<7

236 11 1
                                    


Nagising ako sa tunog ng orasan,tinignan ko kong anong oras na 10:30 am na pala hindi ko namalayan tanghali nako nagising siguro sa sobrang pagod na rin.Tumayo na ako sa higaan ng biglang tumunog cp ko..

Nana is calling........

Tumatawag si nana agad ko naman itong sinagot....

"Hello,good morning" sagot ko sa telepono

[Hoy babae kanina pa ako tawag ng tawag bat walang sumasagot?!],nagulat ako sa sigaw niya kaya medyo nilayo ko yong cellphone sa tenga ko.

"Kakagising ko lang," sagot ko habang palabas ng kwarto..

[Nako kang babae ka!],pasigaw niya paring sagot sakin...

"Bat ka tumawag,ano kailangan mo?"tanong ko na nakakababa nako sa sala.

[Si Karen nag yayaya doon sa condo niya mamayang 2 pm ng hapon,Ano G?],pag papaliwanag niya sakin..

"Ano daw gagawin doon?"tanong ko habang abala sa pag handa ng pagkain ko..

[Alams na haha],sagot niya habang natatawa..

"Sige," sagot ko habang kumakain na..

[Yehey,susunduin ka daw ni andrew],sagot niya sakin..

"Sige,kakain lang ako at maliligo" sagot ko sa kanya..

[Oki,Kyla Samantha seeyah!],sabi niya sabay baba ng tawag..

Binaba ko nalang ang cellphone ko,dahil kumakain ako siguro inoman na naman mamaya dahil nga sabado ngayon at walang pasok bukas,si karen talaga hindi pinapalagpas ang bawat oras eh kong wala lang nangyaring krimen kahapon siguro nasa bar kami buong mag damag kagabi....

Niligpit ko na ang pinag kainan ko,maaga pa naman mamaya pang 2 pm ako susunduin ni Andrew kaya mamaya nalang muna ako maliligo,nag pasya akong manonood ng Tv pag katapos ko mag hugas ng plato..
Abala ako sa panonood ng Tv ng biglang may tumawag sa cellphone na napulot ko kahapon,kasi nakalagay lang ito sa may gilid ng Tv kaya rinig na rinig ang malakas na ringtone nito,tumayo ako baka ito na yong may ari...

Tinignan ko kong sinong tumatawag.....

Any is calling.....

"Any?sino yon?"tanong ko sa sarili ko habang sasagutin ko na nag tawag...

"Hello?"sagot ko sa tumawag...

"Hmm..."yon lang ang narinig ko sa kabilang linya,bat ayaw niya mag salita?..

"Ikaw ang may ari ng--"

Totot..totot...

"Ang lintek pinatayan ako"nasabi ko na lang sa sarili ko...

Tinignan ko yong cellphone wala na ang caller,pano ko matatawagan yon hindi ko mabuksan tong cp na toh pin pa ang passcode,mukhang mahirap itoo..Nilapag ko na lang ang cellphone dahil Alas dose na maliligo nako baka kasi bigla nalang dumating si Andrew..

Pagkatapos ko maligo nag suot lang ako ng maong shorts at oversize t-shirt na color black,doon lang naman kami sa condo ni Karen atsaka kami kami lang mag babarkada ang nandoon kaya wala namang kaso tong suot ko,habang abala ako sa pag aayos biglang tumunog ang door bell,siguro si Andrew nayon nag madali na ako bumaba para harapin siya,pero nagsalamin mo na ako baka kasi may dumi ako sa mukha nakakahiya..

"Wait lang,Andyan na!" sigaw ko kasi sunod-sunod ang pag doorbell nito...

"Ang tagal mo naman mag bukas ganto kaba mag bukas ng pinto pag may iba kayong bisita?"

"A-ah?Sandali,bat ikaw?Asan si Andrew?"tanong ko kay Mark dahil siya napagbuksan ko ng Gate..

"Ang layo talaga ng mga sagot mo sa lahat ng tanong ko nako" sagot niya sakin habang sumalampak ng upo sa sofa...

"Ang daldal mo, bat ikaw?"tanong ko ulit...

"Ah,kasi may emergency daw si Andrew kaya ako andito,pasalamat ka nga hindi ako tinamad sa pagsundo sayo hindi ka naman kasi chix haha"natatawang paliwanag ni mark..

"fuck you 10× mark!" Sigaw ko sa kanya kahit kailan talaga nakakainis tong babaerong toh,sana hindi matulad si andrew sa kanya...

"Thank you haha!"natatawa niya paring sagot..

"Oh,tara na bat kapa umuupo dyan"sabi ko sa kanya kasi ayos nako,

"Ang sama mo talaga,hindi mo man lang ako papahingahin ang haba kaya ng byahe ko ang layo layo ng bahay mo atsaka-"hindi ko na siya pinatapos hinatak ko na siya palabas at nilock ang pinto..

"Sa condo kana lang ni Karen mag pahinga"sabi ko na nakangiti sa kanya habang umuupo sa shutgun..

"Ikaw talaga kyla kahit kailan ang damot mo haha"sagot niya habang pinapaandar ang SUV niyang kotse...

"Hindi naman,look 1:30 na ang sabi kasi ni Karen 2 pm andon na tayo ayoko lang malate."pagpapaliwanag ko sa kanya..

"Sabi ko nga haha"nako kahit kailan talaga tong gunggung nato..

Humarap nalang ako sa may bintana at pinapanood ang kalsada,hindi narin naman siya nag salita kaya hindi ko na lang siya kinausap..

"Yon andito na tayo!"sigaw niya..

"Ang bilis,"sabi ko habang pababa ng kotse niya..

"Ikaw bana man tulala sa daan mapapansin mo kaya haha"natatawa niyang sagot sakin...

"Whatever,florez!"sigaw ko sa kanya sabay irap,nakakapikon talaga to..

"Oh,relax pikon agad eh haha"sigaw niya sakin kasi papalayo nako sa kanya papasok nako ng elevator papuntang unit ni Karen...

"Bahala ka dyan,"pang iirap ko parin sa kanya..

"Taenang mukhang yan kyla haha Lt!" natatawa niyang sabi,ganto po mang asar ang isang Mark Anthony Florez..

"Ediwao!"sigaw sabay labas dahil bumukas na ang elevator,sakto bukas ang pinto ng unit ni Karen kaya pumasok nako sa loob hindi ko na hinintay ang gunggung na yon na halos mamatay na sa kakatawa sa likod...

_________________

Enjoy reading.............

Bloody Stain~Where stories live. Discover now