CHAPTER 2:

12 0 0
                                    




"Tapos mo na plates?"

"Hindi pa eh, ikaw ba?" nagbabayad kami ngayon sa counter habang pinagtitinginan ng maraming babae si Dom.

Hindi naman bago ito. Madaming babae ang laging nakadikit sa tukmol na ito. Ayoko namang sabihing pangit siya at bulag ang mga nagwagwapuhan sa kanya dahil pagsinabi ko iyon ay nagsisinungaling ako.

Pagkalabas namin sa bookstore ay may dalawang babaeng nakasunod sa amin.


"May jowa na kaya siya?"

"Muka namang hindi niya jowa yung kasama niya" naririnig 'kong nagbubulungan ang dalawa.

Hindi dau ako mukang jowa tsk. Bakit ano ba dapat ang itsura ng jowa ni Dominic? Kamuka nila? Eh hindi naman sila kagandahan kung tutuusin.


"Gusto ata magpapicture sayo." sabi ko sabay turo sa dalawang nagpapacute sa likod namin.


"Pogi ko talaga noh?" kadiri kumindat na naman 'tong hambog na toh. Inirapan ko nalang siya at umaktong iiwan na siya.



"H-Hi po, ang gwapo niyo po kuya." nauutal na sabi ng isang babae na lumapit sa amin.


"M-May j-jo-jowa po ba kayo?" what the hell? Parang nauulol naman itong isa.


"Pwede po 'bang hingiin ang number niyo?" naglakas loob ang isang sabihin iyon.


Aalis na sana ako 'nang biglang hilahin ni Dominic ang kamay ko.


"Pasensya na kayo Miss, pero baka magselos itong girlfriend ko. Diba babe?" ano dau? Babe?!

"Sumakay ka lang sa trip." bulong sa niya sa akin. "Please?" pinagdilatan ko lang siya ng mata at tinanggal ang kamay niya sa may braso ko.

"Pasensya na girls, tinotoyo si heart-heart ko." rinig ko 'pang sabi niya bago ako habulin.

Nakakadiri talaga 'tong kaibigan ko. Kung hindi ko lang talaga 'toh bestfriend iniwasan ko na toh dahil marupok ako. Buti nalang wala akong nafefeel sa kanyang kakaiba kasi kadiri talaga siya.


"Hahaha! Ang kj mo!" tawang-tawa pa siya sa ginawa niya.


"Alam mo ikaw kadiri ka talaga eh." 



"Aray ah!" napahawak siya sa dibdib at akmang nasaktan.


"Whatever." inirapan ko ulit siya.


"Sungit mo naman heart-heart ko." Ew ang corny. "Sorry na tara bilhan nalang kita ng ice cream." biglang lumiwanag ang mukha ko 'nang may makita kaming thumbs-up.


"Libre mo?" sabay hirit ko.



"Eh ano pa nga 'bang magagawa ko?" nagmukha siyang talunan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PagtinginWhere stories live. Discover now