[30] THEIR JOURNEY AND THE MYSTERIOUS LUMINIOUS ISLAND

258 43 5
                                    


Chapter Thirty:


"You will assist them in training. Is that alright with you?" Inayos ni Morgan ang mga gamit ni Zoien sa loob ng sasakyan.

"Yes. I'm willing to train them 'hard'. I won't let this mission fail," giit ng dalaga.
Seryoso siya sa mga binitiwang salita habang nakasandal sa tabing bahagi ng Van. Pinagmamasdan ang ginagawa ng kaniyang Uncle.

Naisipan nila na magsama-sama sa iisang sasakyan tutal sa iisang lugar ang kanilang destinasyon. Isa pa, magkakaroon sila ng pagkakataon na mag-usap tungkol sa gagawin na misyon habang nasa byahe.

Pagkasara ng pinto ng likurang bahagi ng sasakyan. Pinagmasdan ni Morgan ang bahay ni Felt.

"Did you told her?" kuryus niyang tanong bago hinarap ang pamangkin.

Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na pinili ni Zoien na manatili sa bahay ni Feltesia.

"Yes. I told her the 'alibi'. She doesn't need to know about our 'job'. Uncle Troy, also wanted that Feltesia should stay living 'normal' as much as possible." Umalis na sa pagkakasandal si Zoien. "Ayaw kong may madamay na inosente sa gawain natin, Uncle. At si Felt, she doesn't need to learn about 'us'." Napatango si Morgan.

Masyadong delikado ang kanilang trabaho.

"I know what you meant, Iha. Our priority is the safety of the people we love. Oh well, let's go inside. We need to go. Dadaanan pa natin ang team Xtherion sa may crossing."

Naunang pumasok sa driver seat si Morgan. Sumunod si Zoien sa unahan siya naupo katabi si Morgan.

"This will be a long 'journey'." Morgan chimed in before he drove off.

Sa huling pagkakataon, sinilip ni Zoien ang bahay ni Felt.

'A long journey aye? I hope things would go as they planned.' Aniya sa isipan bago itinuon ang atensyon sa harapan.

"By the way Zoien, before I forgot again. Thank you for ending the last case. Andrei told me you help a lot to solve the case. That means a lot to me. Most specially to the family of my 'dead comrades'. Hindi nauwi sa wala ang kanilang pagkawala." Sandaling tumigil si Morgan sa pagsasalita. "Nasa kamay natin ang ilan nilang kargamento. Kahit papano, kahit maliit lang iyon. Umuusad tayo patungo sa 'kanila'."

Sumandal sa kinauupuan si Zoien. Ipinilig ang ulo patungo sa kanang bahagi, pasandal sa bubog na bintana upang pagmasdan ang labas. Madilim man nagsisilbing liwanag nila ang ilang mga street light, idagdag na rin ang maliwanag na buwan. Bilog na bilog ito sa kalangitan.

"Likewise. I won't solve the case on hand if it were'nt for the 'spy cam' you gave to Uncle Andrei." Sumeryoso ang tinig ng dalaga. "Tell me, Uncle Morgan. Are the council hunting the 'Rulers', already?"

"That most likely, Iha. Sila ang may pinakamalaking maitutulong sa pagkatunton sa kinaroroonan ng kanilang 'Big Boss'. We need them badly...'alive'. Kung mayroon man."

"Will 'that' stop everything?"

Sandaling nag-isip si Morgan. "I hope so. I always pray to the God that all the madness around the world to be stop. But we knew better. Hope is not enough to stop them from existing. It nature. But you know...I like 'HOPE' because what important is the thought that counts. Na may pag-asa pa. Na maari pang matapos ang lahat ng kaguluhang nagaganap. You also believe right?"

Zoien nodded. "I always believe."

Ngumiti si Morgan. "Then don't stop believing... eventually it will happen. Hold on to it. Don't let go, 'cause that belief will keep you going."

PROJECT CHROME 1: Concealed Identity (COMPLETED)Where stories live. Discover now