Chapter 58.

365 14 3
                                    

Gulat na gulat si Ashley ng makatanggap ng chat mula sa kanyang Ex na si Jake.
Nangangamusta ito at nghihingi ng konting oras niya. Nag aaya na magkita sa labas para makapag usap.
Muntik na mahagis ni Ashley ang phone niya.
Antagal na panahon niya itong inantay. Ito ang First Boyfriend niya First Love niya at ito din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi na siya ulet nakipag relasyon.
Antagal niyang umasang babalik pa ito.
Pero sa isang banda gusto niya ng sagot sa tanong niya kung ano ang connection nito kay Carlito.
Bakit siya nito biglang iniwan.
Gusto niya ng closure.

Chat Message.

Jake: Hi Ashley kumusta?
Pwede ba tayo magkita? Kung walang magagalit?

Sineen lang ito ni Ashley ano ba yan naguluhan na naman siya.
Maya maya ay nireplyan niya nalang din ito.

Ashley:  Hi okay lang ako, ikaw musta?
Sensiya na Busy lang kasi sa work.
Jake:  Ay ganon ba sunduin kita diyan?
San ba yan?

Patay anong gagawin ko Ashley, kalma. Please Kalma!!
Bulong niya sa sarili.

Minabuti niya na hindi nalang ito replyan.
Maya maya pa tumawag na ito sa messenger nag rerequest ng VC.
Sa taranta niya ay nasagot niya ito.

Hi beautiful! Kumusta? Sabay ngiti nito. Kitang kita ang dalawang malalim na dimple nito.
Okay lang sagot ni Ashley.
San ka nag wowork sunduin kita mamaya.
Bakit ? Takang  tanong ni Ashley.
Wala lang gusto lang kita makasama, makausap bawal ba? May magagalit ba ! Sabay simangot nito. Nandito kasi ako sa pilipinas ngayon kakauwe ko lang ikaw ang una kong tinawagan. Kakagising ko lang din. Antagal na panahon na mula nun huli tayo nagkita di mo ba ko namis?
Kapag hindi ka pwede na makita  hmm.....
mamaya sa bahay niyo nalang tayo magkita.
Ah hindi pwede dun sa ibang lugar nalang wag nalang din dito.
Sure Dinner tayo sa dati? Pag aya ni Jake kay Ashley.
Ahm pwedeng wag muna ngayon kasi Busy ako talaga pasensiya na. Nga pala kailangan ko ng bumalik bye.
Pagpapaalam niya dito. Pinilit niyang maging kalma pero ang puso niya eh parang tinatambol.

After ng ngyari noon umaarte siyang parang walang ngyari. Hayyssss.
Pagbulong niya sa kanyang sarili.

Ng matapos ang pag uusap nila muli itong nag chat.

Jake: Sige basta pag ready kana magkita tayo chat kalang anytime.
Tulog na din muna ako. I'll call you later. Ingats 😘

Hindi niya na to friend sa facebook matagal na panahon na silang walang communication. Hindi niya alam na darating pa ang araw na to.  pero nagtatalo ang isip at puso niya gusto niya itong makita para sabihin na bakit basta nalang siya nito iniwan ng walang paalam. Bakit sila may litrato ni Carlito.
Pero sa kabilang banda naiisip naman niya na baka sinusubukan lang siya ulet nito kung tanga pa ba siya.
Kaya kailangan niya ng makausap si Carlito. para malaman niya ano ang namagitan sa kanilang dalawa ni Jake.

4pm ay nagulat siya ng bumisita si Devora sa station nila.
Ashley are you okay? Ng makita siya nito na medyo malalim na naman ang iniisip.

Yes Boss ! may kailangan po Kayo? Nakangiti niyang tugon dito.
Ah mamaya 5 sakto labas na tayo samahan moko may pupuntahan tayo. Masayang aya ni Devora kay Ashley. Sakto Ash huh?

Tila kinikilig at excited naman ang ibang agent nag ngingitian ang mga ito.

Sure Boss. Agad niyang sagot dito kahit hindi niya alam san sila pupunta.

