Chapter 2

2 0 0
                                    

**typo's everywhere.

Kinabukasan, maagang nagising ang mga tao pati na din kami dahil ngayon na ang simula ng Fiesta.May liga mamayang hapon at manonood daw kami ni Clark.

Pagkarating namin kagabi, diretso na kami tulog dahil parehas kaming pagod.Si Clark ay sa kwarto nya natulog, samantalang ako ay sa guestroom.Kahit sa mga kwarto ay puro gawa sa kahoy ang mga muwebles nila.

Gumising na ako at naligo para makababa na.Nag suot ako ng jeans at pinaresan ko iyon ng plain black vneck shirt.Nag flats nalang din ako.Brinaid ko ang buhok ko at lumabas na ako.

Pagbukas ko ng pintuan, insakto namang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Clark.Nasa dulo ang kwarto nya.May dalawang pinto pa ang pagitan namin.

Nakaligo na din sya at amoy ko pa ang pabango nya.Grabe!Ang gwapo nya! Crush ko pa rin sya hanggang ngayon!

"Morning." bati ni Clark.

"Morning" bati ko din at ngumiti na.

"Bumaba na tayo" aya nya sa akin.

Pagbaba namin ng hagdan, nasa hapag na si Lola Aleja.Sya lang mag-isa, at halatang hinihintay kami.

Pagkaupo namin, nagsimula na kaming kumain.

"Iho Clark..Ipasyal mo si Rexha tapos mamayang hapon manood kayo ng liga." sambit ni lola.

Dali-dali naming tinapos ang pagkain namin at hindi na kami nagbihis dahil lumabas na kami.

"Sa'n mo gustong pumunta?" tanong nya.Palabas kami ngayon ng gate.Hindi naman mainit kaya naglakad lang kami

"Malay ko, ako ba nakatira dito ha?" pamimilosopo ko.

"Tss, tara maraming street foods dyan."

Umalis na kami at bawat pagkaing madaanan namin, binibilhan ako ni Clark.Pinapataba nya ko ah!

"Oh ayun may lumpia." hinila ako ni Clark papunta sa may stole.Binilhan nya ko ng dalawa at dalawa din sa kanya.

"Tara doon naman, gulaman." yaya nya ulit pagkatapos kumain ng lumpia.

"Teka teka..busog na ako ano ba!" sabi ko.Busog na busog na ako!Napadighay pa ako! Dahil sa hiya, tinakpan ko ang aking bunganga.Kasi e!

Pinigilan nya naman ang tawa nya at pumunta nalang kaming bilihan ng souviners.

"Pili ka na dyan." sabi nya.Pumili ako at tumingin-tingin sa mga souviners.

May mga keychain na mura lang, pwedeng mag papersonalized, may mga t-shirt din na may mga qoute tulad ng

'thank yourself for being there for u'

'just stay strong in the utmost strong'

'move on, choose god'

Napaka inspiring ng mga prints ng mga damit.May mga friendship necklace din, bracelets, syempre pwedeng magpapersonalized.

"Oh suot mo oh." May binigay si Clark sa aking kuwintas.Simpleng cross-pendant lang iyon at pinong pino ito.Kulay gold ito.Sya din ay may hawak na kuwintas, parehong kulay at ang pendant nito ay cross din.Pareho kami.

"Suot mo yan ah!" Binigay nya sa akin.
Sa kauna-unahang pagkakataon, dumagundong sa tibok ang puso ko.Sa ilang taon na magkasama kami, parang bumalik ata ang nararamdaman ko.Hindi naman nawala pero, nahulog pa ata ako!

"Akin na nga, ako magsusuot." Kinuha nya sa akin iyon at sa isang iglap ay nasa likod ko na sya.Isinuot nya yun sa akin habang ako naman ay natulala.

Sa pagiging madalas naming pagsasama, lagi kong itinatanggi ang nararamdaman ko.Crush ko lang sya.No more no less.Ayaw kong umabot sa point na pandirihan nya ako dahil sa nararamdaman ko.

Hindi nya iyon alam kaya hindi nya pwedeng malaman.Ayokong masira ang pagkakaibigan namin.Ouch.Pagkaka-ibigan.

