"sino yung hayop na lalaki nayon!?" bulyaw agad sakin ng asawa ko bago ako makapasok sa pinto"Ethan k-kaibigan ko yun" nanginginig kong sagot
"kaibigan!? kinginang yan ganyan ba ang magkaibigan!? kung makangiti kayo sa isat isa parang wala kang asawa ah!? pinagtataksilan mo bako belle!?" sigaw nya sa mismong mukha ko
Napapikit ako dahil pati laway nya tumatalsik sa mukha ko
Ramdam ko ang init ng paghinga nya na animoy galit na galit
"t-totoo naman k-kasi..."
(paaak!)
Napatagilid ang mukha ko dahil sa lakas ng sampal nya
Nandyan nanaman ang luha ko na patuloy sa pag agos
Bakit lagi nya akong sinasaktan ng ganito? :'<
"Pumasok ka sa kwarto!" sigaw nya kaya mabilis akong dumiretso sa kwarto at nanginginig na umupo sa kama
Nilock nya ang pinto at lumapit sa akin
Dahan dahan nyang hinawakan ang leeg ko at unti unti nyang inilapit ang labi nya sabay halik rito
Sinipsip nya ito hanggang sa magkaroon ng mapulang marka
Di ako maka aray dahil sisipsipin nya ng todo
"You know how much I love you right?" umpisa nya habang hinawakan ang panga ko
Napalunok ako
"pero bakit hinahayaan mong lamunin ako ng selos ko!?" sabi nya at nanggigigil na piniga ang panga ko
sobrang sakit nun, dahil sa malalaki at mahahaba nyang mga daliri
Iyak nalang ang tanging nagawa ko dahil wala naman akong palag sa kanya
Walang anu ano'y sinampal nya ang kabila kong pisngi hanggang sa masubsob ako sa kama
"Sa susunod na makikita kong lumabas ka ng bahay kasama ang iba, hindi lang yan ang mangyayari sayo. Mabait akong asawa Belle, pero masama nga lang magselos" sabi nito
Hinalikan muna nya ako sa noo bago nya ako tuluyang nilisan
Napaiyak nalang ako dahil bakit nagkaganito ang relasyon namin
Dati naman ay hindi sya ganyan, palaging pagmamahal ang pinaparamdam nya sakin
Ngayon lang to nangyari na halos araw araw na ginawa ng mundo, palagi nya na akong napagbubuhatan ng kamay dahil sa matindi nyang pagseselos kahit wala namang kaselos-selos
Isa akong author, gumagawa ako ng istorya at pinopost ito sa Facebook. Lahat ng gusto kong sabihin sa ibang tao ay pinapasok ko sa istorya ko pero bakit wala paring nakakaramdam ng signal ko?
Bakit hindi nila maramdaman na sa bawat istorya na sinusulat ko ay pumapaloob doon ang kapahamakan na dulot ng asawa ko?
--
Characters:
Ethan- asawa ni Belle
Belle- asawa ni Ethan
Steve- bagong makikilala ni Belle
![](https://img.wattpad.com/cover/228867801-288-k893785.jpg)
BINABASA MO ANG
I Can't Breath, Please! Let Me Live [COMPLETED]
RandomIsang obsessed na lalaki ang mapapakasalan ng isang simpleng babae na ang hangad lang ay ang kaligayahan, pero hindi nya alam na habang tumatagal ang pagsasama nila ng kanyang asawa ay tila hindi na sya masaya. Dumadating sa puntong sinasaktan nito...