Seven

64 2 0
                                    

Umupo muna ako sa ilalim ng puno at may nakita akong isang drawing at may pirma

"Steve Jhonson" pagbasa ko sa pangalan na nakasulat

What if nakita nya ang asawa ko?

I need to find out

And I need to find that fcking guy!

Dali dali kong tinawagan ang Private Investigator ko

"May ipapa inbestiga ako sayo" umpisa ko

"sino sir?" tanong nya

"Steve Jhonson ang pangalan nya, gusto ko alamin mo kung saan sya nakatira at sino ang mga kasama nya sa bahay, at kung kinakailangan pasukin nyo sa loob ng bahay. Kailangan kong mahanap ang asawa ko!" galit na sabi ko

"yes sir , As soon as possible" sagot nito at binabaan kona sya

Steve ... Steve... Steve...

Wag kolang malalaman na kilala mo ang asawa ko, dahil kahit sino kapa, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka

Sa gitna ng paglalakad ko biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya mabilis akong tumakbo sa kotse ko para sumilong

"fuck Belle, ang lakas ng ulan. Nasaan ka naba?" mangiyak ngiyak na tanong ko sa kawalan

"siguro nilalamig kana dyan, siguro di kapa kumakain"

Pinunasan ko ang luha ko at napagpasyahan ko na umuwi nalang at bukas maghapon akong maghahanap

.
.
.
.
.

Belle POV

@3:02 pm (Bumuhos ang malakas na ulan)

"Coffee" alok sakin ni Steve na ngayon ay nag pipinta

"no thanks, ano ginuguhit mo?" tanong ko

"Halaman" sagot nito

"welcome plant ba yan?" tanong ko

At tumango ito

"Yung welcome plant nato ay dating hindi napapansin ang ganda, pero dahil lumabas na sya nakikita na ang kanyang totoong ganda, at ang halaman na yan ay kailangang tulungan para mabigyan ng pag asang lumago" sabi nito

Parang ako yung halaman na sinasabi nya

Napangiti nalang ako dahil sa dinami rami ng taong makakatulong sa akin ay yung lalaki pang taga basa ng mga istorya ko

"haaaaaaaaa inaantok ako hehe" hikab nya

"pahinga kana muna" sabi ko rito at tumango naman ito

Inayos ko ang mga gamit nyang pampinta at dumiretso sa kusina

Binuksan ko ang fridge at kaunti lang ang laman , siguro hindi na sya nakakapag grocery

Kumuha ako ng 3 eggs, white onion, At isang corned beef

Simula nung bata ako di pa ako nakakatikim ng ganito

Kasi simula nung magpakasal kami ni Ethan puro pork at beef ang nakakain ko, madalas yung bacon, veg salad, at iba pa. Nakakasawa din

Marunong naman ako magluto pero hindi ako hinahayaan ni Ethan na magluto dahil ayaw nyang gumaspang ang mga palad ko

Pinainitan kona ang kawali at nilagyan kona ito ng butter

Nung napansin ko na mainit na ang kawali, nilagay kona ang onion rings at inantay itong magmukhang malambot, at nilagay kona ang corned beef sabay, nung natantya ko na parang okay na nilagay kona ang itlog

Tadaaaaa!

Nilagay kona sa plato at hinati hati ito

"Ang bango naman" nagulat ako sa biglaang boses na nadinig ko

"ay nandyan ka pala, sorry nakialam ako sa--"

"no it's okay, nawala antok ko dahil sa luto mo" sabi nito at natawa naman ako

"tara kain" sabi ko at tumango naman ito

Kumuha ako ng plato at binigay ito sa kanya, at nilagyan kona sya ng rice

"wala pang babae ang nagsilbi sakin ng katulad ng ginagawa mo" ngiti nya sakin kaya medyo nahiya ako

"Ang tanga lang ng asawa mo dahil hindi nya nakikita ang halaga mo" sabi nito at nawalan ako ng imik

"pasensya na, tara kain na tayo" sabi nya at tumango ako

Diko pa nangunguya pero muntik konang maibuga ang kinakain ko

Napaka alat!

"sorry sorry, order nalang tayo ng bagong pagkain" pag hingi ko ng pasensya sa kanya at akmang hahawakan ang plato nya ngunit pinigilan nya ako

"wag mong tangkaing hawakan ang pagkain ko" matawa tawang sabi nya

"bakit? napakaalat kasi" sabi ko rito

"anong maalat?... Hmnnn sobrang sarap kaya gusto kopa nga e" sabi nito at natawa naman ako

Nakakatuwa dahil kahit alam kong palpak ang gawa ko, may isa pading tao ang nakaka appreciate ng effort ko ^^
.
.
.
.

Kinabukasan...

Ang sarap ng tulog ko, ngayon lang ako nakatulog ng hindi nadadagdagan ang sakit sa katawan ko

"Good morning, breakfast in bed" sabi ni Steve na kinagulat ko

"bakit?" tanong ko

"anong bakit?" tanong naman nya

"bakit mo sakin ginagawa to?" tanong ko

"ewan korin, pero ang alam kolang kailangan kong buuin ang minsan ng nasira" sabi nito

Napaka makahulugan talaga ng mga sinasabi nya

"pwede ba ako magtanong?" tanong ko at tumango ito

"yung nasa gitnang painting, ano ibig sabihin nun?" tanong ko sa kanya at bigla syang nalungkot

"ah yun ba? Ako yang nasa ilalim ng puno... nag aantay na bumalik yung babaeng mahal ko, pero naghintay lang pala ako sa wala" sabi nito

"kung mahal mo sya bat dimo sya pinaglaban?" tanong ko

"Pinaglaban ko sya pero sya ang sumuko" sabi nito

"pasensya na masyado akong matanong, kumain ka naba?" tanong ko

"oo kanina pa, pupunta ako sa museum ibebenta ko yung mga gawa ko para kumita ng pera at para makita ng iba yung mga pinta ko" ngiti nya at tumango naman ako

"sige una na ako" paalam nya

"sige salamat" nakangiting sabi ko

"nga pala, yung pinto i'lock mo lahat. Pati yung kwarto nato i'lock mo, may duplicate naman ako kaya ako lang pwede pumasok dito, kung may kakatok wag mong bubuksan dahil hindi naman ako kumakatok. Naiintindihan mo? Keep safe okay?" sabi nya at nginitian ko ito

Tuluyan na syang umalis at sinunod ko ang sinabi nya

Nakakabilib sya

Kahit na kailangan nya ng comfort ay mas inaalala nya parin ako

I Can't Breath, Please! Let Me Live [COMPLETED]Where stories live. Discover now