Chapter 12

1K 26 1
                                    

GUSTUHIN man niyang sagutin ito ng hindi dahil iyon ang inaasahan nitong isasagot niya ay hindi niya magawa dahil ayaw naman niyang magsinungaling sa Ginang at magmukha desperada sa paningin ni King.

"Opo gano'n nga po," sagot niya at napakagat ng ibabang labi.

"Ang bait mo namang kaibigan, Mary, sana mas higit pa sa kaibigan sa susunod."

"Po?" gulat na sagot ni Mary.

"Huwag mo sana silang pababayaan, hija kung minsan naiisip ko na baka nawawalan na ng pag-asa si King at baka kung ano na ang gawin niya pero ng makita kita sa ospital at ikikwento ka sa akin ni Kian at King kahit papaano nakampante ako, King and Kian need someone to help them...." Tumingin ito sa mga mata niya

"He need a woman, they both do, kaya sana kahit ano man ang kahahantungan nito 'wag mo silang iwan ha?" pakiusap nito gamit ang malumanay na tinig.

"Ahmm tita magkaibigan lang po kami ni King—" aniya para alisin ang kung ano mang malisyang nakikita ng Ginang sa kanila ng anak nito.

Ngumiti ito. "Sa ngayon hija, magkaibigan lang kayo sa ngayon," makahulangan giit ng Ginang

"Tita Mary! Tita Mary!" humahangos na lumapit si Kian sa kanya.

"Ang dami ko pong nakuha, oh," masayang balita nito sabay pakita sa kanya ng dala nito.

"Wow marami nga," manghang sabi ni Mary.

"Hati tayo tita Mary," nakangiting alok ng bata.

"Thank you sweety pero dapat hatian mo din si Mamalola mo," sabay halik niya sa pisngi nito.

Tumingin siya sa Ginang pangiti-ngiti ito, ngunit hindi ito sa kanila nakatingin kundi kay King na naka tingin sa kanila ni Kian.

*****

KUMAWAY si Mary kay Jonamie naka simangkot nakatingin sa kanya.

Bakit daw 'di na siya pumunta rito. Naging busy na siya kasi sa mag ama kaya't nawalan siya ng time para dalawin ang kaibigan. Naikwento niya ang kaganapan sa buhay niya nitong mga nakaraan araw nang minsang mag usap sila sa phone.

"Bakit para kang masungit na teacher riyan?" pambubuska niya rito.

"Eh kasi naman sa dinami-dami ng lalaki sa may anak pa at seperado ka talaga nagkagusto!"

"Grabe ka naman, paano mo naiisip 'yan? Gano'n na nga kalagayan ng bata!" naiinis na komento niya.

"Para namang 'di mo alam na malakas radar ko sa mga ganiyan." Humalukipkip ito at sumalampak ng upo.

"Kaasar naman, ang tadhana talaga mapaglaro pinagtagpo na naman ulit kayo," stress na reklamo nito na tila ba apektado pa kaysa sa kanya.

"Ewan ko sa iyo," tanging sagot niya.

Natawa ito. "Tell me love mo pa din no?"

"Love? Tumahimik ka nga jan, sobrang advance mo mhie!"

"Kunware ka pa! Panigurado kinikilig iyang pukikay mo pagkasama mo si Mr King!"

"Well, I like him," amin niya.

Nanlaki mata nito. "Ang rupok mo teh! Pero imperness tama ako haha," parang baliw na saad nito.

"Mhie, makinig ka crush ko lang nama--"

"Stop being denial Queen, aminin mo na kasi duh! 'Di naman imposibling magustuhan ka niya sa gandang mo 'yan mana ka kaya sa akin, baby kita remember," tango tango pangsabi nito.

"Corny mo!" natatawang komento niya.

Pero to be honest lumakas loob niya.

"I love you too," sabi nito sabay flying kiss pa nito.

Abnormal talaga itong kaibigan niya, napailing nalang siya mamaya pa ng biglang ng ring ang cp niya.

"Nasaan ka?" tanong agad ng tunawag.

Walang iba kundi ang boybest friend niya.

...

Binibining Mary

Mahal Kita Dati Pa {R-18}Where stories live. Discover now