CHAPTER 80

2.4K 35 3
                                    







"So paano ba 'yan? Kailangan natin mag hiwalay ngayon ng tutulugan at baka maudlot ang kasal hindi ako papayag non," sabi ni Bea nang makarating kami sa parking.









Sina Ate Ella, Jia at Maddie at ang family ko ay mag s-stay dito sa bahay ko, while sila Tito Elmer ay nauna nang umuwi after a small celebration.








Before I forgot, syempre yung ring na binigay sakin, yung bigay sa kanya ng Lola nya.









"Puro ka kalokohan! Sige na, as much as I want you to stay here, kailangan mong umuwi, be safe ha? Madilim na, I love you," sabi ko at hinalikan sya.









"Nasasanay ka na ah, sabagay gusto ko naman, I'll call kapag nakauwi na ako ha? I love you"









Hinintay kong mawala sa paningin ko bago ako pumasok sa loob ng bahay, sinilip ko naman yung tatlo sa guest room at nakita kong tulog na sila.









Sinabi rin kanina ni Bea na silang tatlo yung nag hahanda dito sa bahay ko without me knowing, tinawagan din pala sila ni Bea the moment na tumawag ako sa kanya dahil alam na raw nya ang mangyayari, kapal ng mukha. 









Bumalik na ako sa kwarto ko at nasagi ko ang picture naming dalawa na naka frame at mukhang nabasag pa ito ng bahagya, "Tsk, favorite ka pa man din namin"









Tinabi ko na ito at nahiga na ako, nag cellphone na muna ako habang hinihintay ko ang tawag ni Bea.









Ilang saglit lang ay napangiti na ako dahil tumatawag na sya, "Hi love!" Bati nya nang masagot ko 'to.








"Oh ano, nakauwi ka ba ng safe? Mag send ka ng picture ha! Joke, miss na kita agad," sabi ko at dumapa, kinikilig ako eh.









"Sus, masyado ka namang patay na patay sakin," sabi nya kaya napairap ako. "Kita ko dito yung pag irap mo hahahaha" sabi ko kaya natawa ako.










"Kilalang kilala mo talaga ako eh noh? Matulog ka na nga!"









"Yeah yeah, ikaw din, you should sleep na, masama ang nag pupuyat sa buntis,"









Nanlaki naman agad ang mata ko sa sinabi nya, "BEATRIZ!"








"Kidding, matulog ka na, date tayo bukas! I love youuuu," sabi nya at napapikit naman ako.









"Sweet, okay see you tomorrow, I love you too,"









Inend ko na ang call at naglinis na ako ng katawan bago nahiga, ilang minuto lang tumawag naman si Tita Det.









"Hello po Tita? Napatawag po kayo?"









"J-Jho..." sabi nya kaya nagtaka naman kagad ako dahil mukhang naiyak sya.









"P-po? Okay lang po ba kayo Tita?"









"Si Bea... Puntahan mo ka-kami Jho, s-she needs you,"

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now