Chapter 20

67 5 2
                                    

Chapter 20

"Ano'ng formula nito?"

First day of exams pa lang pero ito at mukha na akong baliw. Bumubulong-bulong sa sarili habang nagkakabisa, hawak ang isang papel na nakatupi sa gitna.

Syempre, maliban sa gusto kong manalo laban kay Draven, kailangan ko ring bawiin ang bagsak ko nung nakaraan.

"Huy, ano'ng formula?" pangungulit ni Anika.

Late na nagsisimula ang klase namin kaya dito muna kami sa cafeteria habang nag-aayos sa taas. Inaabot ko sa kanya ang reviewer sa isang subject at nagpatuloy sa pagkakabisa.

"Thanks! Masyado ka namang tutok sa pagkakabisa, kalma lang baka dumugo ang ulo mo!" panunuya nito na hindi ko na lang pinansin.

Tahimik lang na nag-aaral si Yna samantalang si Celene ay nagce-cellphone sa tabi nya. Malamang last year pa siya handa para sa exam na ito.

Kampante naman ako na masasagutan ko iyon pero kailangang sure na sure, baka may nakaligtaan akong aralin.

"Panik na raw!" sigaw ng isa naming kaklase na kasamang tumambay sa cafeteria.

Natataranta kaming napatayo at nag-aayos ng nagkalat na gamit sa lamesa. Akin yata lahat ng iyon kaya nahuli akong maglakad.

"Giana, bilis! Mapupuno na 'yung elevator!" 

"Mauna na kayo!" I shout.

Nililingon ko 'yung tatlo na nakalayo na sa paglalakad, ni hindi man lang ako hinintay! Nagkanda hulog-hulog pa tuloy 'yung mga gamit kong highlighters kaya napapadyak ako sa inis habang pinupulot na rin sila.

"Kalma, baby, sabay na tayo."

Tinitingala ko si Whatever na tinutulungan akong magpulot ng mga nahulog. Ngumiti siya sa akin kaya napangiti na lang din ako.

"Ngayon ka lang pumasok?" pagtatanong ko rito.

Hinawi nito ang kanyang buhok na hinahangin habang nagpupulot kasama ko. "Kanina pa, bibili lang sana ako ng inumin."

Ngayon ko napansin na may hawak pala siyang bottled water. Tumatango naman ako habang isinasabit sa balikat ang aking bag. Kinukuha na niya ang mga libro ko sa lamesa at siya ang nagbitbit no'n.

"Talagang desidido kang matalo ako, ano?" anito nang ibaling sa akin ang atensyon matapos mapansin ang makakapal na reviewer na nakaipit sa mga libro ko.

Nagsisimula na akong maglakad at ganoon din ito.

Napakagat-labi ako para mabawasan ang pagngiti. "Syempre! Nako, Draven, give me a good fight. Baka naman papetiks-petiks ka lang diyan."

He scoffs. "Sorry ka, baby, hindi ako tumatanggi sa mga challenge. Makikita mo't bukas makalawa ginagawa mo na ang dare ko," he says as he wiggles his eyebrows in a teasing manner.

"Ikaw ang humanda dahil mawawalan ka ng buhok!" pagbabanta ko sabay tawa nang malakas.

Biglang nanlalaki ang mga mata nito at hinahabol na ako sa paglalakad.

"Hala, Giana! Mas lalo kong gagalingan kung buhok ko pala ang puntirya mo!"

Mabilis na lumipas ang araw ng aming exams, and I know I did great dahil alam ko ang isasagot sa mga tanong na nakalagay sa test paper. I'm pretty confident. 

"Congratulations, guys! Nasa inyo ang highest sa exams. Please give a round of applause to your classmates, Lapid and..."

Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan lahat ng nakuhang score na malayo sa mga nakuha ko noong nakararaang buwan. Halos lahat ay perfect maliban lang sa dalawa na may tatlo hanggang limang mali. Ayos na rin naman 'yon dahil sigurado akong mapapataob ko si Whatever. Laman ng isipan ko ang pustahan naming dalawa kaya wala akong panahon para matalo.

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now