Unbalanced: A Glimpse of the Hidden Picture

39 3 0
                                    

Unbalanced: A Glimpse of the Hidden Picture

Nonfiction

Sa pagbukas ng kurtina ay makikita sa isang gilid ang tagpo ng mag-asawa sa loob ng isang simpleng bahay.

"Bakit ito na lamang ang ulam? Kumain na ba kayo pangga?" malungkot at marahang ani ng isang lalaking moreno na may katangkaran ngunit ang kapayatan ay kapansin-pansin habang tinitingnan ang kalahating piraso ng tinuyong isda. Kausap niya ang kanyang asawang ngayon ay nagtutupi ng nilabhan nila kanina.

Malalaman mo agad sa isang tingin na ito ay nasa edad trenta na. "Kumain na ba ang mga anak natin?" karagdagang tanong niya habang naghuhugas ng kamay.

"Oo, naroon sila sa kwarto natutulog. Pangga, ubos na yung perang nakatabi sa akin. Wala na rin tayong bigas. Nagaalala ako sa mga anak natin." may tatlo silang anak, ang panganay ay nasa labing tatlong edad pa lamang at ang bunso ay isang taong gulang.

Ang lalaki ay nagtatrabaho bilang isang driver ng padyak at ang asawa naman niya ay isang guro sa pampublikong paaralan sa lungsod. Ngunit dahil sa isang enhanced community quarantine ay hindi sila makapaghanapbuhay. Ngayon kasi ay nakakaranas ang bansa nila ng isang pandemyang mahirap masolusyunan at magapi ng agaran.

"Natanong mo na ba sina kumare kung may pera sila? Baka naman pwede tayong mangutang, kung hindi ay magkakandagutom ang mga bata."

"Yun nga ang problema, wala na rin silang pera at kahit sila ay naghahanap din ng mauutangan."

"Wala pa rin bang balita sa tulong na manggagaling sa gobyerno? Tagal na nun ah."

"Malapit na raw kaya hintayin na lamang natin." sagot ng babae sa asawa na may kasama pang malalim na pagpapakawala ng hangin sa bibig.

"Bakit napakatagal naman yata ng tulong na yan! Malapit na tayong magutom. Ano? Kung kailan walang wala na tayo at halos mamatay sa gutom ay doon palang sila magbibigay?" paulit ulit na nilang pinagtatalunang dalawa ang usaping ito.

"Pangga, ginagawa ng gobyerno ang tungkulin nila at ang magagawa nalang natin ay sumunod na manatili rito sa bahay para sa kaligtasan na rin natin. Hintayin nalang natin at darating rin iyon. Kung tayo ay magmamatigas ay mas lalong hindi makakatulong. Huwag ka ng magalit at baka tumaas na naman ang dugo mo lalo tayong mahihirapan niyan." mahabang pagpapaliwanag ng asawa sa lalaki.

"Maraming sektor ang pinagdadaan ng perang inilalabas ng gobyerno. May mga papeles pa na kailangan maipasa at mapirmahan. Hindi basta bastang pera ang nilalabas nila. Milyon pangga, milyon." dagdag pa niya sa pagpapaintindi sa asawa.

"Pasensya na pangga kung ako ay nawala sa tamang pag-iisip. Ako'y nababahala lang talaga sa mangyayari sa atin kung magpapatuloy ito."

"May awa ang Diyos. Magtiwala lang tayo at manalangin na sana ay matapos na ito."

Kinabukasan ay narindi ang bahay nila sa iyakan ng mga bata. Maging sila ay hindi na alam ang gagawin dahil sa gutom.

Dahil nasa siyudad ay wala silang ibang magpagkukunan ng pagkain. Kung sana lamang ay may lugar dito sa kanila na mapagtataniman ay baka hindi sila magutom.

Pero dahil sa tingin nila ay dito sila mas mabubuhay, iniwan nila ang probinsya at nakipagsapalaran. Hindi nila alam mas hihirap pa pala ang buhay nila sa kinalalagakan ngayon.

Ngayon narito sila nakatira sa isang maliit na paupahan. Kahit ganon ay pinanatili ng ina ang kalinisan at kaayusan ng bahay nila para sa kaligtasan ng kalusugan nila lalo na ngayong may pandemya.

Laking pasasalamat na lamang nila at nagsimula ng magpakalat ng tulong ang gobyerno mapapinansyal man o reliefs. Hindi man pangmatagalan at utay utay ang pamimigay ay malaking tulong ito sa pangaraw-araw nila maging ng mga kapit bahay nila roon.

MitsyBoo's One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon