16 || The Story Behind

91 14 3
                                    

ZEIKA


WALANG imik na nakaupo lamang ako sa gilid ng kama ni Ate Zarina habang ang family doctor na ipinatawag ni Mama ay tinitignan ang kalagayan ni Ate. Si Mama nama'y lumabas sandali para asikasuhin ang mga kakailanganin ni Papa kung anuman iyon. Si Ate Lilia nama'y nakatayo sa tabi ko at hawak ang aking isa pang kamay.

Makaraan ang ilang sandali ay pumasok si Mama at binasag ang nakabibinging katahimikan. "Kumusta si Zarina, Doc?" tanong niya.

Tumayo nang matuwid si Dr. Cuanco at bumuntong-hininga bago ako tinignan. "I'm sorry, hija, but I need to talk to your mother alone."

Magpo-protesta pa sana ako nang hilahin ako nang marahan ni Ate Lilia. Tumingala ako sa kaniya. Ngumiti lamang siya at tumango, tanda ng pag-aanyaya na lumabas kaming dalawa. Yumuko lamang ako at nagpatianod kay Ate Lilia.

Dinala niya ako sa music room, kung saan naroon pa rin ang set nina Kuya Warren dahil dito sana kami magpa-practice ngayong darating na Sabado.
"Maupo ka muna, Zeika," ani Ate Lilia. Nang makaupo ako'y lumabas siya saglit at pagbalik niya ay may dala na siya isang basong tubig.

Ngumiti ako sa kaniya nang bahagya nang iabot niya iyon sa akin. Tahimik lamang kaming dalawa habang iniinom ko ang tubig. Sinulyapan ko si Ate Lilia at nakita kong nakayuko siya habang nakasandal sa sofa at saka nakapikit ang mga mata.

"Ate..."

Ibinuka ni Ate Lilia ang kaniyang mga mata at nilingon ako nang may ngiti sa mga labi.

"Masama po ba akong tao?"

"Bakit mo naman nasabi iyan?" pabalik na tanong niya sa akin.

Umiling ako at muling tinitigan ang baso na aking hawak. "Matagal ko nang alam na may bisyo si Ate Zara pero hindi ako humanap ng paraan para mabago siya. Tapos sinagot ko pa si Papa kanina. Nasaktan ko si Mama sa sinabi ko."

"Hmm..." tila nag-iisip na sambit ni Ate Lilia. "Unang-una, sa pagbabago ng isang tao hindi mo iyon kayang gawin. Diyos lang ang makakapagpabago ng isang buhay. Ang Panginoon lang ang may kayang pabaguhin si Ma'am Zarina. Ang paghahanap ng paraan na hindi naaayon sa paraan ng Diyos ay magdudulot lang ng kapahamakan both sa inyong dalawa."

Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata.

"The same thing with your parents," pagtatapos ni Ate Lilia. "Gusto mo bang magbago ang paningin nila sa kapatid mo or magbago ang pakikitungo nila sa isa't isa?"

Nanatili akong tahimik. Gusto ko bang mabago ang paningin nila kay Ate Zara? Yes. Ate Zara wasn't that bad. At alam ko iyon dahil nakikita ko siya araw-araw since tumira ako sa bahay na ito kasama siya. Yes, Ate Zara was bitter over her mother's death but she didn't do anything harmful to me, just pushing me away.

"Gusto ko lang pong malaman nila ang pagkakamaling nagawa naming lahat kina Tita at Ate Zarina," sagot ko sa mahinang tinig.

Panandaliang nanahimik si Ate Lilia. "Every ways of man is right in his own eyes, but the Lord ponders the hearts. Because there is a way which seems right unto a man, but the end thereof are the ways of death. Sinabi rin ng Lord, My thoughts are not your thoughts and My ways are not your ways. Kaya kailangan alam natin kung ano ba ang nasa puso natin noong ginawa natin ang bagay na alam natin ay tama. Dahil baka akala natin ay tama ang ginawa natin pero hindi pala iyon nakalulugod sa Diyos."

Huminga ako nang malalim at tumingala sa kisame.

"Zei," tawag sa akin ni Ate Lilia kaya nilingon ko siya. Nakangiti siya sa akin at itinuro ang point finger sa taas. "Kausapin mo Siya. Ilabas mo ang lahat sa Kaniya."

A Life With The Great "I AM" (ALGIA Series, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon