Chapter 17

121 17 3
                                    

Chapter 17

Text

"Who is she?"

Ramdam kong nanigas siya dahil sa tanong kong iyon. Nilingon niya ako na may nanlalaking mga mata. What? Ba't naman ganiyan siya kung maka-react? He's acting strange.

"S-She's just a r-random girl, love," he said while looking away.

Magtatanong pa sana ako nang makita ko si Rica at si Aila sa 'di kalayuan. Papalapit sila sa kinaroroonan namin. Akmang lalapitan ko sana sila nang tumakbo si Rica papuntang kabilang hallway, papalabas ng building habang sinusundan ni Aila. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Hey. Is it about Rica, again?" tanong ni Jairre. Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinaharap ako sa kaniya.

Hindi ko na siya sinagot at yumuko nalang. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap ng napakahigpit. Hinagod niya ang likod ko na para bang tinatahan kahit hindi naman ako umiiyak. Humiwalay ako sa kaniya at tiningnan siya sa mata. Matamlay akong ngumiti.

"Sabi niya sa'kin hindi—"

"Shh. Huwag mo nalang sabihin," nakangiti niyang tugon. Napatango nalang ako. "Anyway, may pupuntahan tayo."

I can feel my face lit up after hearing that. "Saan naman?" excited kong tanong.

Ngumiti lang siya at hindi na ako sinagot. Hinila niya ako papuntang parking lot kaya nagpahila nalang din ako. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang mapanuring tingin ng mga estudyanteng nakakita sa'min. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Okay ka lang, love?" tanong ni Jairre.

"Oo naman," nakangiting sagot ko sa kaniya.

Tumango lang siya at ngumiti. "Don't worry, mag-e-enjoy ka sa pupuntahan natin."

Napangiti nalang din ako at tumango. Ramdam kong napakalakas ng tibok ng puso ko. Iyon lang sinabi niya ngunit nakakagaan na ng damdamin. Pakiramdam ko'y napakasuwerte ko na naging boyfriend ko siya. 

Mas lalo akong napangiti at ramdam kong namumula ang mga pisngi ko nang hinawakan niya ng mahigpit ang kaliwang kamay ko.  Hanggang sa makarating kami sa parking lot ay hindi niya ito binibitawan o niluluwagan. Binitawan niya lang ito nang pinagbuksan niya ako ng pintuan sa sasakyan niya.

"Text mo si Tita na baka late ka na makauwi. Doon nalang din tayo maghapunan."

Tumango ako at pagkaupo sa sasakyan ay agad kong kinuha ang cellphone. Nag-text ako kay Mama at kaagad naman itong nag-reply na mag-iingat daw kami.

Pagkatapos mailagay ang mga bag namin sa backseat ay agad niya ng pinaandar ang sasakyan patungo sa isang fast food. Bibili kami ng foods and drinks para sa hapunan. Pagkatapos makabili ng mga pagkain ay pumunta rin kaming mall dahil bibili rin daw kami ng kumot kasi wala naman daw mga table at chairs sa pupuntahan namin. Pagkatapos mabili ang lahat ng kailangan ay nagpatuloy na kami sa byahe.

Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang maisip ang nangyari sa'min ni Rica. Naging magkaibigan kami simula pa noong 1st year college. May pinagawa kasing activity ang adviser namin noon na by partner, at siya ang naging ka-partner ko. Halos tatlong linggo rin ang itinagal ng activity kaya pagkatapos noon ay nakasanayan na namin na palaging magkasama sa lahat ng gawain sa school. Pero ngayon, wala na. Napabuntong-hininga nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Makakaya ko bang hindi siya pansinin gayong nasa iisang classroom lang kami?

I snapped out from my thoughts when Jairre called me.

"Love."

Nilingon ko siya at napagtanto kong nakarating na pala kami. Hinihintay ako ni Jairre sa baba ng sasakyan niya habang inilalahad ang kanang kamay niya. I immediately took off my seatbelt and took his hand. 

"Nasaan tayo?"

Before he could answer my question, my mouth instantly gaped in awe when I looked around.

