1

38 21 12
                                    


-

"Ma, papasok na ho ako."

"Osige, mag iingat ka ha" Saad ni mama saka hinalikan ang gilid ng ulo ko. Nginitian ko naman ito bilang sagot.

Lumabas na ako ng bahay saka nagumpisang maglakad. Hawak ko ang lunch box ko na, personalized pa ito dahil si mama mismo ang gumawa nito pero hindi siya mukhang lunch box dahil nasa loob ito ng paper bag habang sa kaliwa kong kamay ay hawak ko ang libro ko dahil hindi kasya sa maliit na bag pack ko.

Malapit lang ang eskwelahan namin kaya pinili ko na lang maglakad dahil sayang ang pamasahe saka exercise din ito gayong mag aalas syete pa lang naman ng umaga.

Ipinasok ko sa paper bag ang libro saka nilagay sa likod ang kamay ko habang masayang naglalakad.

Gustong gusto ko kasi ang naglalakad lalo na kapag ganitong oras at hindi mainit, masarap pa ang simoy ng hangin, malamig at presko pa.

Wala pang gaanong naglalakad dahil masyado pang maaga.

Sisipol sipol ako habang naglalakad dahil sabi ng matatanda ay ang pagsipol daw ang nakakatawag ng hangin.

"Good morning, girl with only 14 bangs"

Agad na napasimangot at umirap ang mata ko sa kawalan. Dapat talaga hindi ko ginawa ang pagsipol. Peste. Ibang hangin ang natawag ko.

Hindi ko ito pinansin saka nagtuloy lang sa paglalakad nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagsunod ng bisekleta niya.

Nakakailang irap na ako sa kawalan dahil sinusundan ako nito sa bawat hakbang ko. Ano bang problema ng butiki na to? At gustong gusto akong pagtripan, aba, namumuro na siya ha!

Mas binilisan ko ang lakad ko pero nasundan niya ako agad dahil nabike ito. If I know pinagyayabang niya lang ang bagong bike niya na may seater sa likod. What a mayabang.

"1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 na hibla ng  bangs!" Pagkanta nito saka tatawa nang malakas.

Bangs ko ba ang tinutukoy niya? Siraulo ba siya? Paano naman niya nalaman na 14 lang to? Siraulo talaga siya!

Umiling iling na lang ako dahil hindi siya tumitigil sa pag kanta or should I say pang iinis.

Sira na ang umaga ko dahil sa butiking ito. Next time magpapabili ako kay Mama ng pamatay butiki ng hindi na siya makalapit sa akin. May dispray ata non e, nakohumanda siya sa akin.

Dahil nga malapit lang ang school namin ay madali akong nakarating pero parang ang tagal dahil may kasabay akong bike na parang tanga. Seriously, sinasabayan niya ang lakad ko para lang mang asar?

So useless dahil hindi naman ako naasar, minsan lang.

Bago ako pumasok ng gate ay hinarap ko ito saka eksahaderang inirapan ito, tumakbo na ako papunta sa classroom namin.

Oo namin! Nakakabwisit deba? Hindi ko talaga alam kung may balat ako sa pwet o may sumpa siya dahil mula ng tumungtong ako sa elementarya hanggang ngayon na highschool ako ay kaklase ko pa rin ang butiki na yan.

Oo ulit. Taon na ang binibilang ko kung gaano ako katagal kabwisit sa pg mumukha at kayabangan ng butiki na yan.

Umupo na ako sa assigned seat ko na nasa harap kahit ayaw ko, sa likod ang gusto ko, pero dahil doon ang pwesto ng butiki na yon kasama ang mga tropa niyang ipis ay hindi ko magawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NEVER ENOUGHWhere stories live. Discover now