Chapter 75: Lunge and Riposte

460 31 3
                                    

•Coastbourne Island
Baylight Castle

May kasamang pagiingat ang bawat pagiwas at counter attack ang ginagawa ni Megan. Dahil sa dalawang higanteng elepante na nakasakay sa bola, naging limitado ang pwede niyang paggalawan sa buong battlefield.

"Oppsie... Muntikan na."

Sumide-step ang dalaga ng bahagya niyang matundos ng lance ang malaking pwet ng elepante. Napakasensitibo ng mga ito. Kaunting sagi lamang sa kanila, ay mistulang mahuhulog na ito sa kanilang bola.

"Hoo hoo haa haa!"

"Grrr... Grrr!"

Tatlo na lamang ang natitira sa mga unggoy na humahabol kay Megan. Samantalang dalawa na lamang ang nga tigre. Nang makadistansya siya ng ilang metro, itinutok niya ang kanyang lance sa humahabol sa kanya at nagpakawala ng sunod-sunod na basic attack.

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Riposte (Passive)
-when successfully hit 5 consecutive basic attacks, deals extra damage equals to 10 basic attacks. This skill has 40% spell vamp.

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Dahil sa taglay na bilis at likot ng mga unggoy, isa lamang ang napatay ni Megan sa mga ito gamit ang kanyang passive skill. Sa mga tigre naman ay wala itong naging epekto. Sa halip ay tumagos lamang ang kaniyang mga atake sa katawan ng mga ito.

Paipis-ipis na umaatake si Jinho sa pamamagitan ng pagbato sa kanyang mga baraha. Nagtatago siya sa likod ng mga elepante na blind spot sa line of sight ni Megan. Sa tuwing makikita kasi siya ng dalaga, lagi itong gumagamit ng Switch. Ngunit kinocounter naman ito ni Jinho gamit ang kanyang substitution skill na Escape Bunny.

"Tsk!"

Napasinghal na lamang si Megan nang tumalbog sa pader ang baraha ni Jinho. Tinamaan siya sa likuran ng kanyang tuhod dahilan upang bahagya siyang mapaluhod.

"Hoo hoo haa haa!"

"Grrr! Grrr!"

Sinamantala na ito ng dalawang unggoy na natitira sa battlefield. Pareho nilang hinubad ang pares ng sandals ni Megan pagkatapos ay isinuot nila ito sa kanilang tigisang paa.

"Hoo! Haa! Hoo! Hoo!"

Sunod na tumalon ang dalawang tigre sa kanyang katawan. Sabay siyang dinilaan ng mga ito habang nakadagaan sa balingkinitan nitong katawan.

"Slurpp slurpp... "

"Shit!"

Patuloy na bumababa ang HP ni Megan dahil sa free hit na ginagawa ni Jinho. Hindi lahat ng baraha ay tumatama. Pero dahil sa bounce effect, nadadaplisan siya ng mga baraha sa katawan.

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Dealer's Tricks (Passive)
-long range attacks using Trickster class' weapon can bounce on obstacles.

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Nagpalakpakan ang mga unggoy dahil sa tuwa. Sa matagal nilang paghahabulan, sa wakas nakahablot na sila ng makintab na bagay. Tangka sana nilang aagawing sunod ang lance ni Megan ngunit mabilis niyang tinusok ang mga ito sa dibdib. Kaagad na nagbasag ang dalawang unggoy na parang bubog.

Exyvius Fantasy Online Vol. 4: King Of Seas #RPGCertifiedWhere stories live. Discover now