Simula

2.1K 48 0
                                    

Simula

"Let's go, Annie. Ipasyal natin si Arki sa mall." Abala ako sa paghuhugas ng pinggan ng banggitin ito ni Debi, bestfriend ko.

Naramdaman ko pa ang paglapit niya sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang lingunin siya.

"Next time, Debi. I don't feel like going. Saka busy ako sa gawain dito sa bahay." Sumimangot siya. Gusto pa sanang magsalita kaso pinili na lang tumahimik. Nakaramdam tuloy ako ng panlulumo.

I heave a deep sighed before saying... "Fine. Liligo lang ako." Lumawak ang ngiti niya. Tumakbo papunta sa kwarto ni Arki. Umiling-iling ako na may kasamang ngiti. Debi is always Debi.

"This is our first time to go here, Ninang. Thanks to you." Malawak ang ngiti ni Arki habang naglalakad kami dito sa Mall. Inakbayan pa siya ni Debi kaya mas lalong lumawak ang ngiti nito. Gumaan tuloy ang pakiramdam ko.

"Malakas kasi ako sa Mommy mo, Inaanak. Kaya kapag may gusto kang puntahan o gawin, sabihan mo lang ako tapos akong bahala kay Annie." Sinimangutan ko silang dalawa. Kung may gusto mang puntahan si Arki, oo agad ang sagot ko. Hindi na kailangan pa na sabihin kay Debi para payagan ko lang siya.

"Really, Ninang? Aasahan ko yan." Ngising aso na sabi ng anak ko.

Kung anu-anong games ang nilaro ni Arki sa World of Fun. Hindi maalis ang malawak niyang ngiti habang naglalaro. Kasama niya si Debi habang naglalaro ng basketball. Tanging sulyap lang ang ginagawa ko sa kanilang dalawa.

Nung nalaman ko na buntis ako, hindi na ako nagdalawang-isip na buhayin siya. Tanggap naman siya nina Mommy at Daddy bago sila mawala sa akin. Sila pa nga ang nagsabi sa akin na hindi kasalanan ang magkaroon ng anak. Having a child is a blessing. At tama naman sila. Because Arki is more than a blessing to me.

"Mommy, Let's play. I want that!" Aniya na may kasama pang pagtalon sa harap ko. Gusto niya ang toy gun na nasa Toy Catcher. Bumuntong-hininga ako bago tumango.

"Hindi mangangako si Mommy na makukuha ko 'yan, Arki, okay? Mommy is sucked to that game." Malakas na tumawa ang anak ko. Namula tuloy ako sa pagkapahiya. Narinig ko rin ang tawa ni Debi na nasa tabi ko na pala.

"It's okay, Mommy. Kapag hindi mo nakuha, it's fine with me. Atleast you'll try, right?" Mabilis akong tumango. Ngumiti naman siya ng malawak.

That's smile, he reminded of someone I know. Mabilis akong umiling. Focus, Annie.

Nagconcenrate ako sa pagkuha sa gustong laruan ni Arki. Kapag malapit na ito sa bibig ng catcher, bigla na lang itong nalalaglag. Frustrated na frustrated na ako sa larong ito. Hindi talaga ako magaling sa pagkuha ng laruan.

"Malapit na, Mommy. Ayan na—- Yes!" Sabay pa kaming napatalon ni Arki ng tuluyang nahulog sa bibig ng catcher ang toy gun. Mabilis niyang kinuha yon sabay niyakap ng mahigpit.

"I did it, Debi! Ang galing ko!" Tuwang-tuwa ako. Nagtatawa lang naman si Debi sa may tabi habang nakaharap sa aming mag-ina.

"I know, you can do that, Annie. And being a bestfriend, I'm proud." Ngisi niya. Inakbayan ko naman siya. Sabay kaming tumingin kay Arki. Nakangiti pa rin siya ng malawak habang yakap-yakap ang toy gun na nakuha ko.

"This is my favorite, Mommy." Aniya sabay yakap sa akin.

Sa pagngiti ko sa kanya, ang  biglaan kong pag-atras.

Nagulat si Arki sa ginawa ko. Tumingala pa siya sa akin para makita ang gulat na gulat kong itsura. Don't say that—-

"Mommy, what's wrong?" —- Mommy... napapikit ako. Grabeng bilis nang tibok ng puso ko habang nakatingin sa lalaking madilim ang tingin sa akin.