"Huy, tara sa plaza, mag-uumpisa na ang liga" doon palang ako natauhan.

Mabuti nalang at walang sinag ng araw at mahangin ang panahon kaya masaya kaming naglalakad.Ako ay tulala pa din.

Hindi ako makaconcentrate habang nanonood ng liga.Si Clark naman ay panay ang lingon sa akin habang ako ay tulala.Hindi ko pa rin matanggap.Hindi ko maintindihan ang sarili ko.Legit.

Natapos ang liga na walang pumasok ni isa sa isip ko kung ano ang mga nangyari.Nagsilabasan ang mga tao pati na din kami.

"Rexha, kanina ka pa tulala.What's bothering you?" ayan na, malalaman mo talagang seryoso na si Clark pag nag eenglish na e.

"Wala ano kaba! Ahm.. ano b-bili tayo ice cream." sabi ko nalang.

"Sige tara." bumili si Clark ng isang cup.Tig-iisa kami.Nasa counter sya ng may lumapit na mga lalaki sa tabi ko.Mga tatlo siguro sila.Halatang hindi din taga rito.

"Hi Miss, taga rito ka?" tanong isa.

"Uhm no" sabi ko sabay iling.Nilibgon ko si Clark at matagal pa ata sya.

"I'm Zayn." pakilala ng isa din.Medyo pogi.Medyo lang.

"H-hello Zayn I'm-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hinila agad ako ni Clark paalis doon.Bitbit nya ang icecream sa isang kamay.Hindi na ako nakapagpaalam sa tatlong lalaki.

"Hoy Clark!" malapit na kami sa gate ng bahay nila.Hila hila nya pa din ako.
Nang nasa tapat na kami, binitawan nya na ang kamay ko.

"Sino yun?" tanong nya.

"Ewan." tamad kong sagot.Hindi ko pinapahalata na grabe na ang kaba ko.

"Pasok na tayo Clark" sabi ko kasi tinititigan nya lang ako e.Naiilang ako.Sa huli, tumalikod nalang din sya at pumasok na.

Pagpasok namin sa gate, kitang-kita ko ang isa pang BMW.Iba naman ito.Wala ito kanina.Baka may bisita sila?Nakasunod lang ako kay Clark.

"May bisita kayo Clark?" kitang kita ko din ang pagtataka sa mukha nya.

"CLAARK!" napakunot ang noo ko ng may sumigaw galing sa loob.Tumatakbo sya patungo kay Clark.

Babae.Maganda.Sexy.Yan ang babaeng lumapit kay Clark.Naka high-wasted jeans sya at halter top.Napakaganda ng katawan nya.

Yinakap nya si Clark ng mahigpit at sa humalik sa pisngi.Si Clark naman ay natulala sa pagkagulat.

Napalunok ako ng makita ko kung paano lumatay ang saya sa mata ni Clark nang maproseso kung sino ang nasa harap nya.Yumakap sya pabalik kay Talia ng makilala nya ito.

Ang ganda na ni Talia.May kung anong bumagsak sa dibdib ko habang pinapanood ko sila.Konting-konti nalang ay tutulo na ang luha ko.

Pagkabitiw ni Clark sa pagkakayakap, ngumit sya kay Tali nang masayang-masaya.Pagkatapos ay yinakap nya ulit ng mahigpit.

Bago pa tumulo ang luha ko, tumakbo na ko papuntang loob ng bahay.Mauulit na naman ata ang pagiging invisible ko sa paningin ni Clark.

Nakasalubong ko pa ang attitude nyang tita.

"Bagay na bagay talaga sila."

mamatay na po nagtanong.

Gusto ko sanang sabihin iyon sa kanya pero syempre may manners pa naman ako.Linampasan ko lang sya at dumjretso papuntang kwarto.

Dito ba mag-iistay si Talia?Hindi ko ata kaya na makasama sya lalo na't sa kanya ko lang nakikita kung paanong naging masaya ang mga mata ni Clark nang dumating sya.

Hay.Talo pa din ako.

_____

no edits.Tamad ako.Typo's everywhere.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our lovestoryWhere stories live. Discover now