Kabanata 17

2.5K 63 7
                                    




"Baby! Andito na yung inorder mong costumes!"


I heared mommy knocked so I walked towards my door and opened it. Bumungad sa akin si mommy na may hawak na apat na malalaking paper bags na naglalaman ng mga costumes namin.


"Si Taika ang naghatid mommy?" I asked at kinuha mula sa kanya yung mga paper bags.


"Empleyado niya." Sagot niya. Napansin kong nakabihis siya ng panlakad.


"Where are you going?" I asked.


"Pupunta kaming Panabo ni daddy mo. Titignan yung site para sa bagong branch doon." Mommy answered. I just smiled at her and nodded my head.


"If you're done preparing go downstairs. Breakfast is ready, hintayin ka namin ni daddy para sabay na tayong kumain at mahatid ka namin. " Sabi ni mommy. Tumanggo ako at pagkaalis niya agad kong sinarado ang pintuan.


Nilagay ko sa kama ko ang mga paper bags at kinuha ang cellphone ko mula sa bag para tawagan si Art.


"Oh?" Sabi niya nong nasagot na niya ang tawag ko.


"Wala man lang hello?" I sarcastically asked and rolled my eyes.


"Whatever. Ano nga? Naghahanda pa ako eh!" Iritadong sabi niya sa kabilang linya.


"Tsk! Kita tayo nila Shannon mamaya before lunch."


"Kayo nalang. May lakad din kami ni Keonna."


"Ano ba yan! Si Keonna o yung law student? Yung totoo Artemesia."


"Duh! Kahit may activity sa school ngayon busy yun sa pag-aaral! Nang-iinis ka lang eh! Bye na nga!"


Yun lang ang sinabi niya. Hindi na ako hinintay na sumagot at pinatay na ang tawag. Tumatawa ko namang tinignan ang cellphone ko at hinanap ang pangalan ni Shannon sa messenger.


Me: Pssst! Before lunch kitakits sa Jabee.


Shannon Shei Anson: Gooo! Gonna tell Eurika and Kalice.


Sineen ko lang siya at binalik na sa bag ko ang cellphone. Sinuot ko na sa likod ko ang bag ko at binitbit yung mga paper bags. Pinatay ko muna ang aircon at ilaw bago ako lumabas sa kwarto ko.


Pagbaba ko agad akong binati ng mga kasambahay na naglilinis sa sala. I just smiled at them and entered our kitchen. Kumakain na sila mommy at daddy kaya umupo na ako sa tabi ni mommy para makakain na din.


"Si Kuya mommy?" I asked.


"May training yun ngayon baby kaya hindi siya makakapanood sa performance niyo." Mommy answered.

Between the Ocean and Sky (Course Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon