Chapter 11

105 8 1
                                    

Chapter 11
Kape

"Huwag nalang kaya?"

I bit my lower lip. Bumaba ang tingin ko sa hawak kong kape na binili ko pa kani-kanina lang sa coffee shop.

I hissed.

"Inumin ko nalang kaya 'to?" I said to myself. Para na akong timang rito sa labas ng main gate na kinakausap ang sarili.

"Pero sayang 'yong pera ko kung hindi ko 'to ibibigay!" I exclaimed.

Mabuti nalang at medyo maaga pa kaya unti-unti lang na mga estudyante ang naglalakad rito at mukhang hindi naman nila napapansin ang pagiging eng-eng ko.

I bit my lower lip. Mahigpit ang hawak ko sa kapeng dala habang dahan-dahang naglalakad papalapit sa main gate ng Unibersedad.

"Magandang umaga iha!" Manong Oscar greeted when he saw me.

I smiled widely. "Magandang umaga din po Manong!"

Bumaba ang tingin niya sa kapeng dala ko. "Iinumin mo iyan iha? O ibibigay?"

Napakurap-kurap ako at sandali hindi nakaimik. "I-Ibibigay po Manong," I forced a smiled.

Pakiramdam ko ay matutumba ako ngayon sa kinatatayuan sa naisip kong ito.

"Para kanino naman?" tanong niya ng matapos i-check ang ID ko.

I swallowed harshly. "A-Ano po.. para kay ano.. Khainer po."

Namilog ang mga mata niya saglit at unti-unting ngumisi. "Mukhang nagkakamabutihan na kayo 'nong anak-anakan ko iha, ah?"

Ngayon ay ako naman ang nanlaki ang mga mata. Awtomatiko akong umiling-iling sa kaniya. "Mali po yang insiip niyo Manong!" I hissed in a low voice, para hindi marinig sa iba.

Natawa ito sa akin at napailing-iling. "Pasensiya na kung ganoon."

I pouted and just smiled at him. Nagpaalam na rin ako kay Manong Oscar at baka kung ano pa ang iaasar non sa akin.

Sumagi bigla sa utak ko 'nong pumunta kami ni Khainer sa isang bahay. Nalaman kong pamilya pala iyon ni Manong Oscar at sanay na sila na palaging namamalagi roon si Khainer, iyon ang sinabi sa akin ni Manong.

Nagpasalamat kasi ito sa 'kin 'nong malaman na pumunta kami sa kanila.

A smiled flashed on my face. May kabaitan naman pala 'yong lalaking 'yon, ayaw lang ipakita.

Bumaba ang tingin ko sa hawak at napakagat ng pang-ibabang labi.

Sana naman tanggapin niya 'to..

Ng mag-angat ako ng tingin ay biglang namilog ang mga mata ko ng makita ang pamilyar na likod ng lalaking hinahanap ko. Napatigil ako sa paglalakad at kinabahan.

"Ibibigay ko ba 'to?" kausap ko sa sarili.

Hindi matanggal ang tingin ko kay Khainer na papalayo na sakin, marahil ay patungo na sa classroom niya.

Mariin akong napakagat ng labi at hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ginapangan ako ng kaba at parang nag shut down yata 'tong utak ko.

"Khain!" I suddenly shouted his name without thinking.

It made everyone silent and halted whatever they're doing just to looked at me. The other girls even murmured and glared. Ang iba naman ay parang nawiwirduhan sa akin at nilampasan lang ulit ako.

I swallowed harshly and wanted to kick myself. Ano bang pumasok sa isip ko at sumigaw ako?!

I looked at the guy who I was calling. He stopped walking but didn't turned his back. At dahil wala na akong magawa ay mabilis na akong tumakbo papalapit sa kaniya habang kinakabahan sa mga tingin sa akin ng mga estudyante.

Totally Opposite [On-Going]Where stories live. Discover now