Chapter 35
I'm Done."Lyrae.." mahinahong tawag sa akin ni Anne habang nakatulala't nakaupo lang ako sa kama.
Nang makita ko silang dalawa kahapon ay agad kaming bumalik ng hotel. Gusto ni Ate Jane na sabihin kay daddy ang nangyari ngunit gusto kong ako mismo ang magsabi sa kanila ni mommy pag-uwi namin mamayang gabi.
"Let's enjoy our time here." nakangiting aya sa akin ni Anne. "Mamayang gabi na ang uwi natin oh. We havent been to the Great Wall of China. Sayang din yon. Pang-instagram." sinamahan nya pa ng biro ngunit hindi talaga ako natinag.
Huminga ako ng malalim at nilingon ko sya. "Kayo nalang." ngiti ko dito.
Ngumuso naman ito at sumalpak na rin sa kama. "Kahit wag na pala." aniya. "We can still go back here naman eh." sabi nalang nito.
Kinagat ko ang aking ibabang labi at tinignan ang bintana na kita ang halos buong Beijing centre.
"I will never go back here." marahan kong sabi.
Bumagsak ang aking mga mata sa aking daliri na kanina ko pa nilalaro.
There's too much pain.
"Rae.." gising sa akin ni Anne.
Hindi ko alam na nakatulog rin ako sa malalim na pag-iisip ko. Nakita ko ang papalubog nang araw mula sa bintana ng aming suite.
"Maligo ka na." aniya. "Malapit na tayong pumunta ng airport." dagdag nito at tamad akong tumayo saka mabilis na naligo.
Hindi ko na inabala pang pumorma at sinuot nalang ang simpleng pullover plain white shirt ko at isang black fitted jeans na pinartneran ng paborito kong sneakers na may malaking check sa gilid.
"Lyrae, kanina pa nagriring ang phone mo." ani Anne habang pinaplantsa nya ang kanyang buhok.
Kumunot ang noo ko saka lumapit sa center table kung nasaan ang cellphone ko. Tinignan ko ang caller at mula sa Skype ay tumatawag si Joshua sa akin upang mag video call.
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba at aakto akong parang walang nangyari o sasagutin ko ng punong-puno ng hinanakit para sa kanya.
Dinecline ko ito ngunit nagpaulit-ulit lang sya sa pagtawag kaya sa panglimang subok nya ay pilit ko na itong sinagot at itinambad ang mukha kong walang ka-ekspre-ekspresyon habang sya'y tuwang-tuwa.
"Finally! I got to video call you." masayang sabi nito na agad rin namang nawala ang kanyang mga ngiti nang makita ako.
Tinitigan ko lang sya at kitang-kita ko naman sa itsura nyang napa-okay nya. Na para bang hindi kami nagkahiwalay for a week and a half.
It's exactly the opposite kung paano ko tinutunugan ang tamad at malungkot nyang boses kapag kausap nya ako. Pati na rin ang mga sad text messages nya na aniya'y miss na miss nya na ko.
"Lyrae.." nag-aalalang sabi nito habang sumeryoso ang kanyang mukha. "W-What happened?"
Huminga ako ng malalim at pinilit ang sarili kong ngumisi. "Ikaw?" tinagilid ko ang aking ulo. "What happened to you?" balik kong tanong sa kanya na bakas ang kasarkastikohan ng boses ko.
Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko. "May problema ba dyan?" tanong nito. "I mean, why are you like that?"
Umiling nalang ako saka ngumiti sa kanya. "Wala naman." sabi ko at medyo inilayo sa akin ang iPad. "Baka ikaw. Baka may problema ka dyan."
"I-I'm perfectly fine here, Rae." nalilitong sabi nito.
Ngumisi ako at tumango-tango. "I can see that." sabi ko nalang.

YOU ARE READING
Say I Love You Too
Teen Fiction[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...