Agad din naman umalis si Devora para tapusin angbiba niyang gagawin.

****
5pm..
Pupunta sana siya sa office ni Devora.  Nakita niya ito palapit na sa labas ng stations nila.

Let's Go! Masayang aya nito sa dalaga 

Agad silang nagtungo sa Parking.
Hindi maintindihan ni Ashley ang kanyang sarili.
Di niya maiwasang hindi isipin ang ngyari kanina. Nananaginip ba siya o imagination niya lahat.

Si Devora na mismo ang nag drive para kay Ashley patungo sa Restaurant.

Ang galing mo talaga Jake. Isang chat isang usap. Wala na kayang kaya mo pa din guluhin ang mundo ko. Kahit gaano na katagal.
My god whole day ko siyang iniisip .

Hindi nagtagal ay narating na nila ang restaurant.
Tara Ash may bibilin pala ako sa loob. Ay sige po.
Pag baba nila agad nilang tinungo ang restaurant. Sa labas ang akala mo ay normal lang lahat pero ng sinamahan na sila ng crew papasok sa VIP o Private Room ..
Pagbukas ni Devora ng pinto ay gulat na gulat siya ng makita ang salitang
Congratulations TM Ashley. Bumungad din sa kanya ang masasarap at mababangong pagkain buffet style.
Lahat ng malalapit sa knila ay andun lahat ng hawak ni Devora.
At lahat ng magiging bagong Team niya an andun.
Mam ano po ito? Takang taka na tanong niya sa Boss.
Agad inabot ni Juliet kay Devora ang folder andun ang Letter at isang Certificate na nag papatunay na isa na siyang ganap na TM or TEAM MANAGER..
Congratulations!  Ashley you deserve this.
Si Juliet ang naging photographer ng mga oras na yun.

Lahat ng Team niya ay nag welcome sa kanya.

Maiyak iyak siya sa surprise na yun.
Salamat Mam super salamat po.
You deserve this hija.

Ang hindi niya alam ay may isa pang sorpresa ang nag aabang sa kanya.

Wait Ashley There's more. Sabaya hawak nito sa kamay niya

Sinama ni Devora si Ashley sa isang side ng Room na may nakatakip na kurtina.
Tilian naman lahat ng Team niya at pati na din si Juliet lumabas doon si Ana.
Gulat na gulat siya ng makita si Mike na may hawak na bulaklak.
At ang nakasulat naman ay

"Will you be my Girlfriend'

Isang napakatamis na ngiti ang binitawan ni Mike lahat ng Tao dun kahit ang mga Crew ay kinikilig sa nagyayari. Si Devora ay di napigilan ang hiyaw. Lahat sila ay masaya para sa dalawa.
Agad lumapit si Mike kay Ashley at iniabot ang bulaklak at isang Baskets na chocolates.

Kung nagulat siya kanina ay mas ikinagulat niya ito.
Walang salitang lumalabas sa bibig niya speechless sabi nga nila. Di niya expect na gagawin ni Mike to para sa kanya.

Meron nakong basbas ni Boss sabay tingin nito kay Devora.
legal na tong panliligaw na to sabay tingin ni Mike sa lahat. Lahat ay nagkukuhaan na ng litrato at Video meron pang isang nag Facebook Live.
Antagal kong inantay tong pagkakataon na masabi ko sayo ang talagang nararamdaman ko.
Mahal kita noon pa.

Ashley Arevalo  pwede na ba kita maging Girlfriend?
Hindi siya nakasagot sa tanong na yun ni Mike.
Nakatingin lang siya dito na medyo naiiyak siya sa ngyayari. Tears of Joy sobrang na touch siya sa mga eksenang yun.

Kung nabibilisan ka handa akong ligawan ka hanggang sa maging akin ka. Hindi kita susukuan.
Walang patid nag tilian ng mga tao dun.
Sa buong buhay niya ngayon niya lang naransan ang masurprise ng ganito sa 6 na taon nila noon ni Jake never niya itong naranasan..

Ano kaya ang magiging sagot ni Ashley?

I'm the BOSS (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن