Chapter 10

95 4 6
                                    

Chapter 10

"Isang major subject ang ibinagsak nito. Pinapaalala ko lang, Giana? Periodical 'yan," ani Celene sa tonong hindi ko nagugustuhan.

Pagilid kong tinititigan ang kaibigan. "Alam kong bagsak. Kitang-kita ko naman na hindi umabot ng passing score," iritable kong anang.

Nginingisian ako nito. "Oh? Ba't ka naiirita diyan? Galit?"

Iniirapan ko siya bago muling tumingin sa malayo.

"Hindi mo na kasi kailangang pansinin. Alam ko, okay? Ano naman ngayon? Mababago ko pa ba 'yan?"

Tahimik na lang ulit ako habang nakatitig sa outdoor court na may iilang estudyante na nagkalat. Unti-unti na nga ring lumalamig ang simoy ng hangin kaya mabilis na nanunuyo ang labi at lalamunan ko. Itinungga ko ang isang bote ng tubig para basain iyon.

"Sinasabi lang naman niya, Giana. Parang hindi ka na nasanay kay Celene," ani Yna sa mahinahong boses.

Sinisiko na ako ni Anika pero hindi ko siya nililingon. "Bakit ba ang sungit mo? Hindi ka naman kasi umabot sa gano'ng kababa na score lalo na kapag sa exam..."

Isang linggo na ang nakalilipas simula noong nalaman ko na ninakawan kami ng kanang kamay ni Papa sa negosyo pati na rin ang problema na hinaharap tungkol sa lupang kinatatayuan ng fast-food restaurant namin.

Ni hindi ko nga matanong ang mga magulang ko kung may katotohanan ba ang mga narinig noong gabing 'yon pero sino ba'ng niloko ko? Malamang totoo iyon. 

Ano 'yon? Silang dalawa lang na mag-asawa ang naglolokohan?

'Yun din ang dahilan kung bakit maraming gumugulo sa aking utak nitong mga nakaraang linggo. Likas na yata talaga sa akin ang maging overthinker.

"Babawi na lang ako sa susunod..." sambit ko pampalubag-loob sa mga kaibigan ngunit higit para sa sarili ko.

Aware ako na malaki ang magiging hatak sa grades kapag may mababang score sa exam pero masyado akong maraming iniisip para problemahin pati ito.

"May problema ka ba?" Paulit-ulit na tanong ng mga kaibigan ko na hindi ko naman masagot.

Hindi naman ako mukhang may problema, ah? Paano ba nila napapansin?

"Kahit sabihin mong wala, hindi, okay ka lang... alam namin na kabaligtaran iyon! Magsabi ka na kasi!" 

Umiiling ako sa mga kaibigan bago isinasandal ang likod sa upuan, nag-iisip ng maipapalusot.

Paano ko ba ikukwento sa kanila na baka sa susunod ay wala na akong pang-aral? Na baka hindi pa ako makapag-college dahil sa problemang hinaharap ng pamilya ko, at na baka ito na ang huling buwan na papasok ako ng eskwelahan!

Malaki ang galit ko ngayon sa sekretarya ni Papa na tinuring na rin naming pamilya. Ito pa ang naging ganti niya pagkatapos ng lahat!

Ayoko talaga sa mga manloloko at manggagamit. Ayoko sa mga sinungaling. Bumabaliktad ang sikmura ko sa isipin na magsisinungaling ako sa kapwa ko para paikutin lang sila... hindi ko kaya.

Ayoko naman ding magtanong sa mga magulang ko dahil sa pagkakakilala ko sa kanila, malamang ay sasarilihin lang nila itong problema.

Nitong mga nakakaraan na araw ay hindi ko na rin halos nakikita si Papa sa bahay. Alam kong sinusubukan nilang itago ang problema sa amin pero naririnig ko pa rin ang usapan nila ni Mama sa loob ng kanilang kwarto... or more like, pinapakinggan ko.

Tuwing pinagmamasdan ko ang pagod niyang mga mata ay lalo lamang nadadagdagan ang galit ko sa taong nagbigay ng problema sa amin!

Hindi ko na tuloy alam kung ano ba'ng dapat kong gawin, kung ano'ng pwede kong maialok na tulong.

Eleven Steps to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon