Chapter 18

116 6 0
                                    

The Steps of Pain
Chapter 18

"Putangina, bakit?!" dabog na sabi ni Chelsea at hindi maipinta ang mukha niya dahil sa talo sila Brooke, halos kasi mawalan na siya ng boses kakasigaw tapos ako naman ay para medyo nalungkot lang ng masyado dahil nga gusto ni Gio makamit ang pagiging champion sa last year of playing niya.

Ang kaso malakas talaga sila East, halos dikit rin naman ang laban. Minsan nag-kakainitan pero syempre sa laro lang naman iyon after naman ay nag-kakaroon sila ng respesto sa isa't-isa, nagulat rin ako kay East dahil sa sobrang galing niya kanina sa court.

"Ang galing rin ni East, siya pa ang MVP!" kinikilig na sabi ni Arwhenn na dahilan para mapa-ngisi ako, hindi ko pa nakakausap si East at hindi ko pa siya kayang harapin dahil sa hinalikan ko siya before the game.

"Parang mas kampi ka pa doon sa lalaking 'yun kaysa sa team natin ha!" masamang sabi ni Chelsea na dahilan para taasan ng kilay ni Arwhenn ito.

"Excuse me, nagalingan lang ako. Magaling rin naman sila Gio kaya nga nakakuha ng award diba" medyo naiinis na sabi ni Arwhenn, magaling rin naman sila Gio kaso natalo sila nila East. May nakuha rin namang award si Brooke at Gio at masaya rin naman sila.

"Asaan na ba kasi si Brooke?" ang sabi ni Chelsea at nag-palinga linga pa, hindi niya pa alam na nag-hahanda pa sila para makauwi na?

"Bukas mo nalang i-congratulate" sabi ni Arwhenn at tinignan ang relo niya dahil mukhang kailangan narin niyang umuwi, medyo mag-gagabi narin kasi atsaka baka hinahanap narin ako ni Tita Azon.

"Ngayon na, baka mamaya hindi 'yun pumasok bukas kasi pagod" naka-ngusong sabi ni Chelsea na dahilan para mapakamot nalang ako sa ulo ko.

"Ikaw, gusto mo bang sumabay sa akin?" tanong sa akin ni Arwhenn na dahilan para agad akong umiling bilang sagot, mag-papasundo nalang ako siguro sa driver ko.

"Hayaan mo siya Arwhenn baka ihahatid siya ni East sa bahay nila" singit naman ni Chelsea habang tumataas-baba pa ang kilay na dahilan para kumunot ang noo ko sa kanya, hindi niya ba talaga ako titigilan?

"Kanina ka pa banggit ng banggit kay East, gusto mo bang punuin ko ng puto de leche 'yang bibig mo?" naiinis na sabi ko kay Chelsea habang turo-turo pa ang makapal niyang bibig, nakakainis kasi eh! Panay siya East e' siya kayo itong ireto ko para manahimik na siya.

"Huh! Whatever" tinarayan ako nito na dahilan para naka-ngising tumingin sa akin si Arwhenn, pati ba naman siya ay iniisipan ako ng masama. Kung tutuusin ay close friend ba talaga si East? May close friend bang hinalikan sa pisngi para sa goodluck?

"Argh!" sabi ko at sinampal ang pisngi ko na dahilan para sabay na napa-tingin sa akin si Chelsea at Arwhenn.

"Anong meron sa'yo girl? Magaling na ba 'yang pisngi mo na dahilan para sampalin mo na?" tanong sa akin ni Arwhenn na dahilan para mas lalong pumula ang pisngi ko, bakit ko ba kasi hinalikan ang lalaking iyon? Pero at least sa cheek lang pero mali parin eh!

"Oh ayan na si Brooke!" sigaw ni Chelsea at dali-daling tumakbo kay Brooke para sabihan ito ng congratulations, I pouted when I saw Brooke smiling to Chelsea. Ang sarap balibagin pero ano bang magagawa ko? Yung crush ko may crush na iba.

"Ibang klase na talaga ang tama ni Chelsea kay Brooke, nag-kwekwento pa ba si Brooke sa'yo?" biglang tanong sa akin ni Arwhenn na dahilan para umiling ako bilang sagot.

"Parang noon kasi ikaw yung lagi niyang kasama, ang akala ko nga may gusto sa'yo pero kay Chelsea pala" he stated the reason why I felt a knife stabbed my chest, kung noon ay ako ay nilalapitan niya at kinakausap ngayon hindi na. Mas nakatuon na ang pansin niya kay Chelsea, so yung mga banat niya as a friendl lang pala iyon, tsk!

AS 2: The Steps Of PainWhere stories live. Discover now