Chapter 22

542 36 1
                                    


Ang lawak ng pasilyo ng palasyo, at ang daming mga bulaklak e kaso ang lulungkot dahil hindi sila naka bukadkad pati din pala sa palasyong ito ay sobra rin ang lungkot . Ganun ba sobrang kaimportante si Ate? 

"Hinihintay nila tayo sa Hapag kainan" Saad ni Shawn sa'kin napa tango nalang ako rito, ang daming mga litrado dito sa wall, lahat ay hindi ko makilala dahil bago palang ako rito pero may isa na akong nakilala, yun si Aries . May isang babae rin, na kahawig na rin maganda sya, siguro sya si Leslie, Meron din isang sanggol na buhat-buhat sa kanyang ina

"Ikaw yan, ikaw ang kinakarga ng mahal na reyna "sabi sa'kin ni Shawn kaya pala kahawig ko ito dahil may litrato din ako nung bata e kaso naiwan ko sa Bahay nila lolo.

Ang ganda ng  mukha ng reyna at hari para silang mga bata, ang edad ay nasa 20 .

Nakasalubong kami ng 4 na maids dahil sa kasuotan nito sabay yuko saamin.

"Nandito na po pala kayo" bigla silang tumingin sa akin ng ikinagulat ko

"Princess Cassandra?  Mga kasama mag bigay pugay sa kanyang pagbabalik muli "-sabi ng nakakataas na maid sakanila.

Yumuko sila sa akin . "Nagagalak po kami na makita ka muli mahal na prinsesa "-hindi parin umaangat ang kanilang mga ulo.

"Aking Anak!" napatingin ako sa Likod ng mga maid na may nakita akong mga tao dun, Nandoon rin si Aries at Kyle kasama nila yung reyna at Hari ng Winderian.

"Mahal kong Anak!  Akala ko hindi na tayo magkikita muli! "bigla nalang ako niyakap ng reyna at umiyak sa likod ko.

Napakunot nalang ang noo ko tinatanong ko ang mga kasamahan ko kung anong nangyayari? 

"Ikaw na ba'yan Cassandra? "tanong sa'kin ng Hari "

Napatingin nalang ako sakanya, "Ako po si Ashtin Leigh "sagot ko sakanya.

Bigla rin syang yumakap sa'kin

"Nagagalak akong makita ka ulit aking bunsong anak!", Niyakap nila akong dalawa pero hindi ako makagalaw dito para akong naging bato.

Unti unti silang Humiwalay sakin na parehas silang may luha sa mga pisngi.

"Ikaw nga ang anak namin, nararamdaman ko ang dumadaloy sa iyong dugo "saad ng reyna.

"Anak napaka ganda mo, manang mana ka talaga sa iyong ina "biglang namula ang mukha ng reyna na pag sabi nun ng hari

Hindi talaga ako makapaniwala sila ang magulang ko? sila na ba ang totoo?, totoo kong mga magulang.

Biglang may namuo sa gilid ng aking mata na mainit na likido, bigla nalang bumagsak.

"K-kayo na h-ho ba ang tunay kong mga m-magulang?" parang nahihirapan kong banggitin sakanila yun dahil baka mapahiya lang ako o biro biro  lang! 

"kami nga ang mga magulang mo aking bunso, ikaw si Cassandra ang huli kong anak "malambing nyang boses .

"At ako ang nakakatanda mong kapatid " bigla nalang lumitaw dito si Aries.

"A-aries?" bigla nya kasi akong niyakap.

"Dont call me again aries,  just call me kuya" sabi nito.

Parang Komportable  ako sa bisig nya at niyakap ko na rin ito.

"K-kuya Aries "-banggit ko sakanya, mas lalo nyang hinigpitan ang yakap nya sa'kin,marahang hinalikan nya ako sa aking noo bago nya akong pinakawalan.

"Buti pa ang iyong nakakatandang kapatid tinawag mo na syang kuya pero, kami hindi mo pa kami tinawag " ngumuso ang reyna bahagyang natawa ako sa pag mumukha nya dahil parang nakita ko ang sarili ko sakanya.

"Eto napo..  M-mama, P-papa " sabay ngiti sakanya .

"Honey!  narinig mo ba yun? tinawag nya tayong mama at papa! "nagagayak na saad ng aking ina.

"Parang nabingi yata ako dun ano yung sinabi mo  pakiulit nga" magiliw na sabi sa'kin ng Aking ama.

"M-mama Pa-"

Krugggggggg*

nanlaki ang mata ko nung ang lakas ng tunog ng tyan ko.

"gutom na ang bunso natin honey"-natatawang saad nya sa hari.

napa nguso ang hari, "hindi natuloy ang pag banggit nya ng papa "-parang batang hindi naka kuha ng lollipop.

"Lets go baby " hinawakan ng reyna ang kamay ko at nag tungo sa hapag kainan.

Napanganga ako sa sobrang dami ng putahe na naka hapag dito mga ibat ibang uri ng pagkain, meron akong natatandaan na alam kong nakain kona pero marami din ang hindi ko pa nakikitang putahe. 

Biglang may bumulong saaking tainga.

"Baby Sister, naging masaya na ulit ang ating mga magulang simula ng nakita ka ulit "-si kuya aries ang bumulong sa'kin, napatingin ako sa pwesto ni kyle pero parang feel ko iniiwasan nya ako. 

Pinaupo ako ni kuya aries sa tabi nya at pinag lalagyan ang mga ulam ang plato ko salit salitan sila ng magulang namin.

"Baby, tikman mo itong chicken roll favorite ko yan "gayak na sabi sa'kin ni mama

"This Baby, try this "nilagyan din ako ni papa ng di ko alam na putahe.

"Try this bunso alam kong favorite mo yan " nilagyan ako sa plato ko ng, adobo! my favorite! 

lahat ng  pinaglalagay sa plato ay sinubukan kong ubusin buti nalang ay matakaw ako ngayon dahil sa gutom .

Nakangiti lang ang mga Warriors pero si Kyle parang nanlulumo ang utsura ewan ko kung ano talaga ang nangyayari, — May ipagtatapat na sana ako sakanya, kasi, parang nahulog na ang loob ko kay kyle parang namimiss ko sya kapag hind ko ito nakikita, tapos nalulungkot ako pag hindi kasama, may gusto na ba ako sakanya? 

Napangiti nalang ako sa aking isipan.

"Ang lawak yata ng iniisip ng ating bunso honey "-napatigil ako sa pag iisip ng narinig ko ang boses ng hari este ang papa.

"Ah H-hindi po may naalala lang po ako at ang saya lang po ng araw ko ngayon" totoo naman ang sinabi ko kaso hindi ko sinabi ang isa pa nakakahiya lalo na nadito sya. 

"Kumain kana ng marami iha, mamaya ay mag kukwentuhan tayo na mahabang mahaba" tumango nalang ako kay mama.



Hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan ni mama at papa ko.








_____________________________________________________________

To be continued...

Pirsa AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon