Chapter 48: Offer

112 2 0
                                    

Chapter 48: Offer

YLLKA'S PoV

Mabuti na lang at hindi napili ni Mama na paandarin ang toyo niya matapos ko iyong maibulalas. Sinipa niya lang ako nang patago sa ilalim ng lamesa, mag-r-react sana ako pero sinalubong agad ako ng matalim niyang ngisi.

Alam niyo 'yung malawak na ngisi pero hindi genuine? Tsk.

Iba-iba rin ang naging topic sa hapag-kainan. Mostly ay silang tatlo ang nag-uusap, idinadawit lang nila ako kapag ramdam nilang interesado ako sa usapan.

"I am mostly interested in investing, Tita. Sometimes, I find promising yet small businesses para bilhin or mas madalas, I invest and suggest some changes na makakatulong para maging mas profitable ang business," sagot ni Hilbert kay Mama nang matanong niya kung ano ang pinagkakaabalahan nitong bisita namin.

Mama nodded. "That's very admirable, what about your hobbies and sports, Hijo?"

Kinuha ko ang pitcher na may lamang buko juice para salinan ang baso na wala ng lamang tubig. Umamba ang isang tagasilbi na lalapit pero sinenyasan ko siya na huwag na.

"May I," ani, Papa at inilapit sa akin ang baso niya.

"Sure po." Mahina kong tugon para hindi maistorbo ang pag-uusap nila Mama at Hilbert. Inuna ko munang salinan ang baso niya bago ang akin.

"Thank you, anak." He murmured and flashed a wide grin.

Ngumisi rin ako at marahan na ibinalik sa dating pwesto ang pitcher. "Welcome." I mouthed.

Tumikhim si Mama— kinuha ang atensiyon naming dalawa. Sabay kaming lumingon sa kaniya, magkasalikop ang dalawa niyang kamay at nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Kanina pa sila natapos ni Hilbert sa pagkain at tumitikim na lang ng mga panghimagas. Kami lang yata ni Papa ang nagtagal sa main course.

"You both, might want to join our interesting conversation," she wriggled her arched brow.

Ngumuso naman ako. "Sorry," sinulyapan ko si Papa pero ngumisi lang siya.

"We beg your pardon, Ma'am?" Pormal ngunit mapagbiro na tanong ni Papa. Causing Hilbert and me to chuckle.

Inikot naman ni Mama ang mga mata. "Ayan na naman, nagkasundo na naman kayong dalawa. Mabuti na lang at andito si Hilbert, kun'di ay out of place na naman ako sa inyo!" Reklamo niya.

Tumawa ako lalo. "Ampunin mo na lang kaya si Hilbert, Ma? Para naman may anak ka ng kasundo."

Natawa siya sabay tampal sa braso ko. Nawala agad ang ngisi ko.

Malakas siyang manghampas!

Tumawa silang dalawa ni Hilbert. "Ayos lang din Tita, I think my Grandmother wouldn't mind..." he joked.

Si Papa lang ang tumikhim, earning all of our attentions. Tumaas ng bahagya ang kilay ko nang makita ang hilaw na ngisi sa labi niya.

"Komportable pa ba kayo sa kinauupuan? Bakit hindi tayo lumipat sa living room? Doon na natin tapusin ang mga panghimagas." Suhestiyon niya.

Point taken dahil medyo nangangawit na ako sa kinauupuan. Mas komportable naman kasi talaga sa sofa, nakakahiya naman kasing mag-de kwatro rito sa dining Hall.

Tumango ako. "Oo nga naman, Ate Lina- pahingi po ng tray-" tumayo na ako.

"Kami na pong bahala, Senyorita." Bulong sa akin ng isang maputi at petite na kasambahay. She smiled reassuringly kaya hindi na ako kumontra.

"Sige po, salamat.." nilingon ko sila Mama na tumayo na rin at inaya agad si Hilbert palabas ng hall para magtungo naman sa salas.

Again, sumunod na lang ako sa kanila ng tahimik. Tuloy pa rin ang usapan nila at wala talaga akong balak na makisali...

The Wedding Crasher (CEO Series #1)Where stories live. Discover now