PROLOUGE

63 28 19
                                    

-

Mula Elementary hanggang Highschool ay magkakumpitensya na kami niyan.

Sa Ranking sa school, Quizbees, Academics, Sports, pagsali sa mga Pageants at kung ano-ano pa.

Though, matalino, may mukha, may katawan at talagang may ibubuga siya PERO kahit ganon ay hindi man lang nabawasan ang pagkabwisit ko sa butiki na yon.

Alam mo ba kung bakit?

Dahil ang butiki na yon ay parang bagyo na nagkatawang tao.

Ang hangin hangin niya to the point na para kang tatangayin ng kahanginan niya once na mapalapit ka sa kanya.  Ang lakas sobra! Lahat niyayabang at niyayabangan niya na akala niya e' siya ang pinakagwapo at pinakamayaman dito sa Santa Luisa.

Jusko!

Makita ko palang ang buhok niyang kulay abo ay nag iinit na agad ang bunbunan ko. Kumukulo ang dugo ko, parang gustong manakit ng kamay ko at gustong manipa ng long legs ko!

Pero dahil maganda, edukada at mabait ako ay hindi ko ginagawa instead sa isip ko siya pinapatay.

Matagal na siyang nakalibing sa isip ko.

Mamamatay siya sa sobrang kayabangan niya.

Oo, gigil na gigil ako!

MCAB
#SOON

NEVER ENOUGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon