Chapter 40: Laughter is The Best Medicine

201 7 1
                                    

Alex's POV

It's sunday and Christmas is fast approaching. Ilang araw na lamang at Christmas na at malapit na rin akong magtrabaho. Buti na lang at walang trabaho ngayon si Charles pero may lagi namang babad sa laptop niya.

"Akala ko ba wala kang trabaho ngayon?"Tanong ko sa kaniya. Nasa living area kami ngayon at ako ay nanonood ng movie sa Netflix habang siya nama'y gumagamit ng laptop niya.

"Wala nga. Pero may tatapusin naman ako ngayon."Sabi niya.

"Minsan na nga lang tayong magkasama pero trabaho mo lang naman ang inaatupag mo."Sabi ko na may acting pang nagseselos at nagagalit.

"Okay baby. Malapit na itong matapos."

"Talaga?"

"Oo naman."

Nang matapos ang ginawa niya ay siya na ang pinaluto ko ng lunch namin. At ito ang sinigang.

"Hindi naman ako marunong magluto."Reklamo pa niya.

"Kaya nga tuturuan di ba? Kaya simulan mo ng hiwain ang mga ingredients."Sabi ko.

"Sige nga."Sabi niya at hiniwa niya na ang karneng baboy at mga gulay.

Nagluto na kami at mabilis naman siyang turuan. Natuto naman siya katulad nung tinuruan ko rin siyang gumawa ng cake.

"How was it?"Sabi niya nang tikman ko ang niluto niya.

"Maasim. Pero masarap."Sabi ko at masarap naman talaga kahit medyo maalat.

"Talaga?"

"Naman."

Kumain na kami at pagkatapos naming kumain ay may kumatok sa pinto habang nanonood kami ng movie na 'Split'.

"Well fuck off dude. Bakit naman sasama ang boyfriend ko sa iyo?"Sabi ni Charles kaya pumunta na rin ako sa front door at nandoon si Jake.

"Alex."Sabi niya.

"Jake."Sabi ko naman.

"Well, gusto ko lang naman sanang isama kang manood ng sine."Sabi niya.

"Bakit hindi mo isama ang boyfriend mo?"Sabi naman ni Charles na nagagalit na.

"Umuwi kasi siya sa Pinas."

"Edi pumunta ka mag-isa."Sabi naman ni Charles.

"Charles. Enough. I am glad na samahan ka sa sine pero kailangan kong umuwi ng umaga."Sabi ko.

"Alex. Pinag-usapan na natin ito."Sabi ni Charles.

"Charles, ayaw kong mag-away pa tayo dahil dito. Nakakabagot na rin kasi rito."

"Well kung ganon, sama ako."Sabi ni Charles and we all agreed.

Nagbihis na kaming dalawa at pagkatapos ay dumiretso sa kotse ni Jake. Sasakay na sana ako sa front seat pero pinigilan ako ni Charles.

"Alex, likod."Sabi niya and we both sit at the back seat.

Hinawakan niya ang kamay ko at parang hindi niya ako pakakawalan. Hindi kumikibo si Charles at tumitingin siya sa window ng kotse habang nilagay ko naman ang ulo ko sa shoulder niya na magkahawak pa rin ang aming kamay.

"So where here."Sabi ni Jake at bumaba kami sa kotse.

Pumasok na kami at pumili ng movie na pwede naming panoorin.

"Anong gusto mong panuorin Alex?"Tanong ni Jake.

"Ikaw bahala."Sabi ko sa kaniya."Teka lang bibili lang ako ng popcorn at mga drinks."

My American Husband | [Boy x Boy]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum