Chapter 3: The Meeting

73 0 0
                                    

Hi readers! Maraming salamat sa pagsubaybay sa istoryang sa isang basa ay maaring walang nais iparating. Well, wala naman talaga. HAHAHAHA. Nakaka-inspire lang kasi talagang isulat ang istorya na mayroon ang aking mga mag-aaral. Of course not all things na makikita sa bawat kabanata ay hango sa totoong buhay. May ibang parte na galing pa rin sa malikot na imahinasyon ng may- akda. For me kasi, a story will only speak for itself if in one way or another, it reflects the life we see, feel, and enjoy. 

Don't be confused with the sudden change of POV in each chapter. I find it kasi more enjoyable to read books with varied points of view. Well syempre, wag naman aabot sa standard ng Stream nila Faulkner at James Joyce. Masyado na akong maraming sinasabi. HAHA. I hope you like this chapter.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ayan talagang si Levi ha. Grabe na Darla! Grabeee!" ang sabi ni Lynetta with matching eyes on the roof at hand gesture na gayang-gaya sa kaartehan ni Kris!

Kris TV ang peg ng lola mo while walking on the way to Canteen. Kung mag-usap ang dalawa ay parang half-blood Americans sa kaka-Ingles. Well, actually wala namang masama. Sadya lang di yata komportable ang ilan nilang kaklase kapag nakakarinig ng salitang banyaga. Minsan nga, nagpadebate si Sir Jandel, ang kanilang English Teacher, kung maganda ba para sa mga mag-aaral ang "English only policy" habang nasa loob ng paaralan.

"Good morning Ladies and Gentlemen. We come into this debate with the motion: This house believes that English only policy in schools are good for the students. Let us summon the first speaker of the affirmative side. You have seven minutes." 

At sinimulan nga ni Sir Jandel ang debate sa madugong pananalita. At as expected, pinili nila Kyla, Lynetta, at Juliet ang government side. 

"Mr. Chair and members of the house, English only policy is good for the students because it allows practice of the all-time favorite subject--English!" buong pagmamalaking bigkas ni Kyla with matching tungo-tingala factor. 

Sinundan ito ni Kyla ng iba't ibang paliwanag hanggang matapos ang oras. Kumbinsido na ang lahat hanggang biglang bwelta naman ni Levi mula sa opposition side.

"Speaking in English may allow us to practice what we learn pero hindi dapat lagi." banat ni Levi habang bino-boo ng kanyang ibang kamag-aral dahil hindi niya ma-express ang gusto niyang sabihin sa Ingles. Tinapos ni Levi ang kanyang talumpati sa mga katagang, "Remember Rizal said Ang hindi magmahal sa sariling wika, higit pa sa mabahong isda!  

Hiyawan ang mga kamag-aral nila Levi at Kyla habang si Lynetta naman ay as usual nagpipintig ang mga tenga sa mga sinasabi ni Levi. Medyo umiinit na ang basagan sa loob ng classroom. Hindi mawari ng mga nakikinig kung sino sa dalawang grupo ang mananalo sa debateng ito. Natapos na ang DLO ng opposition. Pagkakataon na ni Lynetta bumanat.

"Mr. Chair, let me just say something to what Levi said a while ago. 

Speaking in English doesn't necessarily make you a lesser Filipino.

Likewise, Speaking in Filipino doesn't necessarily make you a better Filipino."

Sinundan ito ng mga nakakadugong mga salita. Mga English na noon lang yata narinig ng isang Grade 6 student. Hanggang siya ay matapos sa pagsasalita with a Lynetta-signature pose: naka-peace sign ang kaliwang kamay, nakatagilid sa kaliwa ang mukha, ang kanang kamay ay nakahawak sa dibdib habang unti-unting nagbobow sa madla.

Napahanga si Sir Jandel sa mga salitang binitiwan ni Lynetta [as usual] at of course ibinigay ang panalo sa Government Team. Isang Lynetta-pose nanaman mula kay Lynetta habang naka-singkit sa grupo nila Levi. Para bang sinasabing: Anune guys? na may halong kaartehan.

Ang Aklat at Ang AbacusWhere stories live. Discover now