Kabanata 14

697 22 0
                                    

Kabanata 14

Accident

Lumipas ang limang buwan magmula nang malaman kong buntis ako. My tummy is now big. Nararamdaman ko na rin ang paggalaw ni baby sa tiyan ko.

Nakatanaw ako sa malawak na karagatan. Humahampas ang alon sa malayang dalampasigan. Mga ibong nagliliparan sa himpapawid. Mga punong sumasayaw. Ang aking mahabang buhok ay sumasabay sa pang-hapong hangin.

Pagkatapos kong sabihin kina Mommy na buntis ako, napagdesisyunan namin na pumunta muna akong probinsya. Gusto kong lumayo sa lugar na iyon dahil pabalik-balik si Archangel para tanungin kung kumusta na ako. Ayokong magpakita sa kanya. Ayokong malaman niya na buntis ako. Sa oras kasi na malaman niya, siguradong makikipaghiwalay siya kay Vanessa. At yun ang kahuli-hulihang desisyon na naiisip ko.

Kasama ko si Debi sa probinsya ng Quezon. Sa kamag-anak ni Daddy na may-ari ng isang Apartment kami tumuloy. Buong-puso naman nila kaming tinanggap na mas pinagpasalamat ko.

"Hapon na, Annie. Hindi ka pwedeng maabutan ng gabi. Baka magkasipon ka." Ngumiti ako kay Debi. Kahit kailan, hindi niya ako iniwan.

"Mauna ka na sa Apartment, Debi. Maya-maya ako. Napakasariwa talaga ng hangin dito. Nakakapagrelax ako." Hindi siya nakinig sa akin. Lumapit pa siya para makaupo sa upuang kahoy na inuupuan ko.

"Excited na akong makita si baby, Annie. Ninang talaga ako niyan. Wala pa man siya dito, marami na siyang regalo na galing sa akin." Hinampas ko siya at sabay kaming tumawa.

Nang dahil sumama siya sa akin dito, ang pagiging pulis niya ay tinalikuran niya para sa akin. Hindi naman daw mawawala ang lisensya niya bilang pulis dahil lang sa ganito. Limang buwan na rin siyang kasama ko. Natutuwa ako dahil nandyan lang siya para tulungan ako.

"Kumusta sina Mommy at Daddy?" Nag-aalalang tanong ko.

"Tita and Tito are fine, Annie. Palagi ka nilang kinakamusta. Ngayon nga ay pupunta sila dito para bisitahin ka." Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Halos mapatalon pa ako dahil sa sobrang saya. Limang buwan ko silang hindi nakita. Tanging sa text at call lang kami nagkakaroon ng komunikasyon. Gusto ko ngang sumama sila sa akin dito kaso kailangan sila ng kani-kanilang trabaho.

"Really? Bakit ngayon mo lang sinabi? My gosh! Kailangan nating sabihin kay Tita Belen na pupunta sina Daddy dito. Tiyak, magluluto sila ng hapunan natin." Hindi mawala sa mukha ko ang sobrang saya. Hinawakan ko pa ang tiyan ko dahil panay din ang paggalaw ni baby. Natutuwa rin siguro dahil makikita niya ang kanyang lola at lolo.

"Alam na ni Aunt Belen na papunta sina Tita. Nakapagluto na rin siya ng kakainin natin para sa dinner. Ang sabi ni Tita Anabelle, nasa Lucena City na sila. Isang oras na lang nandito na sila para makita ka." Hindi ko mapigilang maluha. Miss na miss ko na silang dalawa. Sa loob ng 23 years, ngayon lang ako nalayo sa kanila. I missed them so much.

Bumalik ako sa Apartment namin. Kinuha ang cellphone para tingnan kung may text ba sila para sa akin.

Sobrang lawak ng ngiti ko nang makita ko mismo ang text ni Mommy.

From: Mom

We're on the way. Ayaw sanang sabihin ng Daddy mo na pupunta kami dyan ngayon kaso  mapilit ako. Excited na akong makita ka anak. I love you so much.

Nagreply ako sa kanya. Naligo ako ng mabilis. Kinuha sa aparador ang sunday dress para iyon ang isuot. Naglagay din ako ng konting make up para hindi makita ang pagiging maputla ng mukha ko. Kanina pa yung reply ko kung nasaan na sila kaso walang reply mula kay Mommy ang dumating. Kumunot ang noo ko. Limang minuto na lang, mag-iisang oras na pero hindi pa rin sila dumadating.

Binalewala ko ang kabang nararamdaman. Bumaba ako para puntahan si Debi. Habang nasa hagdanan, nakita ko ang pagkabalisa niya. Panay din ang pabalik-balik niya habang naglalakad. She even glance on her cellphone.