"I-It's nothing, baby. A-Are you hungry?" I stuttered. Napansin yun ni Arki. Mabilis na dumalo si Debi ng napansin din ang lalaki sa harapan namin.

"Arki, let's go. Hanap tayo ng kakainan?" Pagliliko ni Debi ng usapan. Mabilis na tumango ang anak ko. Hindi na nalingon pa ang lalaking nasa harapan naming dalawa.

Nang tuluyan na silang nakalayo, ang siyang maglapit niya sa akin.

Wearing a longsleeve dress shirt, black slack, and black shoes, everytime he's walking, everyone was giving him a stares.

Bumalik na naman ang kaba ko. Hindi ko alam kung susundan ko na ba agad sina Debi para makalayo sa lalaking 'to. Napaatras ako ng malapit na siya sa akin. Mas lalong dumilim ang tingin niya. Mas kinabahan ako.

Ilang taon na nga ba nung huli ko siyang nakita? Mas lalo yata siyang tumangkad. Mas lalong nadepina ang dating magandang katawan. The intimidating man before is now a dangerous man. Umiigting ang panga niya habang papalapit sa akin. Ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kanyang slack. Bawat hakbang na ginagawa niya, ang pag-atras na ginagawa ko.

"One step back, Annabella, you will regret what I'm going to do." Nanlamig ako sa boses niya. Ang malalim niyang boses noon, mas lalong lumalim ngayon. Nahinto ako sa pag-atras. Kinuyom ang dalawang kamao para pigilan ang nararamdamang kaba.

Bakit dinadaan-daanan lang kami ng mga tao? Akala ba nila, extra sila sa pelikulang ginagawa ng lalaking ito? Na hindi sila pwedeng mangialam sa gagawin ng lalaking nasa harapan ko? Gusto ko nang tumakbo. Hindi pa man siya nagsasalita, alam ko na agad ang sasabihin niya.

Ngumisi siya. Mas lalong umigting ang panga. Hinawi ang clean cut na buhok saka humarap ulit sa akin.

"Now, let's talk about my business—-" I cut him off. Tumaas ang kilay niya sa pagpigil ko sa kanyang pagsasalita.

"I don't have a business with you. And I don't know you—-" halos mapatili ako ng hapitin niya palapit sa kanya. Bumangga pa ako sa matigas niyang dibdib. Napasinghap ako. Mabilis na bumaling sa kabilang gilid dahil naaamoy ko ang panlalaki niyang pabango.

Nagpupumiglas ako. Tinutulak ko siya para makawala sa kanya pero mas lalo lang niyang hinihigpitan ang hawak sa akin.


"Kapag hindi mo ako binitawan, mageeskandalo ako dito. Huwag mo akong subukan!" Pagbabanta ko. Narinig ko ang walang humor niyang tawa. Tiningnan ako ng madilim na tingin.


"Akala mo ba matatakot ako sa pagbabanta mo? You don't know me well, Annabella. It is because after I said to you the magical three words, bigla ka na lang nawala na parang bula? That's it, right?" Ramdam ko ang sarkastiko sa boses niya. Nagtiim bagang ako. Hindi pinansin ang sinabi niya.

"Let me go. My son and probably my husband is waiting for me." Naramdaman ko ang pagkaistatwa niya ng ilang sandali. Hindi niya yata naramdaman na may kaya akong gawin na makakapagistatwa sa kayabangan niya.

Nang makabawi sa pagkakahinto, narinig ko ang malakas niyang pagtawa.

"Hanggang ngayon, ganyan ka pa rin, Annabella. Pinipili mo pa ring makalayo. Go on. Go to your so called husband. Live a life and fuck as you want. But before I let you go..." he leaned closer to me. Nagtayuan ang balahibo ko ng maramdaman ko ang hininga niya na tumatama sa tainga at leeg ko.


"Let's see in court... because... your son... is... my son. Good luck." Nag-iwan siya ng nakakahingalong halik sa leeg ko. Nangilabot ako. Pero mas lalo akong nangilabot sa huling sinabi niya.

Claimed by a Bachelor [Completed] [Watty's 2020]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon