26 || It Begins With Curiosity

87 7 1
                                    

ZARINA

MAAGA pang umalis sina Charlemagne at Janine papuntang ospital kung saan siya ite-test habang sina Jonathan at Nico nama'y nagpunta ng merkado para mamili ng mga lulutuin namin para mamaya. Naiwan ako sa bahay nila kasama sina Aling Gemma at Pastor Chris para ihanda ang mga gagamiting pangluto.

Hindi ko napansin ang pagdaan ng umaga. Busy ako sa paglilinis ng kaldero na siyang binigay na task sa akin ni Aling Gemma. Gosh! Bakit ba kasi umiitim nang ganito ang mga kaldero? Hindi naman ganito kaitim ang mga kaldero sa bahay sa siyudad.

"Huy!"

Napaigtad ako kasabay ng pagmumura. Muntik ko nang mabitawan ang kalderong hawak ko at ang pangkiskis. Matalim ang tinging nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses.

Sinalubong ako ng matalim na tingin ni Nico saka siya nagpakawala ng buntong-hininga. Narinig ko ang boses ni Aling Gemma sa labas ng kusina na may kausap, probably Jonathan.

"Hindi ka dapat nagmumura."

Tumaas ang kilay ko at ibinaba ang kaldero sa sahig bago ko siya hinarap nang tuluyan. "And why not?"

"Kasi hindi iyon nakalulugod sa Diyos."

Kusang umikot ang mga mata ko. Here we go again.

"Is this another bawal from your God?" tanong ko at umiling. "It's an expression. You don't have to make a big deal out of it."

Bumuka ang bibig ni Nico para sumagot pero muli niyang itong isinara at umiling. "Anyway, ako na riyan," aniya habang sinesenyasan akong umalis sa kinauupuan ko. "Parang may balak ka kasing butasin ang kaldero ni Ate Maine sa sobrang pagkikiskis."

"How dare you?" ani ko bago ibinigay sa kaniya ang mga hawak ko at tumayo sa maliit na bangko.

I stretched my arms upward and groaned. Ilang kaldero ba ang kailangan ni Aling Gemma para makapagluto lang ng kakainin namin habang nasa dagat?

Nakatalungko na pinagmasdan ko si Nico habang nililinisan niya ang kaldero. His hand movement was gentle but the way the black marks were rinsed off from the rear of the cauldron showed his familiarity with such chore. Bahagyang nakasalubong ang kaniyang mga kilay at nakatagilid ang ulo.

Kung pagmamasdan si Nico, hindi mapaghahalataang galing siya sa isang pamumuhay na ganito. Moreno siya pero hindi madungis tignan. Sa katunayan pa'y mas malinis pa siyang tignan kaysa sa akin. Mahahaba ang kaniyang pilik-mata, at manipis ang mga labi. Hindi ganoon katangos ang ilong pero hindi rin naman pangit tignan sa kaniya. Mas nagmumukha pa siyang babae kaysa sa normal na babae. For a man, the shape of his jaws was softer and the shape of his face was a little small but it didn't lessen his manliness.

"Alam kong nagu-guwapuhan ka sa akin pero huwag mo akong titigan masiyado."

Kumukurap na ibinalik ko ang paningin sa mga mata ni Nico. Huminto na pala siya sa pagkikiskis at nakatingin sa akin nang nakangisi.

"Matutunaw ako niyan."

Sumimangot ako't mabilis na pinahid ang daliri sa pwet ng kaldero. Hindi ako nag-aksaya ng panahong ipahid ang maitim na bagay sa pisngi ni Nico bago tumayo at nagmadaling umalis sa harapan niya.

"Woi, Zara! Humanda ka 'pag nakaganti ako sa'yo!" pahabol na sigaw niya sa akin.

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng kusina at sa likod ng bahay kung nasaan naroon si Aling Gemma.

There was nothing to be happy about in his threat but I couldn't erase the smile off my face.

~O~O~O~

A Life With The Great "I AM" (ALGIA Series, Book 1)Where stories live. Discover now