Chapter 3: Enchantress

6.9K 245 24
                                    

Rae




It was late at night but I couldn't sleep. I tried to sleep several times but I still couldn't, and it really annoyed me. Kung saan ngayon ko kailangan ng pahinga at maagang pagtulog dahil bukas mayroon akong concert sa Cebu, ngayon naman ako inaatake ng ganito.




Napailing ako at tuluyang bumangon mula sa pagkakahinga. I also don't want to take sleeping pills, that's addictive. Also, I don't want to get used to the pills, even though my doctor recommends it to me several times.



Kinuha ko ang aking gitara, nagsuot ng sweater at pati na rin ng cap. Lumabas ako ng penthouse, sa rooftop na lamang muna siguro ako ng building. Tiyak na doon, makakalanghap ako ng sariwang hangin.



Pagdating doon, puwesto ako sa medyo sulok na parte ng rooftop. Sakto lang upang makita ko ang mangilan-ngilan na building  na matatanaw mula malayo.




After a while, I started playing my guitar. I even smiled the moment Taylor Swift's song, enchanted, came to my mind.



'There I was again tonight forcing laughter, faking smiles
Same old tired, lonely place'



Nagsimula ako sa pagkanta at ipinikit ang aking mga mata. Kasabay ng bawat paghampas ng malamig na simoy ng hangin sa aking mga balat, especially sa aking mukha.



'Walls of insincerity
Shifting eyes and vacancy vanished when I saw your face
All I can say is it was enchanting to meet you'



Ngunit bigla akong natigilan sa pagkanta nang marinig na mayroong ibang tao mula sa aking likuran. Thank God dahil nakasuot ako ng cap kahit papaano. Hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng konting kaba, paano kung isa ito sa mga paparazzi, o hindi kaya, stalker? Oh Gosh! Huwag naman sana.



Napapalakpak ito ng tatlong beses.




"You have a nice voice!" Komento nito. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil medyo madilim sa parte kung saan kami naroroon.





Napalunok ako, siguro dahil sa kung paano siya manalita. Ang sexy lang at...ang classy. Dahil doon ay tila parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib at literal na nakahinga ng maluwag. Lalo at isa pala itong babae.



Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumapit ng ilang hakbang sa kanya. "Who are you? And what are you doing up here? You shouldn't be here." Tanong ko sa kanya.



"And why are you here, too? It's a rooftop Ms. So I guess, anyone is allowed to come here as long as there is no 'No entry' sign on the door." Sarcastic na sagot naman nito sa akin. Napa ngiti ako sa aking sarili.



May point naman siya. Sabi ko sa aking sarili. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa niya. Bigla ba naman akong bugahan ng usok mula sa yosi na hinihithit niya?! Walang nagawa na napa ubo na lamang ako habang nakahawak sa aking dibdib.





Mabilis na tumalikod ito mula sa akin at humakbang ng dalawang beses papunta sa may gilid ng rooftop, kung saang parte ang maliwanag at kung saan kitang-kita ko na siya.



Inis na napatingin ako sa kanya, mula sa kanyang maumbok na pwet, mahabang mga binti, na sa tingin ko ay nasa 5'6 height siya, sa malawak niyang balakang at maliit na beywang, hindi ko makita ang hinaharap niya dahil nakatalikod siya mula sa akin, but swear! She's so sexy! Halos kulang nalang nga eh malunod ako sa ganda ng katawan niya. Mabuti nalang dahil naka cap ako, hindi niya masyadong mapapansin kung saang parte ng katawan niya ako nakatingin.





HBS 4: The Famous and The Bad Girl (GirlxGirl) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora