70

128 3 0
                                    

Katulad nang usapan namin ni Ford ay pupunta kami ngayon sa bahay. Naka ayos na ako at simpleng dress lang.

Hinihintay ko lang si Ford na tumawag dahil he insisted na susunduin nya ako.

"You're already sure about him 'no?" I smiled at Allison who's eating nachos beside me, watching netflix.

Si Eve ay lumabas kanina dahil maylakad at hanggang ngayon ay wala pa s'ya.

"Hmm.. Ford is a good guy, wala naman akong nakikitang rason para hindi s'ya bigyan ng pagkakataon" I smiled at her.

"I am so proud of you. You can take the risk without even any fear to be hurt." alam ko ang storya ni Alli at Toby. Alam ko kung paano s'ya nahirapan tungkol sa nangyari sa pagitan nila.

And I also admire for being such a strong girl.

"Nah, I believe that Ford will not hurt me" I tapped her shoulder. Bukod sa takot na muling mahulog si Alli sa isang tao, she's also become more extra careful for us para hindi din kami masaktan. And I really admire her for that.

Magsasalita pa sana si Alli but someone  knocked on the door. Tumayo ako dahil alam kong si Ford iyon.

Naka plain white shirt lang s'ya at black ripped jeans na sa bandang tuhod lang saka black timberland shoes. He looked so handsome! Nakakahulog naman ng panty!

"Let's go?" he seemed nervous and tired. Napanguso ako at tumango.

Nag paalam ako kay Alli saka sumama kay Ford natapos n'yang bumati kay Alli.

"Are you okay?" I asked him. Bahagya n'ya akong nilingon at muling ibinalik ang tingin sa daan.

"Yes, umuwi lang ako to checked something. Pagod siguro sa byahe tapos kinakabahan pa ako sa parents mo" he laughed a little.

"You should rest Ford. Madami kayong gawain sa school tapos nagba byahe ka pa sa malayong lugar. Give time to yourself" payo ko sa kanya. Hinawakan n'ya ang kamay ko at dinala iyon sa labi n'ya.

"Opo master" natatawa n'yang sumagot.

Pagkadating namin sa bahay ay naging smooth naman ang lahat. Ford was absolutely nervous but dahil kay daddy na mood maker namin ay naalis na din 'yun.

My parents want him for me and I am so glad. Kuya Klay was also proud. Hindi daw n'ya akalain na magiging brother in law na din n'ya si Ford sa future.

After that night, naging maayos na din naman ang relasyon namin. Ford always finding time for me. Kung wala naman ay hindi s'ya sumasablay na padalhan ako ng pagkain or bulaklak as his presence naman daw.

Napapangiti na lang ako minsan sa sarili ko kasi ang swerte ko talaga sa kanya.

S'ya talaga 'yung hinahanap kong manliligaw dahil minsan ginagawan pa n'ya ako ng mga presentation ko or pinupuntahan kung may problema sa mga papers ko. Ganun kasi dapat eh! Hindi puro harot!

I visited their lab dahil dalwang araw ko na s'yang hindi nakakasama. Dala ko ang dalwang paper bag na may pangalan nang isang sikat na fast food chain.

Akmang kakatok na sana ako sa pinto but I heard someone is talking inside. I don't have any plans para mag eavesdrop pero natigil ako dahil sa humihikbing boses ni Ford.

"Sir please, isang pagkakataon lang po. Please po babawi po ako, kailangan ko po talaga na makagraduate" I stiffed on my position.

Gusto kong pumasok but I don't want to meddle also.

Wala sa sarili akong humakbang paalis mula sa lab nila.

It hurts now that I realized that every smile his showing to me.. It's all fake.

thank u, shopee (seulmin ff) | [UNDER EDITING] Where stories live. Discover now