CHAPTER 18

769 30 0
                                    

CHAPTER 18

KYREE's POV

SUNDAY. The only resting day of all the students of SMA. Madalas kaming lumabas magkakasama nina Beckham at Lorkhan para mawala-wala naman kahit paano ang stress at pagod namin.

"Nasaan na kaya ngayon si Cpt. Connery? Ano kayang ginagawa niya sa mga oras na ito?" tanong ni Beckham sa hangin. He was wearing then a simple white and printed blue shirt, nakajagger pants siya na kulay gray  at nakasumbrero siyang puti na inniikot niya patalikod sa kaniyang ulo. Bagay na bagay sa childish niyang ugali ang OOTD niya.

"Kailan pa ba siya sumama sa atin?" napangiwing saad naman ni Lorkhan. He is wearing a simple pure black shirt, ripped jeans and a white shoes. D*mn! look at his long and skinny legs. Nangiingit ba siya? Sabagay bagay niya dahil sa aming tatlo, mas matangkad siya.

"That's right! Hindi siya sasama sa atin," saad ko rin. At syempre, hindi naman ako magpapatalo sa OOTD namin no. I am now wearing a black shirt inside, tapos pinatungan ko ng white long sleeve. Nakapantalon din akong itim at nagsuot lang ako ng salaming walang grado para mukha pa ring smart.

Sabay-sabay kaming napatingala sa mga kable ng kuryente at napabuga ng hangin. Puno ng lungkot at pagkadismaya ang naramdaman namin ng mga oras na iyon. Parang hindi na kami nasanay na wala si Connery tuwing nagkakasiyahan kami. If not only because of what happened two years ago... 

Geez! naalala ko nanaman iyon. I'm not allowed to remember that accident, but it always popped out of my head. Who would not remember that kind of tragedy? I know, even Beckham, Lorkhan and the others still remember him. We will never ever forget him, lalong-lalo na ng  Captain namin.

"Oh! M-ma'am! sandali lang po!" napatigil ako sa pag-iisip dahil sa pag-sigaw na iyon ni Beckham. Agad siyang tumakbo papunta doon sa isang matandang babae na may bitbit na napakarami at napakabigat na basket ng prutas. Tatawid sana ito ng daan ngunit hindi niya napansin na naka-green pa ang traffic light. Mabilis naman siyang nailigtas ni Beckham kaya sinundan na rin namin siya.

"Are you okay ma'am?" tanong ko na kunot ang noo at nag-aalala.

"Ah... m-maraming salamat mga iho. Maraming salamat talaga, napakabait ninyo," saad nito sa amin na nakangiti.

"Walang anuman po iyon ma'am, trabaho naming paglingkuran kayo," saad ni Beckham.

"Ano ka ba! bakit ma'am pa ang tawag n'yo sa akin, isang hamak lamang ang matandang ito," saad ng matanda at napatango-tango sa amin nang nakangiti.

"Tinuruan kami ng eskwelahan namin na maging magalang sa lahat nga tao kaya Ma'am and Sir ang tawag namin sa lahat," masayang paliwanag ni Beckham. Right! Itinuro sa amin na galangin, protektahan, alagaan at mahalin ang buong Pilipinas at ang mga nasasakupan nito--- Ang kalikasan, kalinisan, kababaihan, katandaan at mga kabataan. We're studying at SMA to learn how to sacrifice our lives and devote ourselves in that so called mission and vision.

"Ako na pong magdadala nito, ma'am," sambit ni Lorkhan nang kunin niya ang dalawang basket na puno ng oranges.

"Saan po kayo pupunta?" tanong ko sa matanda at saka namin siya inihatid sa pwesto kung saan siya nagtitinda.

"Maraming salamat talaga mga anak, maraming salamat," walang sawa niyang paghingi ng salamat sa amin.

"Ayos lang po iyon. It's a call of duty," saad ko, "Sige po, mauna na kami," nakangiting paalam namin sa kaniya bago tumalikod at umalis.

"Ba-bye po ma'am!" sumaludo pa sa kaniya si Beckham bago sumunod sa amin.

"Tayo na sa Arcade," yaya ko sa kanila. Malapit lang naman na sa lugar na iyon ang Arcade na madalas naming pagtambayan ng biglang...

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now