CHAPTER 1:

27 2 2
                                    










This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.





"Sabelle!" biglang sumigaw si Dominic Haven na kanina ko pa iniintay.


"You're late." nakakunot ang noo ko 'nang lumapit siya sa akin habang siya naman ay nakangiti.


"Sorry na eto naman. May dinaanan lang ako." pagpapalusot niya saakin habang nakataas ang isang kilay ko.


Ang pinakaayaw ko ay sinasayang ang oras ko. Para sa akin, time is gold. Hindi ito napupulot o nabibili. Malay mo naman kasi, bukas o makalawa mawala ka na dito. Eto namang mga kaibigan ko ay kabaliktaran naman. Parati nalang late. Ayan tuloy tuwing papasok sa school lunch time na namin.


"Sab! Omg I'm so sorry I'm late." nagmamadaling lumapit naman sa amin si Yondi.


"Okay lang Yondi. Wag ka 'nang magdali dyan baka mapano ka." nag-aalalang sabi ko sa kaibigan.


Sa aming tatlo, siya ang pinakamasakitin at mahina ang katawan, pero siya rin ang pinakaenergetic at maingay.


"Oh, baket pag si Yondelle nalalate ok lang tas ako hinde?" pagtatampo saken nitong si Dom at ako'y tumingin sakanya.


Inirapan ko lang siya at tumayo na para makapag-simula na kami sa kailangan naming gawin.





"Sab, ano ba sa tingin mo ang magugustuhan dito ni tita." pinakita saakin ni Yondi ang dalawang sleeveless na top.


"Uhm, the blue one siguro."


Sa sunday na kasi ang 40th birthday ni mom at nagpatulong sa amin si daddy para sa surprise party niya. Well technically hindi na siya surprise dahil nagpalista si dad kay mom ng names ng gusto niyang makita dau sa birthday niyaedi ayun obvious na agad.


"Guys, wait lang ah. Punta muna ako sa may NBS." may pinapagawa pa nga palang plate sa amin yung prof. na due sa isang araw.


Pare-parehas kaming tatlo na Archi student at magkakablock kaya kami nagkakila-kilala. Kami ni Dominic ay kasali sa DL habang si Yondi naman, ay si Yondi.


"Teka samahan na kita." paalis na sana ako 'nang biglang sumunod sa akin itong tukmol na toh.


"Huh? paano si Yondi? Iiwan mo natin?" pag-aalala ko na naman sa kaibigan.


"Ano ka ba, malaki na yun bakit mo ba binababy? Dapat ako nalang binababy mo." bigla akong kinindatan ng tukmol na toh.


"Kadiri ka Dom. Kailangan mang-kindat? DI bagay, mukha kang kriminal!" natatawa kong sabi sa pangit na ito.


Hindi naman talaga pangit itong si Dominic, sa katunayan nga ay gwapong-gwapo ako sa kanya nuong una ko siyang makita sa campus. Kaso nga lang 'nung mas lalo kong nakilala na wala na yun at napalitan dahil may pagkahambog si gago tsaka panay banat na ang cocorny naman.





First day of classes at ang aga ko ngayon as usual at kasama ko ang close friend ko na si Yondelle. First year pa lang kaming Architecture Student. Kaklase ko dati si Yondelle sa dati naming school nuong highschool at napag-isipan rin niyang mag-archi kagaya ko.


"Yonds, dumudugo ilong mo." madalas namang nagnonosebleed itong si Yondelle kaya wala na rin sa amin. Kumuha nalang siya ng tissue mula sa bag niyang LV. Yayamanin din toh eh.


Papunta na dapat kami sa classroom namin 'nang biglang may nakabangga sa akin ng sobrang lakas kaya napaupo at sa cement floor which caused a pain sa may pwet ko.


"Aray! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh." galit akong nakatitig dito sa poging nakatama sa akin. Sayang naman pogi kaso mukhang kulang sa aruga dahil parang wala pang pakielam ito.


Matangkad ito at may pagka-kayumangi ang balat. Parang hindi mukhang purong pilipino naman dahil sa mata nitong may pagkahazel. Sayang ka talaga, pogi mo pero hindi kita type.


"Miss, ok ka lang ba?" biglang may sumulpot na mukhang anghel. Napaka-pogi namang nilalang ng mga nag-aaral sa eskwelahang ito. Buti nalang dito kami nag-aral.


Kung pogi iyong nakabangga sa akin ay mas pogi itong tumulong sa akin. Well, para sa akin. Maputi ito at mas matangkad ng kaunti sa nakabangga sa akin. Medyo may pagka-singkit ang mata nito at matangos ang ilong.


"Huy, Daniel. Mag-sorry ka naman sa lumpo." ah Daniel pala ang pangalan ng hambog na toh.


Teka, lumpo?! Eh hambog din pala si gago.


"Ah, sorry." gago ba toh? Walang expression ang mukha niya kahit nagsosorry.


"Ge." sagot ko dito at biglang natawa ang kasama niyang pogi. Grabe ang pogi talaga! Pati pag-tawa kinakapogi niya. Marupok ako 'wag 'kang ganyan kuyang hambog.


"Wow ang sincere ah." pagtataray sa kanya ni Yondi.


"Dominic pala." biglang nakipag-shake hands sa akin si 'tong hambog na pogi na ito.


"Samantha, you can call me Sab."


"Huh? Samantha yung name mo pero I will call you Sab?" nagtatakang tanong niya sa akin.


"Ah, kasi Sabelle tawag nila sa akin, short for Samantha Belle." medyo pinahalata ko sa kanya na ayoko na siyang kausapin.


"Ah sige, mampo nalang tatawag ko sayo." huh ano dau? "Short for magandang lumpo."


Ako pa lumpo ah. Kasalanan ko bang hindi tinitignan ng kaibigan mo ang dinadaanan niya?


"Required ba ang mga poging estudyante ditong maging hambog?" inirapan ko ang dalawa.


"Eh, required den ba ang mga magaganda dito lumpo?" gago talaga 'tong tukmol na toh.


Umalis na lang kami ni Yondi dahil nag-iinit na din ang ulo niya sa dalawa. Kung tutuusin, baka nasapak na niya ang dalawa kung nagtagal kami dun.


"Teka, joke lang Sab." wow Sab close tayo? "Magkakablock ata tayo."


Sana magkablock lang hindi magkaklase dahil kung kaklase ko ito, paniguradong nakatulala lang ako sa kagwapuha- este kapangitan niya.

PagtinginWhere stories live. Discover now