Nasa isang malawak na lugar kami kung saan makikita ang mga ilaw na nanggaling sa mga kabahayan at mga establisyimento ng syudad. Makikita rin ang napakalawak na dagat na may mga barkong naglalayag. Sa kabilang banda naman ay ang kagubatan na may kaunting lawa na iniilawan ng napakalaking buwan. The view is breathtaking. We don't need lights because the full moon illuminated the whole area.

"Wow!" Hindi ko mapigilang mamangha.

"You like it here?"

I looked at him. "Of course," I exclaimed. "How did you find this place?"

He shrugged and put his hands on his pocket. He looked at the view while I'm still looking at him.

"It's been my haven for years now. I usually come here when I'm bored or when I'm lonely." Mula sa view ay inilipat niya ang tingin sa'kin kaya nagkatinginan kami. "Actually, I haven't brought my friends here, it's the first time that I came here with a company."

I felt my cheeks heated.

"Woah, I'm that special to you?" I joked.

Tinitigan niya ko ng seryoso at mas lalo yatang namula ang mga pisngi ko nang ngumiti siya.

"Of course, you're my girlfriend."

I bit my lower lip trying to hide my smile. Tumalikod ako sa kaniya at tinakbo ang napakalawak na lugar nang hindi sinasagot ang sinabi niya.

Napalayo na ako sa kaniya ngunit naririnig ko ang halakhak niya.

"Kinikilig ka 'no?"

Umiling nalang ako at tumawa. Pagkatapos ng ilang sandali ay naisipan ko na ring balikan siya sa pinagparadahan ng sasakyan. Kaya pala hindi niya ako sinundan dahil may kausap siya sa cellphone.

Nagtaka ako ng makita ang ekspresiyon niya, tila galit siya sa kausap ngunit nang makita ako ay agad rin siyang nagpaalam sa kausap niya.

"Sino 'yon?" I curiously asked.

"Si Terron lang. Nagtatanong tungkol sa project."

Nagtatanong tungkol sa project?

"Ba'parang galit ka?"

Huminga siya ng malalim bago sumagot.

"Wala. Ang tigas kasi ng ulo. Tara dalhin na natin ang mga pagkain doon?"

Tumango nalang ako at tinulungan siyang dalhin  ang mga pagkain. Inilatag namin ang kumot sa may gitnang bahagi kung saan naroon ang napakalaking puno ng narra.

Inilapag ni Jairre ang dala niya pagkatapos ay may binalikan sa sasakyan. Pinaupo nalang niya ako at hindi na pinabalik kasi kaya na niya raw dalhin ang mga natira. Kaya umupo nalang din ako doon habang nakatingin sa napakagandang view.

Napakanda ng lugar na ito. Napakatahimik kumpara sa siyudad. Yung tipong kapag gusto mong makaiwas sa traffic at ingay ng mga sasakyan sa siyudad ay makakapagpahinga ka talaga dito. Kung nalaman ko lang ang lugar na ito noon, paniguradong pupuntahan ko rin ito ng paulit-ulit. Gusto ko kasing pumunta sa mga ganitong lugar, iyong tipong makakapag-isip ka talaga ng tama at maayos dahil sa magandang tanawin.

Sa tingin ko'y nasa isang hill kami. Liblib na lugar pero hindi naman nakakatakot. Pakiramdam ko nga'y kung madidiskubre ito ay magiging magandang tourist spot ito. Lagyan lang ng mga tindahan at kainan, paniguradong magiging paboritong tambayan ito ng mga kabataan.

Umihip ang napakalamig na hangin kaya napawagayway ang buhok ko. Sinikop ko ito sa kanang kamay at dinamdam ang hangin. Napahinto ako sa pagmumuni-muni nang  may tumunog. Hinanap ko ang tumutunog at nadiskubreng cellphone ito ni Jairre. Tumatawag si Terron ngunit nang kinuha ko ay agad ding tumigil ang tawag. Pagkatapos ay tumunog ulit ito para sa isang text.

Na-curious ako kaya sinubukan kung buksan ang cellphone niya at sa kabutihang-palad ay wala itong password. Ngunit agad napakunot ang noo ko nang mabasa ang text message ni Terron na kadarating lang.

From Terron:
Bro, please. Tigilan niyo na si Nelle. Hindi ba kayo naaawa sa kaniya? Please, magpakalalaki ka naman, bro. Tigilan niyo na siya, pakiusap.

Beyond LiesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang