Chapter 30

145K 3.8K 363
                                    


Chapter 30
Chess.

Tumingin si daddy sa kanyang wrist watch at saka nag-angat ng isang matalim na titig kay Josh.

Hindi ko rin maitatangging napalunok ako ng di oras nang dahil sa titig ni daddy'ng yon.

"Ang gwapo ng daddy mo pag seryoso noh?" kinikilig na bulong ni mommy sa gilid ko at tumingin ako kay mommy na nakakunot ang noo habang sya'y nakangiting nakatingin kay daddy.

Napailing nalang ako at napatingin muli kay daddy na ganon pa rin ang titig kay Josh.

Tumikhim ito at binasa ang kanyang labi bago magsalita.

"Feeling ko hindi ko asawa ang daddy mo." bulong ulit sa akin ni mommy. "Kinikilig pa rin ako." patiling bulong nito. "Nakita mo ba kung pano nya basain ang labi nya? God, Rae!" singhal nito. "I'm dying to see those actions dati pero ngayon, harap-harapan pa." dagdag nito.

Lumingon ako kay mommy. "'Mmy, please. Just please.." pakiusap ko dito at agad naman syang humalukipkip pero nakatingin parin kay daddy ng nakangiti.

"It's already 10:30 in the morning." ani daddy gamit ang kanyang fluency sa English. "I want my daughter to be home by 8:30 in the evening." he stated.

Kita kong napaisip naman si Josh sa sinabing oras ni daddy at saka ito  nagsalita with full confidence. "Make it 10:30 in the evening, sir."

Tumaas naman ang kilay ni daddy sa ginawang request ni Joshua. "It's my daughter we're talking about here." ani daddy. "Kahit na sabihin mong may kotse kayo, delikado pa rin. And I dont want to risk my daughter's life." aniya. "Do you think I will let you take her home at 10:30 in the evening?" sarcastic na tanong ni daddy.

Huminga naman ng malalim si Josh at muling nagsalita. "Yes, sir." he stated at mas lalong tumaas ang kilay ni daddy.

Naramdaman ko namang papalapit ulit si mommy sa akin kaya inunahan ko na ito at nilingon. "Mom, wait lang po." magalang na sabi ko kay mommy. "Mamaya na po kayong kiligin, please." pakiusap ko sa kanya and she chukled saka lumayo ng kaunti sa akin.

"Lyrae's your daughter and I love her, sir." ani Josh at hindi ko maiwasan ang mapangiti ng dahil sa sinabi nya.

"Kinikilig ka rin oh." nang-iinis na bulong ni mommy at marahan syang tumawa kaya pinigil ko ang kilig na nararamdaman ko.

"Ayoko rin pong mapahamak sya as much as you do." pagpapatuloy nito. "Makakasigurado po kayong aalagaan ko po sya at hindi hahayaang mapahamak."

Bumalik ulit ang matalim na titig ni daddy kay Josh na para bang pinag-iisipan nito ng mabuti ang mga binitawang salita ni Josh.

Lahat naman kami ay napalingon kay mommy ng bigla itong pumalakpak. "Okay. That's enough, Sean. Hayaan mo na ang mga bata." ani mommy kay daddy at saka nakangiting lumingon kay Josh. "Be sure to take her home by 10:30 ah?" ngiti ni mommy kay Josh.

Kita kong napangiti si Josh ngunit agad ding nawala nang sumingit bigla si daddy.

"Sandra, hindi pa ko pumapayag--"

Aapila na sana si daddy nang harapin ito ni mommy at pinandilatan ng mata kaya tumahimik ito.

"Pabayaan mo muna ang mga bata, Sean." ani mommy. "And besides, think of it as a graduation gift to Josh." dagdag ni mommy.

"Wala akong balak ipangregalo ang anak ko sa iba--Okay." huminga ng malalim si daddy dahil tinalikuran na sya ni mommy. "Make sure na iuuwi mo sya ng before 10:30 or sharp." sabay lingon nito kay Josh na ngayo'y nakangiti na.

"Yes, sir." Josh stated at saka tumingin sa akin ng nakangiti.

Napailing nalang ako at tumingin kay mommy na biglang ngumiti sa akin saka kumindat.

Say I Love You TooOnde histórias criam vida. Descubra agora