tayo at hindi parin ako na niniwala. Hangat hindi ito na papatunayan"
"Anong ibig mong sabihin? Sana Unnie. Hindi pa ba sapat na magkadugo tayo kase sinabi na ni Mom na anak ka niya at magkapatid tayo at anak ako ng Daddy mo!"
"HINDI AKO NANINIWALA SA MOMMY MO AT HINDING HINDI KITA TATANGAPIN NA BILANG KAPATID KO. HINDI AKO PAPAYAG DAHYUN TANDAAN MO YAN."-sabi ni Sana Unnie at umalis na.
Bumagsak naman ang aking mga luha sa aking mga mata. Alam kung nasasaktan rin siya sa nagyayari ngayon. Alam kung matatangap rin niya na magkapatid kami pero ngayon alam kung masakit parin.
Alam kung hindi magandang magusap kami ngayon. Alam ko na ang paguugali niya sa Ilang taon na naming pagsasama ay masasabi kong wala akong maipipintas sa kanya sobrang sweet niya, maalaga, mabait, mapagmahal at maunawain. Kaya nga sobrang mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya at kailangan ko na siyang pakawalan. Pero isa lang ang ayaw niya wag na wag mo siyang gagalitin dahil sobra siyang magalit at nakakatakot siyang magalit wala siyang sinasanto. Oo marami siyang pasensya pero kapag natrigger na wala siyang kontrol sa sarili. Minsan nga noon may nagbastos sa mga kaibigan niya noon ay sobra siyang nagalit sa mga lalaking iyon. Naging imperno ang kanilang buhay sa school kaya napilitan ng mga magulang nilang ilipat sa ibang school at lugar. Alam ng parents nila na makapangyarihan ang binabanga ng mga anak nila kaya minabuti na lang nilang lumayo.
*******-----
(not edited) 😍😍
-A
BINABASA MO ANG
Love is Dangerous
FanfictionSaiDa Fanfict GxG "Nooooo!!!!! Nooooo!!!! hindi ito maari mababaliw ako kapag nawala siya sa akin. Mahal na mahal ko siya"- Sana "Bakit nagyari ito sa amin. Pakakawalan ko siya dahil ito ang tama"- Dahyun