CHAPTER 37

2.1K 47 5
                                    





"Buti naman naisipan mong magsabi kay Jho!" Sabi nya at binatukan ako.







"Syempre hindi ko kayang nagsisinungaling alam mo yan! Lalong lalo na kay Jho,"







"Nako! Kung sakin nya pa nalaman 'yon malamang break na kayo!"






"Malamang hahaluan mo ng kung ano ano yan!" Sabi ko at nakatanggap na naman ako ng batok sa kanya. "Hoy! Akala mo hindi ko napapansin ah! Kanina mo pa ako binabatukan!"








"Sorry na, pero bes I salute you for being honest. Grabe ikaw pa lang kilala kong ganun"






"Syempre Ju alam ko sa sarili kong hindi ko kasalanan at ginusto 'yon"





Kasama ko ngayon si Jia dahil mahaba ang oras ko ngayon para sa lunch. Papunta kami ngayon sa firm nila Jho at may dalang kung ano anong pagkain.






"Where's Architect Maraguinot?" Tanong ko sa nakabantay ngayon sa deck nila. "Can we see her?"






"Ah Ma'am she's out po with Engr. Cotoco" sabi nya kaya napakunot ang noo ko. "Pero
pabalik na din po siguro sila, nag lunch lang daw po sila, yun ang sabi ni Engr. Gerard."







"Oh ano say mo? Mukhang may umaaligid ah" sabi nitong asungot na katabi ko kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Eto naman! Charot charot lang eh"






Iniwan ko na lang yung food na dala ko dun sa guard at sabihing pinabibigay ko. Nawalan ako bigla ng gana.








"Puntahan muna natin si Maddie, mukhang magtatagal pa sila." Nauna na akong umalis sa kanya at iniwan sya.







"Ayon, selosan ang peg?" Tanong nya ng makapasok sya sa kotse ko. "Malapit lang ba dito yun?"






Tinanguan ko na lang sya at nag drive na paalis.






Hindi mo kailangan mag selos Bea. Mahal ka ni Jho.







"Mads!" Sabi ko at niyakap sya. "I missed you!"







"Che!" Sabi nya at binatukan ako. "Ganyan eh noh? Naaalala lang tayo kapag wala si Jho eh noh?" Sabi nya at nag apir pa sila ni Jia.








Bakit ko ba pinagsama 'tong dalawa na 'to.







"Madayag! Anona ang tagal tag—" napalingon naman kami nang biglang may pumasok.






"Ate Ells!" Sabi nung dalawa at yumakap. "Grabe na miss kita!" Sabi ni Jia.








Jusko. Tatlo na sila.







"Hoy! Mukhang hindi ka naman natutuwa na nakita mo 'ko!" Sabi nya at muli, nakatanggap na naman ako ng batok.








"Na miss kita," simpleng sabi ko sa kanya tsaka tumawa. "Chos! I missed you madam!" Sabi ko at bumeso sa kanya.








"Oh eh anong ganap, ay teka nasaan si Maraguinot? Himala at hindi kayo magkadikit ngayon?"








"Ayon na nga te, kaya tayo ang kasama nya dahil hindi sya kasama nung isa." Sabi ni Jia at humagikhik.







"Ayooon, option tayo bes" sabi naman ni Maddie at inirapan ako.







"Ay ganon? Libre mo na lang kami lunch para di kami magtampo"







"Wow nagtatampo ka pa sa lagay na yan ha?" Tanong ko sa kanya at inaya na rin sila mag lunch.







"Teka, si Jhoana yun diba?"







Wow ang saya mo.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now