101

107 2 0
                                    

Mabilis na akong nagbihis nang ribbed button front top na bahagyang nagpapakita ng abdomen ko, atsaka plaid skirt at para sa paa ko naman ay ang angel gossip platform heels ko na kulay puti.


I also put a hairpin sa gilid ng buhok ko atsaka nagsuot din ng color cubic choker for some accessories.

Kumatok na sa pinto sina Eve kaya agad akong lumabas. They put so much effort na sunduin pa ako dito sa condo. Hay nako.

Sabay sabay kaming pumasok sa loob ng club. As usual, maingay at magulo ang sumalubong sa amin.


It's been fucking two yeats since he left. Nasaan na s'ya ngayon? Wala akong pake. I refused to hear news about him. But I am sure he's doing great.. without me.


Kahit sina kuya at ang buong barkada nila ay hindi nagbibigay ng impormasyon sa akin. Siguro ay gusto n'ya din iyon.


I did just focused myself on my company, and myself. Which I found really great. I.. grow..


"Sayaw lang ako!" malakas na loob na saad ko sa mga kaibigan ko dahil sa tama ng alak sa akin.



I moved my hips with different people around me. "Ouch!" irita kong sinamaan ng tingin ang lalaking sumagi sa akin.



"Ano ba!" inis na asik ko pa.

"I'm sorryㅡ anak ng itlog! Sariyah?" napakunot ang noo ko. Sino ba 'to? Ni hindi ko naman s'ya makilala dahil sa blurry kong paningin.

"Who the fuck are you? At ano ang anak ng itlog?" I innocently asked.


"Ako 'to si Jak!" I adjusted my vision and finally! Nakilala ko din s'ya.


"Oh! Hi Jak!" ngumiti ako sa kanya

"Sinong kasama mo?" he asked. "Girls" kumindat pa ako sa kanya.


"Lasing ka na" he whispered. Kinunutan ko s'ya ng noo.


"I am not" itinulak ko s'ya para makaalis ako at hindi s'ya nilingon pabalik nang tawagin ako.



Nagderetso ako sa bar stool at uminom ng alak.


Naiinis na ako dahil sabi sa akin nina Eve, I can met a lot of guys here. Para naman daw mabuhay ang rizal ko. But no one ever come near me. Mas mabuti pa 'yung last na punta namin dito eh.



Irita kong dinala ang bote ng alak na dala ko atsaka umakyat sa second floor. Ipinatong ko ang mga siko sa railings at saka tinanaw ang mga tao sa baba.



Hindi ko alam kung bakit kusang pumatak ang mga luha ko sa mata dahil sa sistema ng alak sa aking kawatan.



I had a lot of memories with him with this fucking bar. From his confession, celebrations of our anniversaries, get aways. Halos puro masasaya ang naiwan n'yang ala ala dito.


Hindi ko alam na dadating sa punto na, kailangan kong bumalik dito para maalala ang lahat ngunit may mas malaking rason na dapat ay kalimutan ko na lang din.



Part of moving on was accepting yet I just can't accept his reason for leaving me.



Fuck him dahil dalwang taon na ang lumilipas pero hanggang ngayon ay ang sakit pa din! Hanggang ngayon umaasa ako na sana panaginip na lang lahat. Na sana hanggang ngayon, masaya na lang kami.



Sana I should do better. Hindi ko sana hinayaan ang kumpanya na bumagsak para hindi na lang n'ya ako iniwan.



Gusto ko ipamukha sa kanya ngayon na.. eto ako, mas naging malakas ako. 'Yung kumpanya ko.. nagawa ko ulit pabalikin sa normal. Pero wala eh, umalis na s'ya. Ano pang magagawa ko?



I am eating three times a day, I have a lot of money, I own a lot of designer bags and dress, I can buy whatever I crave for, I am happy..



Pero may kulang, I really feel so incomplete.



Hindi ko tinangka na punasan ang mukha kong may luha. Mapait lang akong ngumiti at inubos ang bote ng alak na hawak ko.



"I am so proud of you" I heard someone whispered behind me.



Sinalubong ko s'ya ng tingin pero hindi ko s'ya maaninaw.



Nahihilo na ako at ang blurry ng paningin ko.



"Who are you?"


"Your strength, your weakness, your everything.. who broke your heart into pieces"

thank u, shopee (seulmin ff) | [UNDER EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon