Chapter 39

11.5K 176 16
                                    

Alexis Mae Montenegro

'From: Unknown
Mag kita tayo sa park- Mia'

Masama ang pakiramdang kong bumangon.  I felt my head are heavy,  and wala sa oras napa hawak ako sa bibig ko at tumakbo papunta sa Cr.

What if?

Mabilis na kumalabog ang dibdib ko dahil ngayon ko lang na realize mag iisang buwan na akong di dinatnan.

Normal naman kasi ang dalaw ko every buwan.  Umalis na ako sa banyo at pumunta sa kusina para mag luto ng breakfast.

"Good morning Mommy" humikikab na bati ni Hannah.  Nilapitan ko ito at binuhat siya papunta sa upuan.

Kinuha ko ang niluto ko at nilapag sa mesa.  Malalim ang titig ni Hannah sa akin.

"Baby, Why are you looking at me like that? " ngumiti lang ito ng malungkot .

"I want daddy with us mommy.  I want my real dad to be our family" yumuko ito agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"Mommy will fixed everything baby" sabay also ko rito.  Pagkatapos naming kumain ay nag text ako kay Jane na pumunta siya dito sa condo.

Habang nasa sala ako malalim ang iniisip ay nakarinig ako ng katok galing sa labas.

Tumayo ako para buksan ang pintoan.  Pagbukas ko rito ay sumalubong sa akin ang mukha ni Rence.

Mabilis na tumibok ang puso ko dahil nandito siya sa harap ko mismo. Ngumiti ito sa akin.

"Pwede ko bang hiramin si Hannah? " dahan dahan akong tumango.

"Dadddyyyy" isang matinis na boses ang narinig namin mulas sa likod ko.

Sinalubong naman ito si Rence ng mahigpit na yakap at halik sa pingin.

Asa ang Akin Rence? 

"Mommy alis na po kami " doon ko lang napansin naka bihis na ito.

"Alis na kami Alex" paalam nito humalik naman si Hannah sa akin at hinila na si Rence.

Asan ang halik ko Rence?

Sa pag alis nila ay nag ayos narin ako para sa pagkikita namin ni Mia. Naka received din ako ng text kay Jane na humihingi ng sorry dahil medyo busy siya.

Nag drive na ako patungo sa park malapit rito.

Ano naman kaya ang gusto niyang sabihin sa akin. Sasabihin ba niya na layuan ko si Rence dahil mahan na siya nito?.

Sasabihin ba niya na buntis na siya at si Rence ang ama. Hindi ko namamalayan na mahigpit na pala ang pagkahawak ko sa manibela.

Pano na kami ng anak niya?

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.  Nang makarating ako sa park ay lumabas na ako sa kotse.

Hindi naman mahirap hanapin si Mia dahil walang masyadong tao ngayon sa park. Nakita ko siyang naka upo nasa dulo habang naka tanaw sa fountain.

Lumapit na ako sa kanya at umupo sa tabi niya.  Nagulat naman ito habang naka tingin sa Akin at ngumiti ng malungkot.

"Bakit gusto mo makipagkita? " walang ligoy-ligoy na tanong ko sakanya.

"Sa pagsasama natin sa High School ikaw langang tanging tao na pinaramdam sa akin na di ako nag-iisa.  Namatay si mama na may sama ng loob kay papa dahil may ibang babae ito. High school palang tayo ay naging kaibigan at hanggang naka relasyon ko na si Rence, hindi nag tagal gusto na niya akong matali sa kanya. Natakot ako dahil baka matulad ako sa mama ko. Sobrang sakit na ng dinanas ko sa kay papa ayaw ko na maulit iyo.  Pero habang magkasama tayo ay naka ramdam ako ng inggit sayo" pinunasan naman nito ang luha niya at ngumiti.

"Nakita kong gaano ka kamahal ng tao sa paligid mo.  Nong panahon na pi nakilala mo si Troy sobrang na inggit ako dahil parang lunod kayo sa isat-isa sa pagmamahal. Kaya ang ginawa ko senugal ko ang pag-kakaibigan natin dahil akala ko mahal ako ni Troy. Umabot din sa punto na nag-away kaming dalawa dahil gusto niyang kunin ang pinaka iingatan mo at iwan ka sa ere.  Natakot akong masaktan ka.  Kahit mahal ko na siya mas mahal kita.  Kaysa paglaruan ka niya mas pinili kong ako nalang. Alam kong dadating ang araw iiwan niya ako katulad ng plano niya sayo.  Hindi nga ako nag kamali."

"Inayos ko ang sarili ko upang balikan talaga ang taong una nag Pa tibok sa making puso. Ang tao na handang I igay ang mundo niya para makasama ako,  ang lalaking lumuha nong iniwan ko siya. Pero sa pagbalik ko ikaw na pala ang mahal niya,  ginawa ko lahat bumalik siya sa akin dahil ako naman ang una.  Pero wala eh, ikaw pa rin. Nong gabi na nakita mong may nangyari nakonsensya ako ng todo dahil sa ginawa ko. Ikaw ang sinigaw niya nong gabie na iyon dahil akala niya ako ay ikaw ." Hinawakan niya ang kamay ko habang humihikbi.

"I may not deserve to be forgiven . But Rence deserve a second chace. Mahal na mahal niya kayo Alexis, sobra pa sa buhay niya. Gusto kong humingi ng tawad dahil buntis ako "

Kumalabog ng mabilis ang dibdib ko sa sinabi niya sa huli.

Please wag naman sana kay Rence.

"Wag ka mag alala hindi ito kay Rence, mahal na mahal ka non eh. Sayo lang tatalbog at gigiling iyon. Kay Bryan ito ang gago mong fiance . Nagkita kami sa isang bar at nalasing kaya ayon. "

Imbes makaramdam ako ng galit dahil nabuntis siya ni Bryan ay wala.

"I miss you bestfriend" niyakap niya ako ng mahigpit habang humihikbi.

"Ito na ang huling araw na magkikita tayo. Aalis na ako at magpapakalayo. Sa pag alis ko wag mong kalimutan na mahal na mahal kita hindi lang bilang matalik na kaibigan kundi kapatid. " bumitaw na ito at tumayo . Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay biglang tumulo.

"Wag ka umiyak papangit ka niyan " ngumiti ito ng malawak. Ang mga ngiti na iyon ang matagal ko ng na miss .

Tumalikod na ito at umalis na. Kahit gaano ka kagalit sa tao pagnakita mo talaga kong gaano ito nag sisi ay mapapatawad mo ito kahit gaano ito ka sama.

Minahal tayo ng Diyos ng sobrang kahit na malaki ang kasalanang nagawa natin. Sino ba ako o
Para di mag patawad.

"Pinpatawad na kita bestfriend"
---------
Waaah isang chapter nalang tapos na ito huhuhu. Maraming salamat sa pag supporta ninyo sa akin Darling's <3

I'm Pregnant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon