CHAPTER 7

273 15 3
                                    

NANCY POV








After ng class naman na wala naman ginawa kundi nag kwento ng tanangbuhay ang prof namin sa wakas lunchbreak na! hayyy buti naman nagutom ako kakakinig sa kasaysayan niya anu kukwento ko pa ba? wag na nuh! gumawa din siya ng sarili niyang story diba author? hehe




At dahil mabait kami sympre na elevator na kami nuh! mahirap na baka maubos oras namin kakalakad






"grabe yung prof natin mala dear charo ang datingan" Jooe



Kasalukuyan kaming nasa loob ng elevator ngayun at nag aantay na makarating sa baba yung dalawa panay ang kwentuhan ang ingay haha lima lang kami dito yung dalawa di naman ala baka sa 7 or 8 floor pa galing eh 5th floor kami diba? sinadya kasi namin mag pahuli para di masyado siksikan actually dalawa elevator dito ay este tatlo pala pero dalawa lang yung pinapagamit sa mga student dito yung isa pababa yung isa pataas. . yung isang elevator naman para lang sa mga teacher and staff ng school ayun may sarili silang elevator. . sosyal! hehe





"sinabi mo pa parang history na ng mundo ang kinukwento niya eh math subject natin hahaha" Daisy





"ang boring kaya. . "Jooe







Tahimik lang ako nakikinig sa dalawa ng bumukas ang elevator sa 3rd floor




0.0 kaming nasa loob

Lahat ata kami natulala ng makita namin kung sino ang nasa tapat ng pinto. Sila Yeonwoo lang naman at sympre rinig namin ang tilian nila kasama niya yung dalawa



Napakapit ng mahigpit si Jooe kay Daisy ng pumasok ang tatlo sa loob sabay naman ako nag iwas tingin ng mag kasalubong kami ng mata ni Yeonwoo. Umatras ako ng umatras hangang andito na ako sa likod di ko namalayan na pareho kaming dalawa na nasa likod at amg daming gustong sumabay sa elevator







"oppss its too much sorry ladies!" sabi nung Hyebin






"omg omg omg!! Daisy gisingin moko please! omg omg talaga!" rinig kong bulong ni Jooe




"tumahimik ka nga!' Daisy






kung dati lima lang kaming sakay ngayun at triple halos siksikan na kami baka bumigay tong elevator nato. perwesyo naman tong tatlong ugok nato!







Siksik na siksik ako sa likod kasi naman halos gusto nila makatabi si Yeonwoo at may tulakan pang nagaganap. . sila Jane at Hyebin naman walang pakialam pati din sila Daisy na bulong na nagbabangayan sila ni Jooe





Ang lakas ng kaba ko! natatakot kasi ako baka kuyugin ako ng fans nila haisttt naiwas na nga ako eh kainis naman! sa sobrang agawan ng pwesto dito napalapit tuloy si Yeonwoo sakin dahil para sumiksik ako sa likod niya which is nakatulong para hindi ako masyadong maipit. At wait!! ang bango niyaaaaaaa!!! waaahhhh!!!!






"i hate this. . " Yeonwoo






Napatahimik sila at napatingin lahat kay Yeonwoo walang buhay ang pag kakasabi niya at parang naiirita. Buti nalang matangkad siya kaya medyo natatakpan ako. Jusko tatawagin ko na lahat ng santo para hindi ako makita ng fans niya.






Sumilip ako para tignan pero nakita ko sila Daisy at Jooe na nakatingin pala sakin na nag tataka Help!!!









Parang tinatanung nila ako gamit ang mata nila na anung ginagawa mo jan look. .








ROOM MATEsWhere stories live. Discover now