<17

206 12 0
                                    

Kyla's pov.




Nandito parin kami ni trisha sa hospital,paikot ikot lang ako,dahil nag iisip ako at bakit hindi ko parin nacocontact si nana,kinakabahan nako.



"Kyla,please stay one place,nahihilo ako sa ginagawa mo."sabi sakin ni trisha.


"Anong oras na kasi trish eh,10:45 pm na nang tanghali hindi ko parin macontact si Nana,kinakabahan nako."sabi ko kay trisha na paikot ikot parin.



"B-baka na pano na siya kyla,baka siya na sinunod-",hindi kona pinatapos si trisha.





"Hindi!walang nangyari sa kanya,wala!"sabi ko,dahil natatakot ako,hindi pwede.




"S-sige mag hintay tayo ng 12 o'clock sakto lunch pag wala,puntahan na natin siya sa bahay nila"sabi ni trisha.





"S-sige tama ka,"sabi ko sabay upo sa tabi niya.



Sana walang nangyaring masama kay nana,dahil nakokosensiya ako dahil hindi ko siya na text kagabi,Andrew bakit,bat mo toh ginagawa,kahit ayokong paniwalaan yong nang yari sa elevator,ayoko maniwala kasi gusto kita Andrew.


Flashback.........

Pasakay nako nang elevator nang mag isa,ay dalawa pala kami.




"Oh,Nasaan si Andrew?Bat ikaw lang?"tanong ko kay mark.



"A-ah sabi niya may naiwan daw siya sa condo ni Karen kaya bumalik siya,nauna nalang ako kasi"pinutol niya nag sasabihin niya.



"Kasi?" tanong ko.



"K-kyla mag iingat ka kay Andrew," sabi ni mark na naguguluhan ako.



"Bakit?"sabi ko na naguguluhan.



"Nakita ko s-sa l-likod niya may b-baril may dala siya baril,kaya nauna nalang ako natatakot,oo sabihin mo nang bakla ako pero takot ako sa baril Kyla nakakapatay yon,kaya mag ingat ka,alam kong gusto mo siya!"sabi ni mark at sabay tumunog ang elevator,at lumabas na siya.






"Mag iingat ka sa kanya!",sabi niya sabay alis.




End of flashback.........



"T-tama kaya s-siya"wala sa sarili kong sabi.



"Sino kyla?"nag tatakang tanong ni trisha.



"Si mark."sabi ko.



"Si mark,bakit?" tanong niya.


Kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa elevator,at nakita ko sa reaksyon niya ang sobrang gulat sa sinabi ko.




"K-kyla,pati pala si mark nakakahalata na,hindi lang tayo kaya sabihin na natin sa mga pulis."sabi ni trisha na kinakabahan na.



"O-oo,sasabihin natin pag nandito na si Nana"sabi ko sa kanya.



"B-bakit?bakit tayo idadamay ni Andrew?"wala sa sariling tanong ni Trisha.




"Hindi ko rin alam,trisha wag kana umiiyak ipapakulong natin siya,"sabi ko sa kanya kahit naluluha narin ako dahil,hindi ko matanggap na gagawin nang taong mahal ko ang mga bagay na yon.



Oo mahal kita Andrew,pero sinayang mo.


Bip....bop...bip...bop....


"Kyla cell phone mo ba yon?"tanong ni trisha,dahil tumunog ang cellphone ko.




"Oo,wait tignan ko lang kong sino nag text"sabi ko at nakita ko kong sino nagtext.



"Trisha,S-si Nana nag text na." sabi ko,imbes na matuwa ako parang kinabahan ako.




"Ano sabi niya?"tanong ni trisha.



"Sam,nandito ako ngayon sa school puntuhan mo ako  may sasabihin akong importante,"


"Yan ang text niya?"tanong ni trisha.



"Oo,t-trisha parang may mali n-never akong tinawag ni Nana nang Sam,dahil naalala niya ang ex niyang si Samuel sa pangalan kong yon,"sabi ko kay trisha na kinakabahan.




"T-tara puntahan natin siya,baka importante nga ang sasabihin niya."sabi ni trisha.



"P-pero walang kasama si Karen,bumibili pa si Tita Karlen,baka balikan siya nang suspek dahil buhay siya."sabi ko kay trisha.



"Oo nga,pano?sinong sasama sayo?"tanong niya..



"Yon!Andito nga kayo" biglang pag dating ni mark.





"Kyla,si mark!mag pasama ka sa kanya!"sabi agad ni trisha.



"S-saan?bakit ano meron?kakarating ko lang dadalawin ko si karen,"sabi ni mark na naguguluhan.




"Samahan mo ako sa school,Andon si Nana"sabi ko sa kanya.




"P-pero-"hindi siya natapos dahil.




"Saan kayo pupunta?"




"A-andrew."sabi ni trisha na biglang umatras sakin.




"K-kay Nana"matapang nasagot ko sa kanya.





"Sige,tara samahan na kita." sabi niya at sabay hawak sa isa kong kamay.




"K-kyla." nauutal na sabi ni trisha.




"Ako na pre,dito kana lang samahan mo nalang si Trisha bantayan si Karen."sabi ni Mark,sabay hawak sa kanan kong kamay,dahil hawak ni Andrew ang kaliwa kong kamay.




"Let me." madiin na sabi ni Andrew,na nagpakaba sakin.



"Sige,Kyla ikaw na pumili kong kanino ka sasama."sabi ni mark at sabay tingin sakin nang makahulugan,na parang pinapaalala niya yong sinabi niya sakin sa elevator.




"Andrew,samahan mo nalang si trisha dito."sabi ko at nakita ko sa mga mata niya ang lungkot ng pagkabigo.




"S-sige,Kyla Take care." sabi niya sabay bitaw sa kamay ko,at hinatak nako ni mark palabas ng hospital at pumuntang parking lot.







_______________________________

         :(

Bloody Stain~Where stories live. Discover now