Prolouge

3 0 0
                                    

"UUUY!" sigawan ng mga bully kong kaklase habang winawagay-way nila sa kalawakan ang Galaxy- inspired na Diary ko.I was grade 5 nang pagtripan nila ang diary ko na lagi kong dala.Doon nakasulat ang mga mahahalagang bagay na nangyari sa buhay ko.Pati nadin ang interaction namin ni Clark.

Grade 6 na ako ngayon pero ganoon padin sila.Hindi naman nila ako sinasaktan pero pinagkakatuwaan nila ang pagpuslit ng basa sa mga sinusulat ko sa diary.2 years na sa akin ang diary ko.

Hindi ako nagkukwento kay Viena though, she's my bestfriend I don't trust her.She will judge me o kung minsan naman ay ipagkakalat nya ang sikreto ko.Minsan ko na din syang narinig sa pang ba-backstab sa'kin.

Dating nagtatrabaho ang mama nya sa company namin.Her dad died when she was 5.Nang nalaman nilang may pamana ang daddy nya, umalis sila sa company at nagsimulang kompetensyahin din ang aming kompanya.That was nothing to me kasi tinuturing ko pa din syang bestfriend kahit na she doesn't feel the same way.

I do not give my full trust to anyone.Only in my diary.Feeling ko kasi, kahit na iyong pinakamalapit sa akin ay kaya ka paring siraan ako?or kaya talaga.

"Akin na ano ba?!" singhal ko sa kanila at pilit inaabot ang diary ko na hawak ng mataas kong kaklase.

"Pabasa muna!Isang page lang!" sabay-sabay na sang ayon nila.

"Gumawa kayo ng inyo yuck!"

Sakto naman na nagring yung bell para sa uwian kaya tinigilan na nila ako.

"Oh iyo na!" sabi ni Kert.Yung mataas kong kaklase na binabalik sa akin ang diary.

Nagsi-uwian na sila kasama ang kanilang mga sundo.As usual, mommy can't pick me up kasi busy naman sya sa trabaho.Nang namatay si dad, last year nagpaka workaholic na si mom.

Hanggang nakilala nya si Tito Gabriel.I don't like him.Maayos naman ang pakikitungo nya sa amin ngunit parang naaasiwa ako.I don't feel comfortable near him.

Minsan ko na sya nahuling buksan ang kwarto ko.Akala nya nasa loob ako pero bumaba ako para tawagan si Kuya Val.

Doon na ako nagsimulang makaramdam ng hindi tama.Sa paraan ng pagtitig nya.Pero maraming salamat padin sa kanya dahil tinutulungan nya si Mommy sa paghandle ng company.

Maghihintay nalang ako sa driver namin.

"Hi, Rexha" dinig kong bati ni Clark.

Awtomatikong nanginig ang kamay ko.
"H-hello" umupo sya sa tabi ko.Nanginginig ang loob-loob ko at kinakabahan ako.Sa edad kong to ewan ko na sa nararamdaman ko.Hindi ako makatingin sa mata nyang asul.

"May hinihintay ka?" tanong nya.Amoy na amoy ko ang gentle na pabango nya.

"Y-yes" hindi pa rin mapakali.

"Ah, your driver?Mommy? or kuya?" sunod-sunod na tanong nya.

"No, wala dito si kuya at busy si Mommy"

"CLARK! SABI NAMIN MAG-HI KALANG!" sigaw ng isang kasama nya.

"U-uh bye.It's just a dare" paalam nya.

'it's just a dare'

Dare naman pala.Hindi sya nagkusang-loob na kausapin ako kundi napagkatuwaan lang.

"Rexha!" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.Si kuya! Nakauwi na si Kuya?!

"Kuyaaaa!" sigaw ko sabay takbo palapit sa kanya.

"Hello, baby" habang yakap ko parin sya.Some how, I find comfort dahil andito na si kuya.

"Let's go we have a family dinner" anyaya nya.

Our lovestoryWhere stories live. Discover now