Special Chapter - Miles (Part Two)

4.9K 165 48
                                    

"Miles, truth or dare?" nakangising tanong ni Vin nang tumapat ulit sa'kin ang ulo ng bote.

Teka, dinadaya ata ako ng mga 'to?! Pangatlong sunod na ito na sa'kin tumapat yung bote.

Nasa condo ko kami ngayon dahil nagyaya si Vin uminom. May pasok kinabukasan pero pinagbigyan na namin si Vincent. Brokenhearted si gago. Nalaman kasi niyang may boyfriend pala yung babaeng matagal na niyang gusto.

Simpleng inuman lang dapat ito. Kaso nakita nila yung collection ko ng alak kaya napagdiskitahan nila. Ayan, hanggang sa napunta na kami sa paglalaro ng truth or dare.

"Truth or dare, Miles?" tanong ni Vin.

"Bakit ako na naman?" reklamo ko. Hindi ako pinansin ng mga ugok. Nagdiskusyon pa muna sila para sa balak nilang itanong sa'kin.

"Truth or dare, erp," ulit ni Vin.

I sighed heavily before giving my answer. "Truth."

Ayoko piliin yung dare kasi baka kung anong kagaguhan ipagawa sa'kin ng mga 'to. Lakas pa naman trip ng mga 'to, lalo na si Ken at Vin.

"KJ mo naman, erp. Kanina ka pa truth nang truth," yamot na sabi ni Drake. Pinuno niya ng tequila ang shot glass at tinapat sa'kin.

Nakakalokong ngumisi si Ken "Hayaan mo na, Drake. Mamaya lang bibigay na rin to sa dare."

Hindi ba dapat si Vin ang pinagdidiskitahan dahil siya ang may problema? Napa-iling na lang ako. Mukhang may plano yata talaga silang lasingin ako, ah?

"So, Miles, dahil truth ang pinili mo, ito ang tanong." Pinagkiskis ni Vin ang dalawang palad bago ako tuluyang tanungin. "May chance pa bang magkabalikan kayo ni Abby?"

Na-blangko ako sa sinabi ng kaibigan ko.

Ilang beses ko na ba iyan tinanong sa sarili ko? Hindi ko na yata mabilang. Sa totoo lang, tuwing nakikita ko ang mga posts ni Abby sa Facebook, palagi yang tanong na yan ang nasa isip ko.

May chance pa kaya na maging kami ulit?

I don't even have an answer to that. Hindi lang naman kasi sa'kin nakasalalay yung sagot sa tanong na 'to.

Pero kung bibigyan ako ng pagkakataon to pursue her again, I'll do my best to earn her love and her trust. Matagal ko nang gustong subukan, pero hindi ako makahanap ng tiyempo. Sagwa naman, di ba, kung bigla na lang akong susulpot sa buhay niya ulit para itanong kung pwede bang kami na lang ulit.

"Ano na, Miles? May chance pa 'no?" tudyo ni Ken. Naghiyawan yung tatlo na parang mga teenagers na kilig na kilig dahil sinulyapan ng crush.

Inabot ko ang shotglass na puno ng tequila. I downed it in one go.

Without lime.

Without salt.

Para mas ramdam ko yung katotohanang malabo nang magkabalikan kami ng babaeng hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin.

Ang tanga ko kasi noon, eh. I let her slip away from me. I-prioritize daw ba 'yung trabaho kaysa piliing ayusin yung relationship namin. Akala ko kasi maiintindihan ako ni Abby since pareho naman kaming naging busy sa career namin. I didn't realize I was taking her for granted already. Ayun, napagod tuloy siya at nagsawa sa kakarampot na oras na binibigay ko sa kanya.

When she finally asked for space, I let her go. I was stupid to think na pansamantala lang yun. That she only wanted to breathe from all the fights, arguments, misunderstandings. Mali pala ako. Iyon na pala yun.

She was done with all my bullshits.

She was done with me.

Kaya heto ako, tinatanaw na lang siya sa malayo. Nakiki-kamusta at nakiki-balita na lang mula sa mga kaibigan.

Still Into YouWhere stories live. Discover now