01

26 4 1
                                    

Nico

"Tapos ka na ba sa engineering plates na ipapasa natin sa masungit nating prof?" Pagtatanong ni Rigel sa akin, then he automatically rolled his eyes.

He's Rigel, he's my blockmate, we're taking the course of Civil Engineering.

"I'm not done yet, pero matatapos na ako. How about you Rigel? Nagawa mo na ba ang sa 'yo?" Balik na tanong ko rito.

"Yun na nga ang problema ko eh, I don't even know where to start, tapos next week na ang deadline," He sighed after uttering those words.

I let out a chuckle and he even look at me with his sharp eyes.

"Hey! How dare you laugh at me?" He said and he even held his chest as if he's hurt.

"Umpisahan mo na kasing gumawa at nang may maipasa ka na next week," I tapped his shoulder.

"Oo na, uumpisahan na. Pero tara samgyup tayo wala naman na tayong klase ngayong hapon," ngumisi siya na mukhang may gagawing masama.

"Stop smirking, hindi mo bagay. Mukha kang may binabalak na masama," I said and then laughed.

Nawala ang ngisi sa kanyang mga labi at pabiro akong sinuntok sa balikat.

"Nakakailan ka na ah Nico. Bakit ang sama mo sa akin?" He sarcastically said.

"I'm sorry Rig, ganito na talaga ako nung mga bata pa tayo. Masanay ka na, okay?" I answered.

"Sanay na ako sa 'yo, tayo ba naman palagi ang magkasama since bata pa lang," Rigel replied to me.

Yes, we're childhood friends, halos lahat yata ng sikreto ko sa buhay alam nito, ultimo kulay ng paborito kong brief alam niya. Parang kakambal ko na siya sa lahat ng bagay.

Nabalik lang ako sa wisyo when he snapped his fingers at me.

"Are you listening, Nico?" He asked out of the blue.

"Huh? Ano bang sinasabi mo?" I scratch my head because of embarassment.

"Sabi ko samgyup tayo after class, papayag ka o papayag ka? Magdadabog ako dito sige ka." He pouted and showed his puppy eyes.

I rolled my eyes, what a cute dog, akala mo mabait pero may tinatago pala na katarantaduhan.

"Oo na, magsa-samgyup na tayo. Basta libre mo!" I exclaimed in excitement.

Nawala ang ngiti sa labi niya sa sinabi ko. "Bahala ka diyan! May pera ka naman eh."

I whistled at inilabas ko ang phone ko para ipakita sa kanya yung stolen picture ni Eliza, his ultimate crush na nag-aaral sa UP Diliman ng Political Science.

Nanlaki ang mga mata niya at nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa cellphone ko.

"You don't want her pic?" I smirked.

"Oo na! Ililibre na kita! Pahamak na stolen pic, kung di ko lang mahal si Eliza eh," he sighed in disbelief.

"Good. Tara na? Samgyup na tayo?" Hindi pa din nawawala ang ngisi sa aking labi dahil nanalo na naman ako sa pang-aasar kay Rigel.

Nandito na kami sa paborito naming Samgyup place, dito kami madalas kumain nitong ungas na 'to.

"Waquin, wala ka bang balak na mag girlfriend ha? Malapit na tayong grumaduate ng college wala ka pa ding naipapakilala sa akin," Rigel said and his brows were furrowed.

Hilig talaga ako tawagin nito sa second name ko, rarely lang ang tumatawag sa akin nito, kasi I really hate it when someone's calling me that.

"Kilala mo naman ako 'diba? I want to finish my studies first, at wala pa sa isip ko ang pagkakaroon ng girlfriend," I answered but he look at me with his playful eyes.

"I don't believe you. Alam kong gusto mo na rin magkaroon ng girlfriend, look, hindi na tayo teenager. We're being adults now. Maghanap ka rin naman ng libangan mo, puro aral ang inaatupag mo,"

Here we go again, pinapagalitan na naman ako ni Rigel. Kasalanan ko ba kung masaya maging single? Kasalanan ko din ba kung masaya mag-aral?

"Oo na lang, Rigel. Bakit ba kasi na gusto mo ako mag-girlfriend?" Pagtatanong ko rito.

Napatawa siya sa tanong ko.

"Para nga may iba kang pag-abalahan, tsaka para hindi ka nag-iisa pag alam mo na," sabi niya bago ngumisi at tumaas-taas ang kilay niya.

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko sa narinig, may hangin na yata itong kaibigan ko sa ulo eh.

"Gago! Pinagsasasabi mo?" Bulyaw ko rito.

Napatawa naman agad siya sa aking sinabi bago muling nagsalita.

"Alam ko iniisip mo, nako mali yang naiisip mo Waquin. Ibig kong sabihin sa magpasarap ay magpasarap ng buhay para may kasama kang tumupad sa lahat ng gagawin mong sarap sa buhay. Nako iba yata ang nasa isip mo eh," natatawang litanya niya sa akin.

"Malay ko sa 'yo! maghanap ka ng kausap mo!" Pagtataboy ko rito.

Humalakhak lamang siya.

"Paano ako maghahanap ng kausap kung ikaw lang kasama ko? mag-isip ka nga din," nakangising sagot neto sa akin.

Bumabawi lang 'to sa pang-aasar sa akin, as if na magtatagumpay siya. May naisip akong pambawi sa kanya.

"Alam ko na kung sino pwede kong maging girlfriend," seryosong sabi ko sa kanya pero sa loob-loob ko ay natatawa ako.

"Sino?" Tanong niya sa akin.

"Si Eliza" Umupo ako ng prente sa naging sagot ko.

Nanlaki ang mga mata niya at bumaling siya ng sobrang seryoso sa akin.

"Gago!" Bulyaw niya na agad na nagpahagalpak ng tawa sa akin.

"As if naman na papatulan talaga ako ni Eliza," natatawang sabi ko sa kanya.

"Malay mo!" Bulyaw niya na halatang inis pa rin sa sinabi ko.

"Huwag ka ngang masyadong butthurt diyan, tol. Hindi ako papatulan 'non," Pag-aalo ko rito.

"G side tayo mamaya." Biglaang sabi ni Rigel sa akin.

"May gagawin pa ako eh, sa susunod na lang siguro," sagot ko rito. Tinatamad lang talaga ako kasi hindi naman ako mahilig sa mga ganon.

Nadismaya ang mukha niya sa naging sagot ko.

"Kakasabi ko lang na magsaya ka din 'diba? Huwag puro aral gawin mo, give time to yourself also," seryosong sabi niya sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako sa pagkatalo ko.

"Oo na, sasama na ako mamaya. Anong oras ba?" Tanong ko sa kanya.

Pumalakpak siya at ngumisi, "Nice! Napapayag din kita, sunduin kita before 9 pm okay? Be ready," sabi niya matapos naming kumain.

Naghiwalay na kami pagkatapos naming kumain. Wala naman na akong magagawa eh, pumayag na ako na lumabas kami mamaya. He also have a point. I need to give time for myself too.. 

Wind of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon