Chapter 35

102K 4K 909
                                    

I'll try to be gentle






"Paparusahan mo din ako?" Kinakabahang tanong ko kay Piero habang titig na titig siya sa akin. Iba ang titig na iyon sa mga iginagawad niyang titig sa akin, mas malalim ito mas tumatagos.

Bayolentent nagtaas baba ang kanyang adams apples habang siya napabuntong hininga at napapikit ng mariin. "Hindi pa sa ngayon" paos na sabi niya bago niya ako pinakawalan mula sa pagkakaharan niya sa akin at pagkakasandal ko sa likod ng pintuan. Pagod siyang naglakad papunta sa kama para umupo dito.

"Magbihis ka na. Magshoshower lang ako, matulog na tayo pagkatapos" pagod na utos niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan. Pumasok ako sa may maliit na walk in closet ni Piero para makapagpalit ng pantulog samantalang siya naman ay dumiretso sa may banyo para magshower.

Napahawak ako sa aking dibdin dahil sa kabang nararamdaman. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Napangiwi ako ng unti unting mapalitan ng kirot ang kaninang kaba. Dahan dahan akong napaupo sa may sahig. Pilit na hinahabol ang aking hininga para pawiin ang kirot. Hindi din nagtagal ay naglaho iyon. Pagod akong napahilamos sa aking mukha. Natatakot na ako.

Paglabas ko ng walk in closet ay kaagad akong gumapang sa kama para makahiga ng maayos. Dinama ng kamay ko ang lamig ng comforter habang nakatitig ako sa may kisame. Hindi pa din mawala sa aking isip ang paminsan minsang pagkirot ng aking dibdib.

Marahan akong gumalaw para makaayos ng pagkakahiga. Naisip kong baka kailangan ko lang maging maingat sa mga galaw ko. Bawal mapagod, at kailangan kong matutunang kontrolin ang aking emosyon. Mas lalo akong napaayos ng higa ng bumukas ang pintuan ng banyo. Uminit ang pisngi ko ng makita kong lumabas si Piero duon na nakatapis lamang ng tiwalya.

Hindi siya tumingin sa akin kaya naman malaya kong napanuod ang bawat galaa niya. Kaagad kong nakita ang magandang hubog ng kanyang katawan ng sinuklay niya ang basang buhok gamit ang kanyang daliri. Kumuha siya ng puting tshirt mula sa closet at tsaka kulay itim na shorts. Napanguso ako.

Nakita ni Piero iyon kaya naman nagtaas siya ng kilay sa akin. "What, you want me naked?" Pangaasar niya kaya naman kaahad akong tumalikod ng pagkakahiga sa kanya dahil sa sobrang kahihiyan.

Sandali pa siyang tumayo duon para patuyuin ng tuwalya ang basang buhok bago siya gumapang pahiga sa kama. Mariin akong pumikit para hindi na niya ako asarin ulit. Narinig ko ang pagngisi nito kaya naman dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Imbes na mahiga siya ay sumandal pa muna siya sa head board ng kama at tsaka kinalikot ang kanyang cellphone.

Nanliit ang mga mata ko habang sinisipat ang kanyang ginagawa. Namataan niya ako kaya naman kaagad niyang inilayo sa akin ang cellphone niya. "Tulog na" matigas na utos niya sa akin.

"Hindi ako makatulog" sumbong ko pa sa kanya kaya naman sinimangutan niya ako.

"Kung ano ano sigurong iniisip mo" galit na utas niya kaya naman kaagad humaba ang nguso ko.

"Hala hindi ko naman iniisip yung ginagawa nila Lan..." huli na ng mapigilan ko ang aking bibig. Kaagad akong napatakip duon lalo na nang makita ko ang naglalarong ngiti sa labi ni Piero.

Binitawan niya ang cellphone na hawak. "Tanginang bangs to" nakangising puna niya sa bangs ko na nagawa pa niyang suklayin.

Halos maduling ako sa pagsunod sa kanyang kamay na marahang sumusuklay duon. "Ayaw mo ba sa bangs ko?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede nang pagtyagaan" nakangising sagot niya sa akin kaya naman mabilis kong tinabig ang kamay niya.

"Ang sama mo sa bangs ko" inis na sabi ko.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now