Ilang taon na ang nakalipas simula ng maganap ang kahindik-hindik na pangyayaring yumanig sa pagkatao ko at siyang bumago sa takbo ng buhay ko. Hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang trahedyang ito sa aking mga alaala. Pilit ko man kalimutan ngunit hindi ko ito magawa, patuloy akong minumulto nito hanggang sa aking pagtulog.
Nagising ako sa mga putok ng baril na umalulong sa buong bahay namin, nagmumula ang mga putok sa ibaba. Dali dali akong bumaba ngunit nabato ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang pigura ng mga lalaking may hawak na baril.
A-anong b-bang kailangan nila?
Pera? Pera ba ang hanap nila? pero wala naman kaming pera!
Mas nabigla ako nang makita si inay at itay na humahangos at may tama ng baril sa kanilang braso at binti at naliligo sa dugo.
"A-anak takbo!" sigaw ni inay sa'kin nang makita niya ako.
Ngunit isang lalaki ang mabilis na nakalapit sa akin habang sabunot nito ang buhok ko, isang malakas na putok ng baril ang muling umalulong sa paligid at nakita ko nalang si inay na nakahandusay sa sahig at hindi na gumagalaw pa.
"T-tessa!" sigaw ni itay habang gumagapang palapit kay nanay. Hindi pa rin rumerehistro sa'kin ang mga nangyayari. Wala na si nanay.
Labis ang pagkabigla ko nang may apoy na lumabas sa kamay ng isang lalaking bumaril kay nanay natinag na lamang ako sa sigaw ng aking tatay dahil sa sakit ng pagdampi ng apoy sa kanyang balat na siya namang ikinatuwa ng lalaki at mas lumiyab ang apoy. Nabalot ako ng takot para sa sarili ko at sa buhay ni tatay.
A-ano ba talaga sila?
Isa pang malakas na putok ang muling umingay sa paligid at isang iglap pati si tatay ay wala na ring buhay. Wala na sila inay at itay. Wala na...
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko, kasabay ng pagbagsak nito ang pagsibol ng galit sa dibdib ko. Magkahalong takot at poot ang nararamdaman ko ngunit mas nangingibabaw sa'kin ngayon ang labis na galit.
Agad na pumunta ang mga lalaki sa direksyon ko.
"Siya na ba yon?" tanong ng isa sa kanila.
Wala akong maintindihan ni isa sa pinag-uusapan nila.
"Oo siya na nga"
Binuhat nila ako ngunit nagpumiglas ako.
"Bitiwan nyo 'ko! San nyo ko dadalhin!?"
Patuloy lang ako sa pagpupumiglas ngunit isang malakas na suntok sa tyan ang aking natanggap. Lalong nag-alab ang galit sa loob ko, kasabay ng paglago ng galit sa loob ko ang siyang pagbukas ng mga bintana at pagpasok ng malakas na hangin na humahampas sa balat ko.
Malakas na sigawan.
Ang malakas na hangin ay tila naging kutsilyo sa sobrang talim nito at agad tumarak sa bawat parte ng katawan ng mga lalaking pumatay sa mga magulang ko. Naririnig ko ang kanilang mga iyak at tila ba nagsilbi itong musika para sa'kin. Ang sarap sa tenga, napaka sarap pakinggan.
Sige, umiyak kayo. Iyak lang.
Nawala ang mga nakakabinging sigawan sa paligid kasabay ng paghupa ng malakas na hangin at ang galit sa dibdib ko.
Ang kanilang mga katawan ay nakahandusay na sa sahig, puno ng sugat at nagkalat ang mga dugo.
Dugo.
Agad akong bumalik sa katinuan ko.
A-anong nangyari?
H-hindi
A-anong b-bang nagawa k-ko...
YOU ARE READING
Academi
FantasyWill you accept your true identity and fight for your life? Are you ready to embark on a journey to discover you true nature and unfold the mysteries of the past? -Photo used in the cover is not mine. Credits to the rightful owner. Date started: Jan...