01 | Prejudice |

86 9 3
                                    


This chapter is dedicated to the strongest person I know: Me.

•••••

Azalea

Napamulat ako sa biglaang pag gising sa akin ni Lola. Sayang, magagantihan ko na sana kahit man lang sa panaginip ang mayayabang na estudyante ng Stone Academy. Hindi ko talaga mawari kung bakit maraming nag nanais na makapag-aral dun. Halos lahat yata ng estudyante doon puro yabang lang at wala namang binatbat sa aktwal na pakikipaglaban, palibhasa nasanay sa pagpapakasarap sa buhay.

Marahil nagtataka kayo kung bakit ganito ang aking pananaw sa mga estudyante ng akademyang iyon. Taon- taon kasi, nagkakaron ng pagkakataon umuwi sa kanilang bayan ang mga estudyante roon. Noong araw na iyon, nagkataon na inutusan ako ni Lola bumili ng mga halamang gamot sa sentro, dito sa ika-6 na distrito. Sa siyudad ng Aeaea.

May nakasalubong akong dalawang batang lalaki na pawang nakangiti at may bitbit na supot ng pagkain. Nang makalagpas ako, nakarinig ako ng sigaw ng isang babae.

"look what you've done!"

kaya napatingin ako sa pangyayari. Nabangga yata ng dalawang batang lalaki ang dalawang estudyanteng babae ng Stone Academy. Halata naman sa kanilang mga uniporme na doon sila nag-aaral. Sumisigaw ng karangyaan ang kanilang itsura.

"See? My uniform has been tainted with dirt. Argggg! I'm so gross now."

At walang pakundangang itinulak ang dalawang batang lalaki.

Lumapit ako sa mga bata at tinulungan silang magpulot ng mga prutas na nagkalat sa daan at ibinigay sa kanila ang kaunting halaga na natira mula sa pagbili ng mga halamang gamot na aking dala.

°°°

Napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig kong nagsalita si lola.

"Apo, ngayong araw ang dating ng resulta. Panigurado akong matatanggap ka." masayang balita ni lola.

"Lola naman e, alam mo namang wala akong balak na pumasok doon. Atsaka, hindi pa naman tayo sigurado na ako nga ang napili. Sa sobrang dami naming lumahok sa paligsahan na iyon, mababa lang din ang tyansa ko na manalo." tamad na sagot ko kay lola.

"Azalea, apo. Kahit naman hindi ko makita ang resulta, malakas ang pakiramdam ko na ikaw ang nanalo. Malakas at matalino ka. Kaya panigurado akong ikaw ang napili."

"Eh bakit po bang gustong gusto nyo ako pumasok sa akademyang iyon lola? Alam naman natin na hindi ako nababagay roon. Lahat ng nag-aaral doon ay pawang mayayaman lamang. Okay na ako sa paaralan dito." Patanong na sagot ko kay lola.

"Apo, gusto ko lamang magkaroon ka ng magandang buhay pag nawala na ako. Matanda na ako apo, hindi ko na rin alam kung gaano katagal pa ang ilalagi ko dito sa mundo. Atsaka, gusto kong makilala mo ng lubusan ang iyong sarili." nakangiting saad ni lola.

"Ayun na nga yung dahilan lola kung bakit mas lalo kong ayaw pumasok doon. Kasi maiiwan kita dito. Sino na lang magtitingin tingin sayo dito kung sakali mang may kailanganin ka?" nag-aalalang tanong ko kay lola.

"Huwag mo kong alalahanin apo, andyan naman si Lorelei na kalapit bahay. Atsaka, nga pala, subukan mo namang kumausap ng mga kaedaran mo nang sa gayon ay makahanap ka naman ng mga kaibigan mo dun sa akademya."

"Oo na po lola" napilitang sabi ko. Hindi naman ako sa masungit. Sadyang wala lang akong kaedaran dito sa amin.

"Oh siya, tara na't bumaba. Nakahain na ang almusal sa hapag." sabay labas ni lola sa aking silid.

at dali dali na kong tumayo para kumain ng agahan.

°°°

Kakatapos lang namin kumain ni lola. Kailangan ko na namang pumunta sa bayan para kumita ng pera pang tustos sa araw-araw na gastusin namin.

Kung nagtataka man kayo kung ano ang trabaho na ginagawa ko dun, nagtitinda lang naman ako ng mga gamot mula sa halaman na ginagawa ni lola.

Nandito na ko sa tindahan ng mga halaman at bulaklak ni Manong Priseng. Hinayaan niya akong makihati sa pwesto ng tindahan niya upang makatipid sa buwis na binabayad ng mga may-ari ng tindahan dito sa sentro. At lubos ko iyong pinagpapasalamat, dahil nabawasan na ang gastusing aming iniisip. Bukod pa doon ay sadyang kilala dito sa bayan ang kanyang tindahan kaya maraming mga mamimiling nagagawi rito at madali ring nauubos ang paninda ko.

Dahil madalas namang maaga akong natatapos sa pagtitinda, nagkakaroon ako ng oras upang pumunta sa Pampublikong Aklatan dito sa aming bayan. Hilig ko ang pagbabasa. Marahil, nauunawaan ko din ang kahalagahan nito para sa mga kagaya kong walang kakayahan makapag-aral sa matataas na antas ng eskwelahan kung saan mas advance ang itinuturo. Kaya't dito na lamang umaasa para kahit papaano ay mas matuto. Buti na nga lamang hindi ako napatigil sa pag-aaral kahit na nagkasakit si lola. Naisin ko man na huminto pansamantala para maalagaan siya, hindi rin naman ito pumayag.

Kung hindi niyo naitatanong, lagi akong nangunguna sa paaralan. Bakasyon kasi ngayon. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit ako napasali sa kumpetisyon na sinasabi ni lola kaninang umaga.

Kung napapaisip kayo kung anong kumpetisyon ang tinutukoy ko. Ito ang tinatawag na District Cup. Isa iyong paligsahan kung saan ang bawat paaralan dito sa bansa ay maglalaban upang kumatawan hindi lang para sa kanilang paaralan kundi para na rin sa kanilang Distrito. Isa itong malaking paligsahan sa Peloponnese na ginaganap kada taon.

Ang kumpetisyong iyon ay nilahukan ng labindalawang mga kabataan na nagmula pa sa iba't ibang Distrito ng bansang Peleponnese na pawang aking ka-edad lamang. Dito sinukat ang talino, liksi at husay sa pagkontrol ng kanilang mga kakayahan, at ako nga ang isa sa mga lumaban para sa aming Distrito.

Ang resulta? Magpapadala na lamang daw sila ng isang sulat upang ipaalam ang kanilang pasya.

▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎

A/N:

Hey folks! First chapter is done.
Don't forget to hit the star button if you happen to like this one.

You can comment your thoughts :)
If you have something on mind, you can ask me through dm.

Lots of love 💙
- gngrcastle

Stone AcademyWhere stories live. Discover now