Chapter 8: Scripted Lamay

1 2 0
                                    

Ibinurol na ang katawan ni Melanie sa pamamahay nila. Hindi naman makatingin si Chris sa bangkay ni Melanie, dahil kasama niya ang kaluluwa nito. Kinukulit naman siya ni Melanie na kausapin siya nito kaya pumunta muna sa hindi mataong lugar si Chris.

"Bakit mo ako kinukulit? Baka mapagsabihan akong baliw kung kakausapin kita doon. Ano ba ang ikinukulit mo sakin?" tanong ni Chris.

"Huwag ka ng matakot pa sa katawan ko. Wala ng mga sugat yan. Naghilom yung mga sugat nung ako ay pumasok sa katawan ko. Hindi ko rin  naramdaman yung mga tadtad ng saksak sakin. Kaya silipin mo na ang katawan ko dahil sa oras na mailibing na ito. Mabubuhay uli iyon," sagot ni Melanie.

"Bakit napagbigyan kang mabuhay? Ano ba ang hiniling mo sa Panginoon para mabigyan ka ng walumpung araw sa mundo?" tanong uli ni Chris.

"Naalala mo ba yung mga sinabi ko sayo noon na iaangat ko sa kahirapan ang aking pamilya? Ayun ang hiniling ko sa kanya. Dapat nga hindi ako pagbibigyan sa kahilingan kong iyon pero nagpumilit ako. Sinabi ko na kahit bigyan lamang ako ng ilang araw na matulungan ko ang pamilya ko na umahon maging si Joshua. Maya-maya ay bumaba ang dalawang anghel na susundo sana sa akin at sinabi na pumayag na ang diyos sa nais kong mangyari pero may limitadong araw lang ako dito. Sa loob ng limampung araw at kailangang matupad ko iyon dahil kung lumagpas ako sa araw na itinakda lamang sa akin, maaari na akong makakita ng mga nilalang na hindi ko dapat makita. Sinabi rin sa akin na huwag akong papakilala kila mama at papa na kanilang anak dahil hindi na ako makakaakyat sa langit kung malalaman nila iyon," salaysay ni Melanie.

"Maliwanag na sa akin ang lahat. Kapag nakuha ko na ang katawan mo ay kailangan nating magpakalayo-layo ng limang araw muna. Sa loob ng apatnapu't lima ay babalik tayo dito para tuparin na yung mga pangarap mo sa kanila," suhestiyon ni Chris.

"Sige, kung ayan ang makabubuti sakin, gamitin natin ang limang araw na yun para magpakalayo-layo at magsimula na tayo pagkatapos," pagsang-ayon ni Melanie.

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay agad na nagtungo si Chris sa ina ni Melanie upang pag-usapan ang mga mabilisang bagay. Pinag-usapan nila na kailangang mailibing agad si Melanie, gumawa siya ng mga rason para mapapayag ito at hindi naman siya nabigo. Ikinatuwa ni Melanie ang pagiging masigasig nitong matulungan siya.

Habang inaantay ni Melanie ang kanyang muling pagkabuhay, pinagmamasdan niya ang kanilang tahanan at maging ang kaniyang katawan. Napaisip siya kung ano pa ba ang ibang dahilan kung bakit siya binigyan pa ng limampung araw. May isa pa kayang dahilan kung bakit napagbigyan ang kanyang kahilingan?

---------------------

Sa kulungan, kung saan nakakulong na ang tatlong lalaki, hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin sa loob ng kulungan. Maya-maya ay may naisip na naman itong masamang plano ang kanilang boss na Gary ang pangalan.

"Tatakas tayong tatlo. Gagantihan natin si Chris, at ang pamilya ng namatay," ang sabi ni Gary sa kanyang dalawang kasamahan.

Lumipas ang dalawang oras ng usapan nila ay nagkunwari ang tatlo na biglang sumasakit ang mga tiyan nila, humingi sila ng tulong sa mga pulis, at nais nilang tatlo na madala sa ospital. Agad namang rumesponde ang mga kapulisan at inalalayan agad ang tatlong lalaki.

Habang sila ay inaalalayan, nakahanap ng tiyempo si Gary na dukutin ang baril na nasa gilid ng pulis at agad na nagpaputok ng baril. Mabilis namang nakaresponde ang mga kapulisan at nabaril ang isang kasamahan ni Gary. Swerte namang nakatakas si Gary at ang isa pa niyang kasamahan.

Ikinadismaya ni Gary na hindi man lang niya natulungan ang kanyang kasamahan kaya nabaril ito. Dahil dito, dalawa na lamang sila ni alyas Nico. Matutuloy pa rin ang pinaplano nilang paganti sa pamilya ni Melanie, at ang pagganti rin sa traydor nilang kasamahan na si Chris.

Ngayong nakatakas ang dalawa, muling manganganib ang buhay ng pamilya ni Melanie, at ni Chris, maaaksyunan kaya ito agad ni Chris?

To be continued...

The Comeback Project ✅Where stories live. Discover now