Chapter 8

164 7 0
                                    

The Steps of Pain
Chapter 8

Nandito kaming tatlo ngayon sa function room kung saan tumutogtog ako ng piano, tambayan namin nila Chelsea at Arwhenn. Hindi ko maiwasan na maisip ang nangyare doon sa mcdo, hindi iyon mawala sa isip ko dahil bigla nalang bumungad si East.

Out of nowhere ay bubungad siya pero mabuti nalang ay bago pa siya makakain ay tapos na kaming kumain. He also close with Brooke at pakiramdam ko masyadong awkward iyon dahil hindi alam ni Brooke kung paano kami nag-kakilala ni East.

Pero bakit ba ako nag-aalala, hindi ko ba inaasahan na mag-kakasama ang dalawang gusto ko. Ang noon at ang ngayon ay nag-kasama,tsk! Ayokong ng maulit iyon at sana hindi ko na talaga makita si East.

Wala na nga akong balita doon tapos biglang bubungad, siguro nakuha niya na hindi ako kagaya ng ibang babae na nakukuha niya sa isang date. Baka nga playboy talaga ang lalaking 'yun mabilis mag-laho kapag hindi nakuha ang gusto.

And ano yung sinabi niya, na ang bilis ko daw makalimot tsk! Oo, talaga dahil ilang buwan siyang hindi nag-paramdam 'yan tuloy napunta na ako kay Brooke kaya wala na akong pakielam sa kanya.

Sa pag-tugtog ko ay biglang sumagi sa isipan ko ang pag-halik niya sa pisngi ko na dahilan para mariin kong mapikit ang mata ko at naging dahilan rin ng pag-kamali ko ng key.

"Ano ba 'yan girl! Bakit namali?" tanong naman sa akin ni Arhwenn na kunwaring nililinis ang tenga niya dahil sa maling key na napindot ko. Bwisit kasi si East e!

Suminghap naman ako at tinigil muna ang pag-papatugtog "Bakit ang lalim ng hininga mo?" ang tanong sa akin ni Chelsea habang kinakain ang siomai niya.

"Oo nga girl, pati yung piano nadamay sayo" singit naman ni Arwhenn ma dahilan para makamot ko ang ulo ko.

"E kasi nakita ko si East kahapon" ang sabi ko habang awkward na naka-ngiti sa kanila at nakita ko naman ang pag-kunot ng noo nila.

"Ano naman kung nakita mo yun?" tanong naman sa akin ni Arwhenn. Nakakabahala kasi lalo na't malapit pala sila ni Brooke, mukhang mahihirapan ako nito.

"Ewan ko ba, hindi ako mapakali"

Ngayon ko nalang siya nakita and it's irritating na parang close na close kami e' tatlong araw lang naman kaming nag-kita.

"E diba gusto mo siya noon" ang sabi naman ni Chelsea na dahilan para taasan ko siya ng kilay. Hindi nanan totally gusto, muntikan lang o kaya medyo nasa gitna.

"Dati lang 'yun, ngayon si.." sa huling sinabi ko ay muntikan na akong madulas at nakita ko ang pag-kunot ng noo nila. Nakagat ko naman ang labi ko dahil muntikan ko ng masabi na si Brooke ang gusto ko.

"Ewan ko ba, basta nung nakita ko siya sa mcdo e' hindi ko na maiwasang mainis nung nakita ko ang mukha niya"

Ngisian ba naman ako at balak ata akong ilaglag kay Brooke, naku! Kapag ginawa niya talag ulit 'yun ay baka mapingot ko yung tenga niya.

"Uy! Baka bumalik na yung nararamdaman mo" pang-aasar si akin si Chelsea na dahilan para tumaas ang kilay ko sa kanya.

For her information ay loyal ako kay Brooke, palibhasa kasi ay hindi nila alam na may gusto ako kay Brooke.

"Tss... date lang yung nangyare. Trip-trip lang yung nangyare" sana nga ay hindi nalang ako pumayag sa date na iyon dahil wala namang kami. Argh! Nakakapang-sisi tuloy dahil after nun ay hindi na siya nag-pakita sa akin.

"Hey girls.." unti-unti namang bumukas ang pinto at nakita ko si Brooke na may dala-dalang mga burger. Napalunok naman ako at inayos ng kaunti ang sarili ko.

AS 2: The Steps Of PainWhere stories live. Discover now