02

26 5 0
                                    

Continuation.

Lumuhod sya sa harap ni Haea. Napatakip naman ng bibig ito at mas lumakas ang kanyang hikbi.

Bumuntong hininga ng malalim si Elizer at dahan-dahang binuksan ang box na may lamang singsing.

"Will you marry me, Haea? Will you be my safe place? My home that I will always come back with?"

Pero nagulat na lamang si Elizer ng sinampal sya ni Haea.

"At nagbalak ka pang pakasalan ako?! Ang kapal din naman ng mukha mo! Manloloko ka! Lumayas ka dito!"

Gulat na gulat ang reaksyon ni Elizer dahil sa sinabi ng kanyang kasintahan.

"Anong sinasabi mo? Di kita niloloko Haea."

Napailing-iling si Haea sakanya habang unti unti ng umaagos ang mga luha sa mata nito.

"Tama na Elizer! Alam ko na! Ilan taon na yung bata huh?! Isang taon? O baka siyam na taon? HAHAHA tangina naman Elizer."

Agad na kinuha ni Elizer ang kanyang cellphone. At ang mensahe sa lockscreen ang gumulat sakanya at katulad ng kasintahan ay nabitawan nya rin ito.

Asanthi
Elizer miss ka na ng anak mo.
Punta ka dito bukas ah.
Alam mo naman ang favorite nya, diba?
Yun ang bilhin mo ah para di magtampo.
I love you. Ingat ka.

"Mahal p-patawarin mo ko."

Unti-unti na ding tumulo ang luha sa mata ni Elizer. Muntik na din itong mapaluhod sa sahig dahil sa nanghihina nitong tuhod.

"Umalis ka na Elizer. Umalis ka na!"

Tumayo si Elizer at pinilit na niyakap si Haea. Ngunit pumipiglas lamang ito.

Dinig na dinig na din sa buong bahay ni Haea ang hagulgol nilang dalawa ni Elizer. Damang-dama din ang sakit na kinikimkim sa dalawa.

"Elizer ano ba! Tama na! Ayoko na sayo!"

Inipon ni Haea ang kanyang lakas para bumitaw sa yakap ni Elizer. At nagawa nya ito kaya miski ang box ng singsing ay nabitawan ni Elizer at ang singsing ay tumilapon sa kung saan.

"Babalik ako bukas mahal. Pakinggan mo ko ah. May dahilan ako, mahal. May dahilan ako. H-hindi kita niloloko. M-mahal na mahal kita kaya nga papakasalan kita eh."

Pagka-alis ni Elizer ay agad sinara ni Haea ng malakas ang pintuan.

Pumunta ito ng kusina para sana uminom ng tubig ngunit nakita nito ang mga hinandang pagkain ni Elizer.

Nais ni Haea na magwala dahil sa kanyang nalaman kaya naman ay hinawi nya lahat sa mesa ang mga pagkain. May mga nabasag pang lalagyanan ng pagkain dahil sa ginawa nito.

Dahil dun ay umalis ito ng kusina. Dumiretso ito ng sala at nakita sa sahig ang box ng singsing na tumilapon kanina.

Kinuha ito ni Haea at dumiretso sakanyang kwarto. Sinigaw ni Haea lahat ng kanyang hinanakit.

"Tangina Elizer! Mahal kita eh! Mahal na mahal kita! Kung sana sinabi mo sakin ng maayos di naman ako magagalit. Tatanggapin ko yung bata."

Binato ulit ni Haea ang box sa pader.

"T-tanggapin ko yung bata. Tatanggapin ko. Kasi mahal kita eh. Mahal na mahal. Pero bakit kelangang ilihim mo?! Bakit?!"

Patuloy lang sa paghagulhol si Haea.

Ilang sandali ay inabot nya ang kanyang cellphone. Nakita nya ang lockscreen nya. Ang picture nilang dalawa ni Elizer sa Paris.

*flashback*

"Mahal sa harap ng Eiffel Tower na 'to nangangako ako na ikaw na panghabang-buhay."

Napatawa sya kay Elizer kung kaya't hinampas nya ito sa braso.

Tumawa man si Haea ay sa loob loob nya ay kilig na kilig sya.

"Ang weak mo naman! Ako, nangangako ako na hanggang sa susunod kong mga buhay ikaw lang ang mamahalin ko."

Ngumiti naman sakanya si Elizer at niyakap sya.
Sunod ay nagkatinginan sila sa mata at di nila namalayang saksi ang Eiffel Tower sa halikan nilang punong-puno ng pagmamahal.

*end of flashback*

Nang maalala ito ni Haea ay agad syang lumabas ng kwarto at hinanap ang singsing sa sala.

"Nangako ako. Papakasalan ko sya. Tama, okay lang kahit na may anak na siya. Okay lang. Ang mahalaga mahal ko siya."

Mahigit kalahating minuto nya bago nahanap ang singsing.

Agad nyang binalikan ang kanyang cellphone sa kwarto. 11:11pm na kaya sigurado siyang nasa bahay na si Elizer.

Nakita nyang tumatawag si Elizer kaya agad nya itong sinagot.

"Hello mahal! Sorry! Okay na ko! Okay na tayo! K-kita tayo bukas. Mahal na mahal kita. I'm really sorry."

"Ma'am-?"

Nagtataka si Haea dahil babae ang sumagot sa cellphone ni Elizer. Pinilig nya ang ulo nya baka yung ina ng anak ni Elizer ito.

"Hello? Asan si Elizer?"

"Ma'am on the way po kami ng hospital. Na-aksidente po ang may-ari ng cellphone na 'to. Sumunod na lang po kayo sa pinakamalapit na hospital dito sa lugar."

Agad nabitawan ni Haea ang singsing na kanyang hawak.

Nang mag-sink in sa kaniya ang nangyari ay agad nyang kinuha ang bag nya at ang cellphone para puntahan si Elizer sa hospital.

"Asan yung naaksidenteng motor?"

"Nasa emergency room po."

Agad na dumiretso si Haea sa Emergency Room.

Pagkadating nya ay agad syang dinaluhan ng isang doktor.

"Kayo po ba yung nakausap namin sa telepono?"

Tumango naman si Haea. Tila wala sa sarili dahil sa nangyari kay Elizer.

"Inooperahan na po siya ma'am. Kritikal po pero let's hope for the best po."

Tumango naman si Haea.

Makalipas ang isang oras ay di pa rin tapos ang operasyon ni Elizer. Kaya napagpasyahan nito munang pumunta ng chapel.

Pagdating nya ng chapel ay muling bumuhos ang luha sa mga mata ni Haea.

Agad siyang lumuhod sa isa sa mga upuan sa may chapel.

"Lord, parang awa niyo na po. Nangako po ako kay Elizer na mamahalin ko siya hanggang sa kabilang buhay ko po. Pero, wag naman pong ganito Lord. Hayaan nyo po akong mahalin pa siya sa buhay na 'to."

Nakaluhod pa ring umiiyak si Haea na mag-isa sa chapel ng simbahan.

A Promise of a Lifetime | OneshotWhere stories live. Discover now