Flashback 1.3

742 31 6
                                    

KINABUKASAN, fiesta sa lugar nila Kassandra. Madaling araw pa lang gising na ang babae upang i-check kung ayos na ba ang mga lulutuin nila para sa handa nila mamayang hapon. Pagbaba niya ng hagdan abala na ang kanyang 2 kasambahay sa paglilinis ng buong kabahayan.

          Pagpunta niya sa kanyang dirty kitchen ay nag-uumpisa na ang mga tagapagluto na maghiwa ng mga rekadong kakailanganin nila. May caterer man kinuha si Kassandra pero mas pinili niya na siya na mismo ang manguna sa pagluluto.

          Naging madali naman sa kanila ang pagsasaayos at pagluluto dahil lahat ng mga kasama niya ay may mga nakatoka.

          Sa labas ay nakaayos na ang ilang lamesa at mga upuan at doo'y nadatnan niya ang magpinsan na pawisan na.

          Napakunot ang noo ng guro ng lapitan niya ang isa sa mga kasamahan ng caterer. "Ang dali pala ninyong nai-set up ang lahat."

          "Opo ma'm, tumulong po kasi ang dalawang binata sa pag-aayos." sagot ng lalaking napagtanungan ni Kassandra.

          Paglingon niya ay wala na ang magpinsan marahil ay pumasok na ang mga iyon sa kanilang apartment.

          Kibit balikat na tumalikod na lamang ang babae at pumasok na sa loob.

          "Wala ng gagawin at bisita na lamang ang kulang." anas niya sa sarili habang pinagmamasdan niya ang kabuoan ng bahay.

          Pag-akyat niya sa hagdan nagulat siya ng makita niyang nasa tapat ng kanyang pinto si Raze na tila may hinihintay.

          "Raze." pukaw niya sa binata ng napatapat na siya dito.

          "Ma'm napakiusapan po kasi ako ni Ate Adel na dalhin po ito dito." tukoy niya sa ilang kurtina at comforter na tila galing pa sa laundry shop.

          "Ahm, okay." tipid niyang sagot dahil napatuon ang kanyang pansin sa tumutulong pawis nito sa kanyang leeg at sa mamula mula nitong mga pisngi at labi.

          "Mukhang napagod ka yata sa pagtulong mo sa ibaba." anito kay Raze habang pinipihit ni Kassandra ang seradura ng pinto.

          Wala namang imik na sumunod ang lalaki sa loob ng kwarto ni Kassandra.

          Nanindig ang balahibo ni Raze ng maramdaman ang lamig ng kwarto dahil sa aircon na nakabukas.

          "Take your shirt off, Raze. Here, use this towel to wipe your body." seryosong turan ng babae kay Raze.

          Walang imik naman na binaba ni Raze ang dala at dali-dali nitong hinubad ang basang t-shirt atsaka nagpunas ng katawan.

          Nang tanggalin na ni Kassandra ang laman ng plastic, tinanggal naman ni Raze ang bedsheet na nakasapin sa malaking kasama.

          "Thank you." pasalamat ng babae kay Raze.

          Inilatag na ni Kassandra ang bedsheet at paluhod na inilapat niya ng maayos ang sapin sa higaan.

          Pagtayo ni Kassandra saka lang nagsalita si Raze.

          "May nakaraan ba kayo ng pinsan ko?" diretsong tanong ni Raze kay Kassandra.

          "Why do you asked?" imbes na sagutin, sinagot niya rin ng tanong ang lalaki.

          "Gusto ko lang malaman para alam ko kung saan ako lulugar." sagot ni Raze.

          "Wala." tipid na sagot ni Kassandra sa lalaki.

          "So kapag ang pinsan ko naman ang magtatanong saiyo about sa akin, wala rin ang isasagot mo sa kanya? Sino ba talaga ako para saiyo?" may himig na hinanakit sa boses ng binata.

Raze Mondragon - Pervert SeriesWhere stories live. Discover now