Yung kabang nararamdaman kanina, biglang bumalik sa katawan ko. Ang ngiting nakasilay sa mukha ko ay biglang nawala. Lumapit kay Debi para tanungin kung anong problema.

"Debi, what's the problem?" Lumuluhang tumingin sa akin si Debi. Bakit siya umiiyak? Nandyan na ba sina Mommy?


"Annie, sina Tita..." Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nararamdaman ko rin ang pag-iinit ng mga mata ko. No, mali yung nasa isip ko.

"A-Anong nangyari sa kanila?" Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. Niyugyog siya para sabihin agad ang problema.

"T-They... They d-dead, Annie..." Nanlambot ang mga tuhod ko. Bumagsak ako sa sahig. Napasigaw pa si Debi dahil sa nangyari sa akin. Binaluktot ko ang aking sarili. Hindi alam ang gagawin. Hindi totoo 'yon. Buhay pa sila. Nagtext pa si Mommy sa akin kanina. Excited pa silang makita ako. No! Hindi totoo yon!

"M-Mommy... Dad... Hindi! Hindi niyo ako pwedeng iwan!" Humagulhol ako ng iyak. Sinusuntok-suntok ang dibdib para makahinga ng maayos. Hindi nila ako pwedeng iwan. Makikita pa nila ang anak ko. No! No! No!

"Annie!" Narinig kong sigaw ni Debi bago ako mawalan ng malay.

***

"Ano pong balita, Inspector?" May naririnig akong mga boses na nag-uusap. Nang pumasok ako isip ko sina Mommy, mabilis akong bumangon. Tinitigan ko si Debi habang kausap ang dalawang pulis. Umiiyak siya habang kausap ang mga ito.

Mabilis kong pinahid ang luhang kumawala sa pisngi ko. Hindi ininda ang pananakit ng balakang. Lumapit ako sa kanila para marinig ang pinag-uusapan.

"Ayon sa nakasaksi, may isang misteryosong sasakyan ang sumusunod sa kotse nina Mr. & Mrs. De Jesus. Noong nasa bandang Pagbilao na sila, biglang humarurot ang kotse at binangga ang sinasakyan ng Tiyahin mo. Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi na sila nadala sa hospital. Dead on arrival." Napahawak ako sa braso ni Debi. Hindi! Panaginip lang ang lahat ng ito. Buhay pa sila. Hindi nila ako iiwan.

"G-Gusto ko pong m-makita ang k-katawan nila. Hindi pa sila patay. H-Hindi... H-Hindi nila ako iiwan." Niyakap ako ng mahigpit ni Debi. Humagulhol ako sa balikat niya. Hindi pwede. Ayoko. Hindi ako naniniwala.

Habang lulan ng sasakyan, tahimik lang ako habang nakatanaw sa bintana. Nasa Hospital ng Pagbilao, Quezon dinala ang katawan nina Mommy. Panay ang pagpapakalma sa akin ni Debi pero hindi ko siya pinapansin. Ayokong maniwala. Hindi ito totoo.

"Nandito na po tayo, Ma'am," sabi ng Pulis. Tumango ako. Tahimik na lumabas. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Debi sa akin kaya panatag pa rin ako.

Pumasok kami sa loob ng Hospital. Akala ko pupunta kami sa Emergency Room, nagbabaka sakaling nandoon sina Mommy kaso sa isang tahimik na lugar kami dinala ng mga Pulis. Huminto kami sa isang kwarto. MORGE.

Binuksan nila ang pinto para sa amin. Dalawa lang ang may taklob ng kumot habang nakahiga. Habang papalapit kami nang papalapit, kinakapos naman ako ng hininga. Halos lumuhod ako sa harap ng dalawang taong nakahiga. Totoo nga. Iniwan na nila ako. Sina Mommy at Daddy... wala na sila.

Dinaluhan ako ni Debi. Lumuhod din siya para mayakap ako at pakalmahin. Umiling-iling ako. Tanging malakas na iyak ko lang ang naririnig sa apat na sulok ng kwarto kung nasaan kami.

"Debi, wala na sila. Iniwan na nila ako. Ano nang mangyayari sa'kin? Hindi pa nila nakikita ang anak ko." Tinapik-tapik ni Debi ang likod ko. Pinaparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.

Bakit nila ako iniwan? Bakit sila naaksidente? May mga tao bang galit sa kanila? Mabuting tao naman ang mga magulang ko. They're always here to support me. They love me very much. So why? Bakit kinuha agad sila sa akin? Ito ba ang kabayaran ng pagbubuntis ko? Hindi ba talaga pwedeng maging masaya? Paano na ako ngayon? Paano ako babangon at magsisimula? Lahat ng taong mahal ko, unti-unti na sa aking kinukuha.

Claimed by a Bachelor [Completed] [Watty's 2020]Where stories live. Discover now